Kabanata 30

5.5K 82 6
                                    

Dedicated to IamXiBi

Enjoy reading!

***

"Kendall?"

"Ryo?"

Agad na naipon ang mga luha ko saka iyon naglaglagan. Bakit siya? Bakit si Ryo ang kasama ko?

Umiling-iling ako saka pinakawalan ang bumabarang palahaw galing sa puso ko.

"Hindi! H-hindi 'to pwede!" Umiiyak kong sigaw.

Hindi naman alam ni Ryo kung anong gagawin niya. Tila gulat at hindi rin siya makapaniwala sa namulatan. Nag-iwas siya ng tingin saka napalunok.

Hindi 'to pwede! Kapatid siya ng asawa ko! Lalo na at kaibigan ko siya!

Patuloy lamang akong umiyak doon saka sinuntok-suntok ang kama. Nakaupo at tila hindi alam ang gagawin at sasabihin. Napatingin ako kay Ryo na pilit pinapakalma ang sarili. Hindi talaga ito pwede! Paano kung..kung magbunga? Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag ganon. Itatakwil ako ng pamilya ko!

"Sorry...I'm so sorry, Kendall. H-hindi ko alam.." Naiiyak ding paghingi niya ng tawag.

Hindi niya kasalanan 'to, kundi ako. Naalala ko pa mula kagabi ang mga pinagsasasabi ko. Ako ang desperada. Ako ang humiling nito. Naiinis ako!

"H-hindi eh. Ako ang may kasalanan."

Napaiwas siya ng tingin.

"Mag-ayos ka na. Mag-uusap tayo." Aniya saka nagtalukbong ng kumot.

Tumayo na ako saka pinulot amg bathrobe sa sahig. Pumunta akong banyo at nakita doon ang dress lo. Sinuot ko iyon saka muling lumabas.

Pagkalabas ko ay nakaayos na din si Ryo at suot ang damit niya kagabi.

Napatingin siya sa akin saka pinagpagan ang tabi ng kama kung saan siya nakaupo.

Nanginginig akong umupo doon dahil sobra akong nahihiya.

"Pasensya ka na talaga, Kendall. Hindi ko alam." Nagmamakaawang aniya.

"A-ayos lang Ryo. Sorry din. Hindi ko rin alam."

Muli na naman akong naiyak dahil sa ideyang nagawa namin ang bagay na iyon. Mabigat na kasalanan yon pero mas mabigat kung may mabuo kami. Hindi ko ata kakayanin. Kasal ako sa kuya niya kaya bakit ganito? Bakit nandito kami?

Hindi na kami muling nag-usap hanggang umalis na kami sa bar na iyon. Walang imikan sa taxi hanggang makarating sa resort.

Pinili naming bumalik dahil baka magtaka si Alice at saka ayoko siyang iwan doon.

Pagkarating namin ay agad kong nakita si Kiyo na nasa harap at kausap si Cresia. Hindi agad kami bumaba ni Ryo at napatingin sa isa't isa. Nakaramdam muli ako ng sakit sa dibdib hindi dahil sa nakikita ko kundi sa nangyari kagabi. Isa iyong napakalaking kasalanan. Sa amin at sa pamilya namin. I cheated on him!

"Sorry.." ani ulit Ryo saka nauna ng bumaba.

Sumunod agad ako. Napatingin sa amin sina Cresia at Kiyo dahil nadaanan namin sila. Biglang lumambot ang mukha ni Kiyo nang makita ako pero agad ding nawala iyon ng madapo ang paningin niya kay Ryo.

Hindi ko na lang iyon pinansin pa at nakayukong sumunod kay Ryo. Agad naming nakita si Alice na fresh na fresh na at handa nang maligo sa dagat.

"R-Ryo.." untag ko.

Napatingin siya sa akin.

"Sana t-tayo lang muna makaalam."

Tinanguan na lang niya ako saka aalis na sana nang pigilan ko siya.

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon