Chapter 3

1.5K 42 24
                                    

Warning spg...........

Gumising ako ng maaga upang ipagluto si Ion ng almusal nilutuan ko siya ng bacon,eggs at fried rice. Kahit ba may tampo ako sa kanya dahil sa sinabi niya kagabi eh di ko pa rin maiwasang hindi maging concern sa kaniya.

" Ion, aalis ka?" Tanong ko sa kanya, nakita ko itong bihis na bihis at bagong ligo. Hindi niya ko tinignan at dumeretso lamang papuntang sala at kinuha ang susi ng kotse.

Agad ko rin naman itong sinundan " Ion san ka pupunta? Pinagluto pa naman kita ng almusal." dagdag ko pa.

"Dun na lang ako kakain sa pupuntahan ko." walang emosyong sagot niya sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagka- alis ni Ion, naligo na din ako kaagad at pumunta na lang ako sa bahay nila Vhong isa rin sa mga kaibigan ko. Kinuwento ko naman agad sa kanya yung mga nangyari samin ni Ion kagabi at nung mga nakaraang sa kanya. Lahat lahat kinuwento sa kanya.

"So naniwala talaga siya dun kay Calvin,dun sa ka sosyo niya na ngayon sa kumpanya niyo? Siraulo talaga yang Calvin na yan eh. Pero Brad 3 years ago na nangyari yun, bakit binabalik pa ng asawa mo?" Inis na sabi ni Vhong sa akin.

"Hindi ko alam,tapos nung tinanong ko siya kung saan siya galing sabi niya sa kwarto ng ibang babae. Ang sakit sakit Vhong" Di ko na napigilang mapahagulgol, niyakap naman ako kaagad ni Vhong at hinagod ang likod ko.

"Gago talaga yang asawa mo Vice, gusto mo bang abangan namin yan ayamams sa parking lot tas bugbugin namin nila kuys Jhong? Para naman makabawi-bawi ka sa mga pananakit na ginagawa niya. Dahil hanggang dito ba naman sa New York ganyan ugali niya" Galit na galit na wika ni Vhong, habang yakap pa din ako.

Noon pa man din talaga ayaw na ni Vhong actually most of my friends ayaw na nila kay Ion from the start kasi nga ababe ito at mahilig magpa-iyak. Di lang yun hobbie rin yata talga nito ang mang-iwan. Nung nalaman nga nilang ikakasal ako Ion galit na galit sila eh, bat dun pa raw sa taong di naman ako kayang mahalin. Pero wala eh mahal ko si Ion,at hanggang ngayon umaasa pa rin akong matututunan niya rin akong mahalin.

"Sabi ko naman kasi sayo Brad marami pang lalaki dyan na mamahalin ka eh. Bakit nagtiis ka pa dun sa lalaking yun? Basta anytime alam mo naman na yan andito lang ako kaming lahat nila Anne." Ani pa niya sakin ng may kasiguraduhan. Niyaya ko na lamang siyang kumain dahil nagutom ako sa tagal ng pag-uusap naming dalawa.

Nagluto siya steak at nag-baked naman ako ng cake dahil tinawagan na rin namin ang ilan pa sa aming mga magbabarkada na narito rin sa New York at nagbabakasyon.Nang dumating sila ay kumain kami at nanood ng kung ano-ano. Sa sobrang pagkalibang naming lahat di ko namalayan na 10:30 pm na pala kaya napagpasyahan ko ng umuwi, alam kong wala pa ng gantong oras si Ion sa bahay dahil kahit narito kami sa ibang bansa pinaka-maaga pa rin niyang uwi ay 12 am.

"Guys, I'll go na ha. Anong oras na din kasi eh,Salamat sa pakikinig at sa bonding pagbalik ulit natin sa Pilipinas. Kahit papaano nawala na yung stress ko sa pasaway kong asawa hahahaha" sabi ko naman habang natatawa. Bineso at niyakap ko naman agad sila para makaalis na din.

"Wala yun Meme basta anytime you have us. Malalapitan mo kaming lahat." Nginitiaan ko naman si Mariel at niyakap,naglakad na ko papunta sa kotse ko at nag-drive na pauwi sa hotel na tinutuluyan namin.

Thank God na lang talaga at nandito yung mga kaibigan ko for me,anytime time na kailngang-kailngan ko talaga sila. They never left me,buti na lang talaga dahil kung hindi baka nabaliw na ko ng dahil kay Ion. Pagdating ko naman sa parking lot nakita ko naman agad ang kotse ni Ion na nakaparada. Aga niyang umuwi ha, hinanap kaya niya ko?

Agad naman akong bumaba na sa kotse at tinungo na elevator upang makapagpahinga na.

Binuksan ko naman ang ilaw sa sala namin ng sa pag-aakalang andun na si Ion at nag-hihintay sakin pero wala pala. Baka nga di pa umuuwi yun.Pumasok na ko ng kwarto namin at sumalubong naman sakin ang galit na galit na Ion Perez.

Meet Mrs.PerezWhere stories live. Discover now