Kabanata 39

5.4K 93 11
                                    

UNEDITED!! Hindi ko na talaga alam kung ano papasok sa isip ko dahil pilit lang 'to. Nalulungkot ako sa mga naghihintay. Tatapusin ko po ito, pero matatagalan ang update. Sorry. Enjoy reading!


-

We'll be going to Trinidad Family this evening. Make sure you look presentable.

Basa ko sa message galing kay mom. Pupunta kami roon? For what? Pero nakaramdam din ako ng kaba at excitement. Makikita ko ulit si Kendall at si Kendra. Panigurado ay susungitan na naman nila akong dalawa. Just like before.

Tatlong araw na ang nakararaan nang magkita at magkausap kami ni Kendall. Nanatili lamang ako rito sa bahay sana namin at nag-iisip ng pwedeng gawin para maging maayos na ang lahat. At sa tingin ko ay handa na akong muli na makita sila.

Alas sais ng gabi nang magpunta ako kila mom para dumiretso na rin kila Kendall. Sinalubong agad ako ng kapatid ko.

He smirked at me. "Hey."

Tinanguan ko lang siya.

"Feel excited?" Tanong niya.

"Yeah."

Hindi na siya nagsalita nang sikuin siya ni Alice na katabi niya.

"Nagsisimula ka na naman, Ryo." Ani Alice.

"I'm just teasing him.." Natatawa namang sagot niya.

"Teasing your ass." Singit ko na ikinatawa niyang muli.

"Wala ka pa bang alam sa mga nangyayari, kuya?"

Umupo ako sa sofa at doon naghintay. Mukhang hindi sasama ang mag-asawang ito dahil nakapambahay lang sila. I rolled my eyes to him. He's annoying.

"O sadyang nagbubulag-bulagan ka pa hanggang ngayon?" Patuloy na na ikinairita ko.

"Pwede ba, manahimik ka."

"But why? Tinatanong lang kita, haha."

"Ryo, manahimik ka." Awat muli ni Alice.

"Hon, tinatanong ko lang si kuya."

Tumayo ako.

"Sabihin niyo kila mom sa labas na lang ako maghihintay." Malamig kong ani saka lumabas na.

Nasipa ko ang gulong ng kotse ko. Tangina. Nang-aasar ba siya? Alam kong kasalanan ko lahat bakit kami humantong ng ganito ni Kendall. Tanggap ko 'yon pero.. pero ang sakit pa rin pala. Nakakaguilty. Kaya nga nandito ako ngayon at muli siya, silang babawiin. Tama na ang ilang taon.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na ang sasakyan nila mom. Sumunod din kaagad ko. Habang nasa byahe ay sari-sari ang naiisip ko. Iba-iba. Kinakabahan ako. Hindi ko alam. Sana nandoon si Kendall at para makapag-usap na din kami. Matagal ko na rin hinintay 'to dahil duwag ako. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanila. Sa kanya at hindi ko alam kung paano makakabawi sa ngayon.

Pagkarating namin ay sinalubong na agad kami ng bantay sa mansyon. Nakapasok naman kami kaagad.

"Kinakabahan ka ba anak?" Tanong sa akin ni mom.

"Ah, sort of?" Natatawang sagot ko. Napatingin ako kay dad na nauna na sa amin.

"Ayos lang 'yang si Jeron, huwag ka mag-alala. Let's go?" Tumango na lang ako.

Pagkatapak namin sa loob ay sinalubong kami ni tita at tito. Nandoon din si Raphael at ang kanyang asawa na si Precie, ganoon din ang anak nilang sa tingin ko ay nasa limang taon o anim na taon na. Bigla tuloy ako kinabahan pakiramdam ko ay seryosong usapan ang mangyayari ngayon. Bagaman hindi ko pa nakikita si Kendall at Kendra ay alam kong nandito rin sila.

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon