chapter 5

1.5K 38 0
                                    

Summer Affair With Calla

By: Tink

Tink: Babala bawal ang tumawa.

◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚ Chapter 5◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚

Nag aalalang nilapitan siya ni Kristoffe at hinawakan ang mga nanginginig niyang kamay.

Damang dama niya ang lamig at pagtayo ng kanyang mga buhok. She didn't expect na makakaapak siya ng tubig.

" Calla are you okay?" nag aalalang saad ni Kristoffe gustuhin man niyang huwag ipakita ang mga luhang nag unahang pumatak hindi iyon nakaligtas sa paningin ng binata.

" Tubig.." namamaos na saad niya.

Mabilis na inilipat ni Kristoffe ang mga bag at hinalungkat ang knapsack na dala, naglabas ito ng bottle water.

" Here"

Hindi niya iyon inabot bagkus nanginig siya na tila tatakasan ng ulirat'.

" Tubig.." pabulong niyang saad.

Hindi na siya makakilos lalo pa't gumagalaw ang tubig dahil sa alon.

Napayakap siya kay Kristoffe.

" Hay naku ha nakakarami ka na"

Nakangiti namang yumakap din ang lalaki sa kanya.

" Dapat yakap ang sinabi mo hindi tubig, di naman ako madamot eh" nakangisi itong iginiya sa buhanginan si Calla.

Naramdaman niya ang mainit na buhangin mula sa kanyang hubad na paa, bumalik din ang kanyang postura, nawala ang panginginig niya.

Si Kristoffe naman nakayakap padin sa kanya.

Mabilis niya itong itinulak.

" Hey!" dire diretso sa buhanginan si Kristoffe at nagkakamot ng ulong tumayo.

Sa lakas ng tulak niya parang mababalian ng buto ito.

" I said.."

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin kinuha niya ang trolley at nagmartsa palayo.

Nagngingitngit siya sa galit, nagpupuyos ang kanyang dibdib.

" Hoy!"abot sa kanyang pandinig na tawag ni Kristoffe.

Lumingon siya.

" Ikaw at ikaw wala ng iba!ang dami mo ng tsansing sa akin tapos itutulak mo ako?wala man lang malutong na thank you!sayang maganda ka pa naman sana!wala kang puso!"

Naiinis na sumunod si Kristoffe.

Binilisan niya ang paglakad at hinanap ng mga mata ang taong susundo sa kanya.

" Calla!wag kang lumayo madilim jan!" nag aalalang sigaw ni Kristoffe.

Naririnig niya si Kristoffe but she kept on running. Mga puno ng niyog at mga sirang bunga nito ang kanyang nakakasalubong.

Hingal na hingal siya. She realized she left her trolley. Wala na siyang choice kundi bumalik.

Ngunit sa di kalayuan...

*********************

'' Hoy Babaeng iisa ang kilay bumalik ka dito delikado diyan!"

Nag aalalang saad ni Kristoffe ng hindi na niya maaninag si Calla.

Shit!

Tigas nga ng ulo ng babaeng ito kabaligtaran ng kay Uncle Jon.

Hinila niya ang dalawang trolley at hirap na sumunod sa dalaga.

Summer Affair With Calla by: kimlantiontobiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon