Kabanata 34

4.8K 93 15
                                    

"Anong.. ANONG IBIG SABIHIN NITO!?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa gawi malapit sa amin.

Naroon ang buong pamilya namin at galit na galit ang mukha ni papa. Ganoon din si kuya.

"Pa, sandali.. Pa!" Tawag ko ng pansin kay papa. Agad din siyang tumalikod sa kinaroroonan namin.

Hindi ako kaagad nakatayo dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Halata sa mukha ni tito Jeron na galit din siya pati na rin kay tita. Si mama, lungkot at galit. Napatingin ako kay Ryo, tila humihingi ng suporta. Mukhang nakuha niya ang mga tingin ko dahil lumapit siya kaagad sa akin. Inalalayang tumayo.

"Dahan-dahan.." bulong niya sa akin.

Pati rin siya ay tila hindi nagustuhan ang senaryo ngayong gabi. At kasalanan ko 'to lahat. Napatingin ako kay Kiyo na ngayon ay nakatingin sa amin. Sa kamay namin ni Ryo na magkahawak. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin iyon pero sana huwag din siyang magalit sa akin.

Nang mahimasmasan kami ay nakita kong kinalkal ni Kiyo ang telepono niya saka umalia na. Napatingin ako kay Ryo.

"Sorry.."

Yun lang ang huli kong nabanggit bago mawalan ng malay. Masyado na akong napagod ngayong araw, gusto ko na lang magpahinga.

NAGISING ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Nilibot ko ang paningin sa kwarto at alam kong nandito pa rin ako sa bahay ng mga Montecarlos.

"Gising ka na pala, hija. Magandang umaga." Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko at agad na napahawak ng mahigpit sa kumot. Natawa naman siya.

"Pasensya ka na at nagulat pa ata kita." Aniya.

"Uhm, pwede na po ba akong bumaba?" Tanong ko.

"Okay. Pero, alagaan mo ang sarili mo hija okay? You might lose your baby."

Tinanguan ko na lang siya at tuluyan nang bumangon mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman niya ako hanggang makalabas sa kwarto. Siguro ay private doctor ang kinuha nila para tignan ako.

Nang makababa ako ay nakita ko sa sala ang pamilya ko at pamilya Montecarlos. Alam ko ang pinag-uusapan nila.

Nanatili lamang ako sa harang na pader at doon nagtago para pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Kailangan mapaaga ang annulment. Hindi ko matatanggap na buntis ang anak ko sa hindi niya asawa!" Galit ngunit kalmadong rinig ko galing kay papa.

"Pasensya ka na, pare. Hindi ko rin alam ang gagawin sa ngayon. Pero sana pakinggan muna natin ang rason ng anak mo." Sagot naman ni tito Jeron.

"Dad.." biglang singit ni Ryo. Kinabahan ako bigla. "May, aaminin sana ako.."

"Huwag ka munang dumagdag sa usapin anak." Ani tita.

"Ma, pero importante 'to."

"What is it?" Sabat ni tito.

"Ako ang ama ng dinadala ni Kendall."

Sandaling nanahimik ang lahat sa sala. Nang makarinig ako ng kalabog ay roon na ako lumabas mula sa pinagtataguan.

Si papa na binubugbog si Ryo.

"Pa!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Natigil sila, pati na rin si papa. Napatingin sila sa akin.

Agad akong lumapit kay Ryo at saka siya inalalayang tumayo. Lahat sila ay nakatingin lang sa mga galaw ko. Walang nagtangkang makialam sa akin.

"Okay ka lang?" Mahinang tanong ko kay Ryo.

Ngumiti lang siya ng mapait saka tumango.

"Anong ibig sabihin nito Kendall? At bakit niya sinasabing siya ang ama ng dinadala mo!?" Galit na tanong ni papa.

"Pa, kumalma ka." Singit ni kuya.

"Huwag kang makikialam dito Raphael." Tigas na sabi ni papa.

"Pa.." malungkot kong simula. "Sorry po sa inyong lahat. Si, si Ryo. Totoo ang sinasabi niya."

Napalunok ako dahil sa sinabing rebelasyon. Halos laglag lahat ng mga panga nila sa sinabi ko. Hindi rin nila matanggap.

Napahawak sa ulo si papa dahil sa mga salitang binitawan ko. Ayokong masaktan sila pero wala akong magagawa.

Natigil lang ang lahat ng makarinig ng tunog ng door bell. Napatingin ako sa orasan, alas-siyete na pala ng umaga. At sino naman ang inaasahang bisita? Hindi pwedeng si ate Precie dahil nandito pa si kuya!

"Ako ng bahala." Malamig na tono ni Kiyo.

Napatingin ako sa kanya. Sorry..

Parehas kaming nakatungo ni Ryo dahil parehas din naming hindi alam ang gagawin.

Nakarinig kami ng tunog ng naglalakad na heels. Magmula sa sala ay naangat ang tingin ko sa pinto ng makita roon si Cresia na nakakapit sa braso ni Kiyo.

A-anong ginagawa niya rito?!

"Mom, dad, si Cresia, girlfriend ko."

Tila nagulantang ang lahat dahil sa dagdag na rebelasyon ni Kiyo. Bigla akong nanghina at nanlumo. Nangilid ang mga luha ko. Bakit ngayon pa Kiyo? Bakit ngayon pang napakagulo pa ng lahat?

"Good morning po. Ako po si Cresia." Bati niya sa lahat. Napatingin siya sa akin saka ngumisi. Nakasuot siya ng pormal na dress na kulay golden brown na talagang bumagay sa balat niyang maputi.

Walang reaksyon si papa habang pinapakalma ang sarili. Hindi siya natutuwa sa mga nangyayari, alam ko iyon.

Hindi na nakipagkamay si Cresia sa pamilya ko dahil biglang nagsalita si papa.

"Umuwi na tayo." Aniya.

Wala na kaming nagawa kundi ang magpaalam na. Alam kong hindi pa maayos ang lahat. At hindi ko alam kung kailan ba 'to matatapos.

Naiwan ang pamilya Montecarlos doon at medyo kumalmal ang paligid dahil kay Cresia. Alam kong magugustuhan siya ng pamilya at hindi ko iyon matatanggap. Masakit sakin iyon.

Nang makasakay kami sa kotse ay wala paring imik sa loob. Galit si papa. Galit na galit. Hinawakan ni kuya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Magiging maayoa din ang lahat." Bulong niyang ani saka ako hinalikan sa ulo.

I smiled. "I love you, kuya.."

"I love you, too."

Pagkarating namin sa bahay ay agad na sunalampak sa sofa si papa. Medyo kalmado na siya ngayon at pwede nang kausapin ng masinsinan. Napatingin siya sa akin at bunalatay sa mukha niya ang disappointment. Hindi ko na iyon maikakaila dahil isa akong kahihiyan sa pamilya namin.

"Maupo ka at mag-uusap tayo." Matigas na ani papa.

Umupo ako sa kaharap niyang sofa at saka tumungo.

"Sabihin mo lahat." Ma-awtoridad niyang ani saka ako blankong tinignan.

"Pa, sorry. Hindi ko po talaga alam ang nangyari. Isang gabing kasalanan 'yon pa.." nagsimula na naman akong humikbi. "Lasing ako non, kami. Noong party 'yon pa. Tapos, tapos..."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tuluyan na naman akong umiyak. Muli na namang bumuhos ang mga luha sa mata ko.

Inalo ako ni kuya samantalang inalo naman ni mama si papa. Alam kong nalulungkot din sa akin si papa, di rin niya matanggap ang nangyayari ngayon sa akin. Wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin lahat ng 'to.

"Shh, okay lang yan." Ani kuya para pagaanin ang loob ko.

"Mag-fifile ka ng annulment as soon as possible. Hindi pwedeng dalhin mo iyang bata na kasal kayo ni Kiyo. Pagkapanganak mo, kayong dalawa ni Ryo ang ikakasal."

Nanigas ako sa sinabi ni papa.

Ayoko. Ayokong makasal kay Ryo.

Itutuloy..

A/N: Fast forward ko na ito sa next chapters. Gusto ko na ring matapos 'tong story na 'to para matuloy ko ng mag-update sa BOHD.

Thanks and ily.

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon