Kabatana 1

12.9K 151 6
                                    

"You may now kiss the bride.." ani judge na siyang nagkasal sa amin.

Napatingin ako kay Kiyo nang nakangiti. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito!

Kahit arranged lang itong kasal namin, hindi ko maiwasang matuwa. Simula pa lang kasi gustong-gusto ko na si Kiyo. I still remember noong araw na nakilala ko siya. Napakasuplado!

Flashback..

"Ma! I don't want! Ayoko po! Papa, help!" Pagmamakaawa ko kay papa habang hinihila ako ni mama pababa sa kama ko.

Inaantok pa ako! Argh!

"Bumangon ka na kasi dyan. May bisita tayo mamaya, mag-ayos ka.." sabi sa akin ni papa na ikinasimangot ko.

"Di niyo na ako mahal.." nakasimangot kong anas saka pumasok na sa banyo ng walang alinlangan.

"Magpaganda ka anak!" Ani mama saka pa humagikgik. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Dati na akong maganda, mama!"

Narinig ko naman ang mahinang tawa nila. Nakakainis! I'm still sleepy, my gosh! Napakaimportante naman ata ng mga bwesitang iyan!

Nagtagal muna ako sa banyo at tumunganga sa salamin. Ano na ngang gagawin ko ulit? Maliligo pala.

Mukha akong zombie na naglakad sa ilalim ng shower saka iyon binuksan.

"MAMAAAAAAAAAAA!! ANG LAMIGGGGGG!!"

Nakabusangot akong bumaba sa hagdan namin at saka nangalumbabang umupo sa kusina namin.

"Oh ano 'yang suot mo? Magpalit ka nga!" Sigaw sa akin ni mama saka ako hinagod ng tingin.

Napatingin naman ako sa damit ko. Wala namang problema ah?

"Anong problema, ma?" Tanong ko at tumusok ng hotdog, pero bago ko iyon magawa ay tinapik ni mama ang kamay ko kaya hindi ko natusok.

"Ma!" Iritabling asik ko saka dumabog doon.

"Hija, magpalit ka nga. May bisita tayo mamaya, ayusin mo mga kilos mo. Dalaga ka na.." ani papa na nagpatiklop sa akin.

Nakakainis! Ano bang problema nila sa suot ko eh nasa bahay lang naman ako edi pambahay dapat ang isuot! 

"Yan kasi.." rinig ko namang singit ni kuya. Sinamaan ko naman siya ng tigin.

"Ano? May problema ka rin sa akin?" Pananaray ko sa kanya.

"Lah, wala akong sinasabi?" Aniya saka ako nginisihan. Ibabato ko sana sa kanya ang tinidor nang bigla akong tinawag ni papa sa buo kong pangalan na ikinainis ko.

"Kendall Sofie, stop that. Ikaw Raphael, umagang-umaga pinepeste mo na namn yang kapatid mo. Mag-ayos ka at may bisita tayo!"

Kendall Sofie? Yak. Drop that Sofie, gosh. Napaka-girly!

"Ito naman si dad di mabiro. Ano namang gagawin ko eh, si Sofie naman ang pakay nila?" Ani kuya kaya ibinato ko sa kanya 'yong tinidor.

"Argh! Ayoko ng Sofie, pwede ba?!" At talagang diniinan niya pa ang salitang iyon, nakakabanas!

At saka ano? Ako ang pakay nila? Anong gagawin nila? Ibebenta na ba nila ako? Ayaw na ba nila sa akin? Uwaaa!

"Oh ba't ka naiiyak dyan?" Tanong sa akin ni mama.

"Waaa! Mama, promise magigising na ako ng maaga! Di na ako magiging pasaway!" Ani ko saka niyakap siya at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

"Anong pinagsasasabi mo dyan?"

"Huwag niyo ako ibenta sa bisita natin mama!"

Napatawa naman sila samantalang napahagalpak naman si kuya. Bakit? Tinatawanan pa nila ako!

"Hindi ganon anak. Hay naku, panigurado kapag makikita mo yong anak ni kumpare, magpapabenta ka na talaga!" Ani niya saka ako tinawanan.

"Ma! Tinatawanan niyo pa ako, huhu!"

"Anak this is your tito Jeron and tita Azzir..."

Ipinakilala sa akin ni mama ang mga naggagandahan at naggagwapohang bisita namin. Gosh, I didn't expect this.

Nasa hapag kami at kakain pa lang.

"Hi po.I'm Kendall S-Sofie.." nahihiyang pakilala ko. Napatingin naman ako sa binatang katabi nila. Ang gwapo!

"..and this is Kiyo Ace, your soon to be fiance.."

"What?!" Sabay naming sigaw nung Kiyo daw ang pangalan.

"Mama kahit gwapo yan, ayoko!" Asik ko sa kanila at napatayo na sa hapag-kainan. Ganon din si Kiyo.

"Mom, what's this?" Gulat na tanong niya.

Gosh, ang gwapo talaga!

End..

"Stop smiling.." nagising na lang ako sa mga alaalang iyon ng magsalita si Kiyo na nasa tabi ko.

Nasa reception area na kami at nakaupo habang ang mga bisita ay busy dahil kumakain.

Bigla akong nalungkot ng maalala yong nangyari kanina. He didn't kiss me.

Napangiti ako ng mapait. Sabagay, lahat lang naman ito planado. Anong aasahan ko di ba?

"Uhm, Kiyo. Pwede na ba tayong umuwi? Pagod na ako.." nahihiyang ani ko sa kanya saka nangalumbaba sa lamesang nasa harapan namin.

"Not yet. Wala namang honeymoon na mangyayari.."

Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niyang iyon pero hindi ko ipinahalata.

"I k-know, sinasabi ko lang ay pagod na ako at inaantok. Di ko naman sinabing ganon ang ibig kon--"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "Whatever.."

Napatungo na lang ako don at tinanggal ang mga kamay ko sa lamesa saka iyon nilaro sa mga hita ko.

"Hoy! Wala bang kiss dyan!" Pangangantyaw ng isa sa mga bisita namin. I remember him, kaibigan siya ni Kiyo! Nakalimutan ko na ang pangalan. Luke ata?

"I'm sorry pero pagod na ang asawa ko.." ani Kiyo saka ako hinapit sa baywang. Nakarinig naman ako ng tilian at kantyawan.

Napakurap na lang ako at napalunok habang nakatungo.

"Bakit mukhang sad ang ating bride?" Ani naman isa.

"Mukhang gusto na ng honeymoon!" Kantyaw ng isa saka humagalpak ng tawa. Napuno naman ng tawanan ang crowd na siyang nag-painit sa pisngi ko.

"Kiyo.. alis na tayo dito.."

"No"

Napalunok na lang ako sa maawtoridad na boses niya. Nakakahiya talaga! Aaaah!

Nang matapos ang selebrasyon ay kanya-kanya na kaming uwi. Bale, may bahay na iniregalo sa amin ang mga magulang ni Kiyo at doon kami papunta ngayon.

Nang makarating kami ay agad kong isinalampak sa sofa ang katawan ko kahit nakagown pa ako. Nakakapagod!

"Tumayo ka dyan, doon ka sa kwarto.." malamig na ani niya sa akin.

Sumimangot naman ako at didiretso na sana ng mapatigil ako sa pagring ng telepono niya.

Napatingin naman ako sa kanya at kitang-kita ko ang saya at lungkot sa mga mata niya habang tinitignan ang caller.

It's her.

"Hello love?" Ani Kiyo at tumalikod na at pumunta sa labas.

Napatawa na lang ako ng mapait habang pinagmamasdan ang likuran niyang naglalakad palabas. Palabas at paalis sa asawa niya.

Ano namang laban ko sa girlfriend niya? I'm just his wife in papers. No feelings allowed. Kabit lang ako sa pagmamahalan nila.

Fuck my feelings..


Itutuloy...

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon