Kabanata 8

5.4K 99 5
                                    

Hanggang ngayon ay sapo ko pa rin ang mga labi at inalala iyong nangyari kahapon. Nakakainis dahil kinikilig ako kahit na he hates me. Hay, ang rupok ko rin kasi eh. Kaunting gesture lang niya patuloy lang akong kumakapit, kaya ayaw ko sa sarili ko eh.

Hindi ko naman iyon first kiss, kasi ang naaalala ko yong first kiss ko ay noong bata ako. Alam niyo na, lumaking pasaway. Tinisod ko yong kaklase kong lalaki dati kasi nahulog niya yong bag ko sa upuan, yun nadumihan. Tinisod ko pero ang ending dalawa kaming natisod, matangkad at mataba kasi. Hindi ko naman inaasahan na magkikiss kami.

"Hanggang ngayon ba naman sabog ka?" Asar sa akin ni Carter saka sumubo ng pagkain.

"Take note, hawak pa ang labi.." pang-aasar din ni Alice.

Hinarap ko sila. "Alam niyo? Bagay kayo Alice at Carter.." tukso ko sa kanila.

Kunwari namang nabilaukan si Carter ar naubo naman si Alice. Natawa naman 'yong dalawa pa naming kasama.

"Kadiri ka Kendall!" Singhal ni Carter. .

"Yaaakkk!" Tili din ni Alice.

"Yieeeee!!" Kantyaw naman namin. Agad naman silang napalayo sa amin at saka nagkunwaring nasusuka. Hahahaha, they're  cute together.

Nang makapagmeryenda na kami ay kanya-kanya na kaming pasok sa sariling room. Medyo natagalan pa kami sa canteen dahil sa tuksuan namin, paano ba naman sabay pa kasi talagang tumayo si Carter at Alice tapos nagkatinginan pa sa isat isa. Hahahahaha, epic.

"Hoy balita ko ngayon na lalabas 'yong transferee na sinasabi nila.."

"We? Ohmygad. Sana lalaki, iiiiiiiihh!!"

"You know girl? May nakita ako kaninang lalaki na lumabas sa opisina, ang gwapo!"

"Halla! Baka iyon na 'yong transferee!"

Iyan lamang ang mga usap-usapan sa loob ng room ng makapasok kami. Agad naman kinilig si Alice sa narinig. Haliparot din eh.

"See? May transferee talaga!" Pangungulit na naman niya saka niyugyog ang braso ko.

"Oo na, oo na. Makayugyog 'to.." ani ko saka inalis 'yong kamat niya.

Napasimangot naman siya. "Eto naman, hindi ka ba excited?"

"Hindi, gaga talaga to. May asawa ako uy.."

"Asawa, asawa. Tse! Mamatay na maloko mo!" Singhal niya sa akin.

"Tse ka din! Hindi naman mapapasayo 'yong transferee kasi may Carter ka na! Duh!" Pang aasar ko. Namula naman siya saka nag-walk out. 

Napikon ang gaga.

Nang makarating ang prof namin ay saka ding pagsulpot nung tranaferee. Napuno agad ng bulungan at tilian ng pumasok ang isang matangkad, gwapo at may pagkakorean look na lalaki. Wait, pinupuri ko ba yan? Di kaya.

"Introduce your self.." ani prof.

Ngumiti naman sa madla 'yong lalaki at naging dahilan ng tilian ng mga kababaihan isama na si Alice. Ay wow naman.

"Hi, I'm Xenon, Xenon Lee. You guys can call me Lee, sanay ko kasi.." mamatay na nagtanong.

"Nanggaling ako sa kabilang school, nagshift ako ng course pero pinili ko ditong mag-aral. Uhm, I'm 19 years old. Mahilig din akong sumayaw tsaka kumanta. Please, be nice to me.." yun lang at ngumiti na naman siya.

Infairness, gwapo talaga siya pero pamilyar yang pangalan niya sa akin hindi ko lang alam kung saan o kailan ko iyan narinig. Basta, pamilyar.

Umupo yang lalaking iyan sa likuran ni Alice dahil doon lang ang vacant seat. Ang gaga naman todo kilig. Napasapo na lang ako sa noo habang pinagmamasdan siyang halos mangisay na sa kilig. Jusko mahabaging langit.

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon