Seven years.
Ganoon kahaba ang ibinigay ko sa sarili ko upang makapag-isip isip. Natawa ako sa sarili ko.
Ganoon talaga kahaba? Ang tanga ko naman.
Nandito ako ngayon sa bakuran, nakaupo at nagtitipa ng isang panibagong storya sa aking phone.
Napatayo ako nang makita ko ang isa sa mga halaman ko na natumba. Itinayo ko ito at inayos ang pagkakalagay sa hanay ng iba ko pang mga halaman.
Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang buong paligid na puno ng mga halama't bulaklak at napatanong, naging masaya ba talaga ako sa desisyon ko?
Nagulat ako nang biglang mag-ring 'yong phone ko na nakalimutan kong dala-dala ko pala. Tinignan ko ang reminder na naka-register sa lockscreen ko.
"Coffee Time" - 2:00 PM
Napangiti ako saka tumayo at nagtungo sa silid. Nagmadali akong pumasok sa aking kwarto, nagbihis ng plain white t-shirt at faded jeans na tinernohan ko ng paborito kong brown cardigan. Kinuha ko ang car keys ko sa bedside table saka tumakbo papuntang garahe.
Hanggang ngayon, pumupunta pa rin ako sa cafe na 'yon every sunday afternoon. Aside sa gusto ko ng kape, may inaasahan kasi akong makita doon... kahit hindi ko alam kung dadating nga ba siya o kung magpapakita ba siya.
Pagkarating ko sa paroroonan ko ay pinark ko na ang kotse ko sa parking slot. Pagkalabas ko ay iginala ko kaagad ang paningin ko sa loob ng cafe at ang daming tao sa loob. Ipinasok ko ang right hand ko sa bulsa ng aking cardigan at naglakad na papasok sa cafe.
Nakakapagtaka. Ba't ang daming tao eh normal days naman? Tsaka hindi naman dinudumog ng mga tao ang mga cafes.
Mabuti na lang ay nakahanap ako ng vacant table sa may sulok pero katabi sa glass window. Medyo natagalan ako sa pag-order kasi ang daming inaasikaso.
Napatingin ako sa kalangitan na unti-unting naging gray at doon ko lang na realize na July na pala. Tag-ulan. Kaya pala ang daming tao kasi gusto nilang magpa-init.
Pagkalipas ng ilang sandali ay sa wakas dumating na 'yong order ko; isang cup ng caramel coffee at one slice of chocolate cake na agad kong tinira. Nag-play din sila ng 'Begin Again' by Taylor Swift sa speaker.
Napangiti ako as I leaned backward and sipped my coffee.
Hay... brings back memories.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
De TodoKung akala niyo walang taong Credits: Photo in the cover is from Pinterest (ctto) Book cover is edited through the use of Canva