Summer Affair With Calla
By: Tink
◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚Chapter 11◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚
◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚
◦°˚◦°˚◦°˚◦°˚
◦°˚◦°˚◦°˚
◦°˚◦°˚
◦°˚
Ang pag ibig parang tinik yan sa oras na natusok ka na kahit masakit hindi ka na makakawala depende nalang kung may manghihila sa iyo at gagamot sa puso mo.
Jean Santillanes.
Tinalikuran niya ang lalaking mahal na mahal alang alang sa mga magulang. She married a man half of her age para sa ikabubuti ng lahat.
Lakad takbo ang ginawa niya, masaya siya dahil natakasan niya ang lalaking kinamumuhian at ang kanyang mga magulang.
Mula sa bangkang kinalululanan kitang kita niya ang bahay kung saan siya pansamantalang maninirahan.
She can feel the excitement dahil sa unang pagkakataon magiging malaya siya.
Ito na yung karma sinaktan niya si Kristoffe pero handa siyang balikan ito at hiwalayan ang asawa.
Tangay tangay ang maleta naimagine niya ang mukha ng kaibigan. Dito din naglalagi ito.
Well ang mga tao talaga kung hindi kayang harapin ang problema tinatakasan gaya niya.
She knocked.
At kapwa sila nagulat ng sinumang nagbukas ng malapad at puting pintuan.
*************************
" Jon kailan mo mahahanap ang apo ko?'' nag aalalang wika ng matandang Iglesias ang abuelo ni Calla.
Nangangayayat na ito dahil sa masyadong pag iisip.
" Dad wala pa pong tawag si Kristoffe" maging si Jon ay nag aalala na din.
Ipinagkatiwala niya kay Kristoffe ang paghahanap kay Calla.
Napapailing na lamang na naupo si Don Martin.
Iniiisip nito na sana hindi na niya pinagpilitang umuwi ang apo, paano kung may nangyaring masama dito?
" Nag aalala ako, walang pera at walang alam si Calla dito sa Pilipinas maaring maloko siya o di kaya'y
mabiktima ng mga masasamang tao"
Napatutop si Jon sa noo. Nais kumawala ang mga luhang laging nagbabadya sa tuwing naalala ang anak.
Twenty three na ito. At ni isang beses mula noon hindi na niya ito nakita o nayakap
man lang. Hindi na niya nasubaybayan ang paglaki, pagdalaga at pag aaral nito.
" Inaamin kong hindi
ko naibigay ang lahat kay Calla. May mga bagay na..nagsisisi akong inilayo ko siya patawarin mo ako Jon"
malungkot na saad ng matanda.
Sa simula't sapul ito lang at ang mga magulang ni Jon ang may plano ng lahat. At eto na nagbabackfire na ang kasamaang ginawa ng matanda sa mga Morja.
Ito ang dahilan ng lahat, ang pagbagsak ng negosyo at pag aari ng mga Morja ngunit dahil sa kagarapalan niya'y nawala ang nag iisang anak na si Kristine, bumagsak ang kabuhayan nila sa Australya at ngayo'y baka lumayo pa ang kanyang apo.
" Kalimutan na natin ang lahat Dad, patawarin niyo ako dahil ako ang dahilan ng pagkawala ni Kristine, hindi ko po sinasadya."
Hindi mapigilan ng matanda ang pagdaloy ng mga luha. Siya ang may kagagawan lahat.
" Patawarin mo din ako Jon"
**************************
" Kristoffe halika na paliguan ka na" parang batang naglalambing si Calla.
Napakamot nalang ng ulo si Kristoffe. He simply can't get off his eyes to her beautiful young wife.
Inakbayan niya ito at hinalikan sa mga labi.
" Hon kelangan ko ng bumalik sa trabaho" nakangiti itong umupo sa sofa sabay hila sa kanya. Napaupo siya sa kandungan nito.
Napasimangot siya. She love the Island at wala ng hihigit pa sa paraiso na ito.
" Hon.." naramdaman niya ang mga labi ni Kristoffe sa kanyang leeg.
" Kristoffe huwag nga diyan" napataas ang kanyang balikat.
" Hon intindihin mo ako please I can't lose the job" yumakap ito sa kanyang likod.
" But you can afford to lose me, ayokong makilala ka kuntento na ako sa here. Yeah I want us here''
Naiiling na pinaharap siya ni Kristoffe.
" Hon sasama ka sa akin kahit saan ako magpunta asawa kita hindi kita iiwang mag isa."
Napangiti siya. But she's scared to know Kristoffe parang kuntento na siya kung ano sila. At kung nasaang sitwasyon sila.
" Kailangan makilala ko ang pamilya mo at makilala mo ang mama ko"
Malungkot siyang tumango.
Parang kasing hindi
pa siya ready.
That's the biggest mistake she did. Ang magpakasal sa isang estranghero matali sa hindi inaasahang pagkakataon.
Minasdan niya si Kristoffe.
And she realized she is inlove.
" Promise me Calla one thing na mamahalin mo ako kahit makilala mo na ang mama ko."
Seryoso si Kristoffe.
Hindi niya alam at kilala ang pamilya nito maaring mangkukulam o di kaya'y manananggal. Nanginig siya. Paano kung..
Nagtinginan sila ng may marinig silang katok.
" Ako na Hon.." niyakap siya ng mahigpit ni Kristoffe bago nagtungo sa pintuan.
Matagal bago niya narinig ang boses ng asawa.
" Jean?" nagtatakang tanong niya.
Si Jean isa sa mga kaibigan nila. Nasa stage of honeymoon ito.
" Calla!" nakangiting yumakap ito sa kanya.
" I didn't know you-"
" Oh Come on! Im surprised I didn't know you were living with my..oh ah gorgeous man here!" kinurot nito ang kanyang pisngi.
Nakangiti siyang yumapos sa bewang ni Kristoffe she's a proud wife.
Pero mistulang bato at tulala ang kanyang asawa.
" Kristoffe?"
" May dapat kang malaman.." saad ni Kristoffe habang kumakawala sa kanyang yakap.
" Calla .." seryosong saad nito.
While her friend Jean smiled hinila siya nito sa sala.
" Namisa ka na daw nina Jazz at Shara, I misa you too kaya naman sinundan kita."
Masayang nagkukuwento si Jean but she sense there's something wrong..
Abangan...
TINK: NAKOWWW problema katir!
BINABASA MO ANG
Summer Affair With Calla by: kimlantiontobias
فكاهةSummer Affair With Calla By: Tink Teaser On Summer days, magawa kaya ni Yhani Calla Morja na manatili sa Pilipinas kapiling ang kanyang ama at step mother? At ten namatay ang kanyang ina at iniwan siya sa pangangalaga ng kanyang Lolo Martin sa Melbo...