Nagising ako nang huminto ang bus at muntikan na akong makabitaw sa pagkakahawak ko sa tobo. Hinilig ko kasi ang ulo ko saglit sa braso ko kasi pakiramdam ko bumabaliktad na ang sikmura ko at nahihilo na ako. Ganito kasi ako kapag nakasakay ng bus, nasusuka.
Sumilip ako sa labas at nagtitingin sa mga signages. Nasa San Tiago pa pala kami. Hay. Ang tagal pa pala talaga ng byahe. Hanggang kailan ko kaya mapipigilan tong paghihilo ko? Lord, sana makaupo na ako.
Napatingin ako sa bumaba. Teka, yun yung nag-offer sakin kanina ng seat ah?
Napatingin ako sa gawi ni Bryle at nakita kong umusog siya sa may bintana. Hindi niya man lang ako tinawag para paupuin! Oh well, all that matters is that makakaupo na rin ako sa wakas! Nadinig ni Lord ang hinaing ko!
Mabilis akong nagtungo sa tabi niya at umupo. Nag-unat unat ako kasi parang hindi ko na maramdaman ang paa ko sa kakatayo kanina. Inayos ko na rin ang buhok ko at tinale ito into bond.
Nilingon ko ang katabi ko pero busy ito sa pagmumuni-muni habang nakikinig ng music. Psh. Gayahin ko nga.
Kinuha ko ang headset ko galing sa bulsa ng aking bag at nilagay ito sa phone ko. Nagsimula na akong makinig ng music habang binabalatan ko ang baon kong biskwit. Hay, salamat naman at nabawasan na ang pagkahilo ko.
Nilakasan ko ang volume ng music. Napasabay ako sa kanta at napapikit.
"I want to get louder... I got to get louder... We 'bout to go up baby up we go. We 'bout to go up baby up we go..."
Minulat ko na ang mga mata ko para simulan nang kainin ang biskwit ko nang may maramdaman akong mabibigat na titig sakin.
Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Napaiwas siya ng tingin at ako naman ay natanggal ang headset sa tenga ko ng wala sa oras.
"Kinakausap kita, hindi ka nakikinig." nakatingin siya sa labas habang binubulong niya iyon.
Teka, kinakausap niya ako? At hindi raw ako nakikinig? Eh tangek siya! Nakikinig ako ng music eh. What did he expect?
"Nakikinig ako ng music. Bakit? Ano bang sinabi mo?" kalmado kung sabi pero sa totoo ay gusto ko na siyang tarayan.
Pero hindi ko rin kaya. Ikalawang pag-uusap pa namin kasi to simula nong... basta! At hindi ko kayang sayangin ang moment na to.
"Ang sabi ko, hinaan mo ang boses mo. Napapatingin sayo ang mga pasahero." hindi parin siya nakatingin sakin.
Inilibot ko ang paningin sa loob at wala namang nakatingin sakin. Baka napatingin lang sila saglit noong kumanta ako. Ang ganda kaya ng boses ko. Tsaka hindi naman nila ako kilala kaya wala akong pake. Dedende na sa kanila kung tumatak talaga sa puso't isipan nila ang maganda kong boses.
"Eh ano naman? Hindi naman nila ako kilala." I shrugged.
"Nakakaistorbo ka kasi."
Nangunot ang noo ko. "Bakit ganyan ka makareklamo? Naistorbo din ba kita?"
"Oo." simple pero straightforward niyang sagot.
Napa-smirk ako in disbelief. "Grabe ka naman. Nagreklamo ba ako nong hindi mo in-offer ang seat mo para sakin?"
Napa-smirk din siya. "Nagreklamo ka na lang rin sana kagaya ko."
"Kailangan pa ba kitang sabihan para paupuin mo ako? Kung gentleman ka, kusa mong ibibigay ang seat mo na hindi ka pinagsasabihan."
"Well, I'm not gentleman like you've said so."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Paano mo..."
Si Vina lang kasi ang sinabihan ko niyan eh na para sakin hindi gentleman si Bryle.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
SonstigesKung akala niyo walang taong Credits: Photo in the cover is from Pinterest (ctto) Book cover is edited through the use of Canva