Kabanata 35

4.9K 77 9
                                    

"Pirmahan mo na.." tanging ani Kiyo at saka masama akong tinignan.

Nasa bahay pa rin kami. Bahay namin. Galit siya sa akin. Alam ko iyon, dahil kung hindi sana ay hindi namin kasama ngayon sa iisang bahay si Cresia. Oo, tinawagan niya lamang ako para pirmahan ang annulment paper. Sa totoo lang, si papa ang nag-file nito kaso inunahan na ni Kiyo na pirmahan. Isang buwan na rin ang nakalipas at hindi ko akalain na ganoon kadaling na-file ang papeles.

Nakaupo ako ngayon sa single sofa kaharap sina Cresia at Kiyo.

"Hindi ba p-pwedeng, saka na lang 'to?" Palusot ko. Hindi pa pala ako handang tanggaling ang apelyido niya sa akin.

Hindi na rin muna ako pumasok para makapagpahinga ako. May excuse naman kaya tinaggap nila iyon. Sa last examination na lang ako susulpot.

"Just sign it. Now." Matigas na aniya.

Umiling ako. "Hindi talaga pwede sa susunod na lang?"

Nagtiim ang bagang niya.

"No."

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang ballpen saka iyon pinirmahan sa harap nilang dalawa. Napangiti ako ng mapait.

"S-sige. Salamat. Alis na ako." Paalam ko at dirediretso ng umalis palabas ng bahay.

Hindi ko alam kung paano ako nagtagal sa bahay na iyon dahil ang iniisip ko lang ay ang kapakanan ko. Nag-usap na kami ni Ryo at ayos na ang lahat sa kanya. Sa ngayon ay ipinagpatuloy naman niya ang pag-aaral. Ayokong maging hadlang kami ng anak niya sa kung ano mang hinaharap namin ngayon.

Pagkarating ko sa bahay namin ay nakasalubong ko si ate Precie.

"Hi ate.." bati ko sa kanya.

"Saan ka galing?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Pinabalik na namin dito si ate Precie dahil nalaman din ni kuya na itinatago namin sila sa kanya. Noong isang linggo lamang iyon kaya may tampo pa sa amin si kuya.

"Kila Kiyo po. Binigay ko na lahat ng gusto niya." Nag-iwas ako ng tingin sabay pikit at dinama ang lamig ng aircon.

"Ibig mong sabihin, pumirma ka na?" Gulat niyang tanong.

Tumango lamang ako. Hinaplos niya ang palad ko.

"Magiging maayos din ang lahat, Kendall."

I smiled. "Oo naman, ate. Ako pa ba, makakaya namin 'to ni baby."

DUMATING ang hapunan ay nagharapan na naman ang aming buong pamilya. Medyo umaayos na ang lahat kay papa. Tanggap ni mama ang lahat pati rin si kuya. Kay papa lang talaga ako nahihirapan.

"Kumusta ang pagdalaw mo kay Kiyo?" Basag ng katahimikan ni papa.

"Ayos lang naman pa."

Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa hapag kung walang magsasalita.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Maawtoridad niyang saad.

"Pumirma na po ako. Huwag na kayong mag-alala. Wala na pong kami ni Kiyo at saka safety namin ng anak ko ang iniisip ko, pa."

Nanahimik ang hapag. Ngunit binasag iyon ni mama.

"Ikaw hija, kumusta kayo ng apo ko?" Tanong ni mama kay ate Precie.

"Ayos lang naman po. Hinihintay ko na lang na magparamdam ang baby ko." Sagot naman ni ate.

Narinig kong nag-tsk si kuya kaya napatingin ako sa kanya. Ano na namang problema nito. Napatingin din siya sa akin kaya inirapan ko siya. At ganoon din ang ginawa niya. Hmpk.

"Aba't kailan nga pala ang due date mo?" Muling tanong ni mama.

"Ngayong marso na po. Ang sabi sa akin ay first week daw po. "

Bigla naman akong natuwa sa sinabi ni ate. Finally, madadagdagan na naman kami. Siguro pagkapanganak ko magiging magkaibigan ang baby namin ni ate. Ang pagkakaalam ko ay lalaki ang first baby nila ate at kuya, at super saya ko roon. Syempre may magdadala ng apelyido namin. Sana nga lalaki rin ang baby ko.

Pagkatapos namin ay umakyat na agad ako sa aking kwarto.

Sa totoo lang, ayokong umiyak. Ayokong magmukhang kawawa sa lahat. Alam kong nahihirapan din si Ryo sa sitwasyon namin. Wala pang alam si Carter at Blue. Si Alice, nakwento ko na sa kanya. She's mad, ofcourse. Sino namang hindi magagalit. Pero expected ko na 'yon kaya sa ngayon, hindi ko muna siya kinakausap. She need space rin naman.

Humiga ako sa kama at saka lang tumitig sa kisame. Ano kayang mangyayari after days, months or years? Sana naman maging maayos na lahat.

Nakarinig ako ng katok sa pintokaya natuon doon ang atensyon ko. Bumukas iyon at iniluwa si papa. I smiled.

"Pa.."

Nginitian din niya ako. Lumapit siya sa akin. Umayos naman ako ng upo sa kama. Tinabihan niya ako saka tumingin sa ibang bagay.

"Pa, sorry ulit. Alam kong, kasalanan ko. Sorry po.." paghingi ko ng tawad.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"No. Ako dapat ang humihingi ng paumanhin. Anak, sorry."

Nangilid ang luha ko pero agad ding pinunasan.

"Pa.."

"Hindi ko sinasadyang magalit. Pero sana naiintindihan mo ako. Ayoko kasing hawak mo ang apelyido ni Kiyo habang may anak kayo ni Ryo. Alam naman nating pareho silang Montecarlos pero hindi ako ayos doon. Gusto kong maging maayos ang buhay ng magiging apo ko. Sana maintindihan mo si papa kung gusto kong mag-annul kayo ni Kiyo.."

Lintanya ni papa na humaplos ng puso ko. He just said na 'apo niya'. I'm fluttered.

"Naiintindihan ko po pa. At saka, naisip ko rin na mas ayos na iyon. Plano ko na rin namang makipaghiwalay pa eh, pero ang hirap pala."

Tumingin siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko. He kiss me in my forehead.

"Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin ng problema mo. Andito lang naman kami nh kapatid mo at ng mama mo. Pagkatapos maasikaso ng annulment niyo, nakadepende naman sayo kung gusto mong ikasal kay Ryo. No I mean, nasa iyo naman kung magpapakasal ka kaagad. Hindi ko hawak ang puso mo, anak. Ikaw pa rin ang magdedesisyon."

"Pa, paano kung ayaw kong magpakasal kay Ryo? Parehas po kami ng gusto ni Ryo, ang huwag matali sa isa't isa."

"Pero kailangan, ayoko namang lumaki ang apo ko na hindi kayo kasal ng tatay niya."

Umiwas ako ng tingin. 

"Pero pa, pwede pa rin naman iyon. Please.." pakikiusap ko.

Ayaw namin ni Ryo at iyon ang huli naming pag-uusap. Hindi sa tinatakbuhan ni Ryo ang responsibilidad niya kundi dahil ayaw namin parehas. Ayaw naming matali kami sa isa't isa na wala man lang namamagitan sa amin. We're just friends. At pareho naming hindi gusto ang gusto ng mga magulang ko.

Nakausap ko na rin sila tita at tito na ang papa raw ang magdedesisyon sa amin.

"Anak, sana maintindihan mo ako."

Nagbago ang timpla ng itsura ko. Nakakalungkot.

"Pero kung iyan ang gusto niyo, sige. Papayagan ko kayo, sa ngayon. Pero subukan niyo, baka mag-work."

Napangiti ako. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Dinamba ko agad siya ng yakap.

"Thank you, pa. I love you.."

"I love you, baby. Take a rest na."

Yan ang gusto ko kay papa eh, parang nanay kung mag-alaga.

Itutuloy...

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon