Kabanata 17

5.4K 88 10
                                    

Kanina pa umalis sila Alice ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Lee. Nagulat pa ako ng kalabitin niya ang paa ko. Akala ko kung sino na.

"Ano?" Iritadong tanong ko.

"Sino sinabi mong hindi naliligo?" Mataray na tanong din niya.

Nagcross arm siya kaya ginaya ko din.

"Bakit? Sino ba sabi ko?" Supladang ani ko saka umupo ng maayos.

Siya naman ay nanatiling nakaupo sa labas ng tent. Yong upong parang tumatae. Parang tanga talaga.

"Sabi mo si Xenon." Aniya.

"Narinig mo pala tapos magtatanong ka? Parang tanga din 'to." Ani ko saka siya inirapan.

"Sinong tanga?"

Awtomatikong napataas ang kaliwang kilay ko sa pinakabobong tanong niya. Ay jusq, wala bang tenga 'to? Gwapo sana kaso bingi.

"Ikaw. Sino pa ba kausap ko dito?"

"Ako."

Napa-face palm na lang ako.

"Lumayas ka na nga dito!" Asik ko.

"Ayaw ko nga! Inaasar mo ako eh!" Saad niya sana nag-Indian sit sa harapan ko.

Inilibot ko ang paningin sa labas at may paunti-unti pang studyante. 'Yong iba kumakain lang. 'Yong iba nasa loob ng tent nila. Kaunti lang kaming natira dito kaya hindi masyadong mangay.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Asik ko sa kanya saka siya binato ng unan na maliit.

Sinalo naman niya iyon.

"Aray naman! Nang-aano to!" Aniya saka ibinato pabalik 'yong unan. Sinalo ko rin iyon.

"Bakit ka ba kasi nandito! Nambubwesit ka na naman! Doon ka na sa tent mo!" Naaasar na ani ko.

"Bakit kasi nabubwesit ka sa akin. Wala naman akong ginagawa!" Depensa niya.

"Iyang mukha mo nakakabwesit!" Sigaw ko sa kanya.

Mukhang hindi namin nakuha ang atensyon ng iba dahil nasa ganoon pa din silang pwesto. Ni hindi inabalag tignan kami.

"Wow! Sa gwapo kong ito? Mabubwesit ka?"

"Oo!"

"Ang ganda mo ha?" Sarkastikong aniya.

"Gago!"

Gulat naman niya akong hinarap saka sumenyas ng lagot-ka-sign. Saka sumenyas din na tumahimik. Inirapan ko lang siya saka inabot yong zipper ng tent para sana isara kaso pinigilan niya ako.

"Ang bad mo." Aniya.

Tinarayan ko naman siya.

"Huwag ka na magsasabi ng bad words, okay? Pangit sa babae ang nagmumura." Aniya saka inilapat ang hintuturo niya sa aking labi. To shut me up.

"Pake ko sayo." Sagot ko.

"Aishh!" Tila sumusukong aniya.

Napangisi naman ako. I win.

"Hindi ka ba maliligo? Ikaw ata ang hindi naliligo eh!" Tanong niya sa akin.

"Mamaya, bakit?" Mahinahon kong sagot.

Hinanap ng mata ko 'yong ponytail ko saka inayos ang buhok at tinali. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. Tila sinasabi na 'ang ganda naman ng babaeng 'to'.

Well, talaga.

"Oh, bat ganyan ka makatingin? Nagagandahan ka saken?" Tanong ko saka siya tinukso gamit ang mata.

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon