Chapter 4

1.6K 48 22
                                    

Vice PoV
     Sino na naman kaya 'tong nag-text? Wala naman akong pinagbibigyan ng number ah. Nako baka nantitrip lang 'to. Isinawalang bahala ko muna iyo ayoko munang mag-isip ng kung ano.... Haaaaysss buhay!!!! Natigil ang pag-iisp ko nang kausapin ako ni Ion.

"We have a dinner at 7pm, were a formal attire." walang kaemo-emosyong sabi ni Ion. At dumiretso na sa banyo upang maligo.

Agad naman akong naghanda ng isususot. Bakit kailngang formal eh dinner lang naman iyon? Anong trip nila???

Nang matapos si Ion sa pagligo agad na kong sumunod at nag-ayos. Saktong 7 ng gabi dumating na kami restaurant kung saan magaganap ang dinner.

I saw a man who is really familiar to me. OMG!!! what is he doing here? After all this years??? Bakit nandito si Calvin? Siya ang dahilan kung bakit lalong ayaw sakin ni Ion. Pero agad din naman akong kinawayan ni Karylle kaya sa kanya na natuon ang atensyon ko.

"Viceeey!!! Buti ikaw ang sinama ng magaling mong asawa, nagkita kami sa building kahapon so tinalakan ko kaya ikaw siguro sinama. But it's good tamang sumunod siya sa sinabi ko" chika pa sakin ni Karylle.

"Ano ka ba pinagalitan mo pa, pero salamat Karylle ha!" sabi ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

" Walang anuman if you need me i'll be here for you. Tsaka much better na ikaw talaga kasama no." dagdag pa niya. Agad na kaming tumungo sa aming lamesa at agad na tinawag ang waiter.

Tinanong naman ako ni Ion kung anong oorderin ko pero sinabi ko kung ano na lang yung sa kanya. Napaisip kasi ako bigla tinanong kaya ni Ion si Calvin? Or nagtanong ba si Calvin kay Ion about dun sa nangyari before? bat ko ba iniisip 'to eh wala naman siyang pakialam sakin. Walang pake yung Vice.

Dumating na yung order namin at kumain na, nag-uusap sila Ion at ang mga barkada niya. Kumain na lang ako. Puro babae kasi pinag-uusapan nila kaya nanahimik na lang ako. Di man lang sila nahiya andito pa naman ako. Asawa ni Ion. Si Yael naman kausap si Karylle at nilalambing.

Hanggang sa magsawa na silang mag-usap, yung mga lalaki tinuon na lang ang pansin sa mga babaeng bitbit nila. Samantalaga kami ni Ion eto ni hindi man lang nag-uusap. Hawak yung phone niya at mukhang may pinagkakaabalahan.

Nakakainggit naman sila. Kami lang ni Ion ang di nagkukubuan. Kami lang ni Ion ang hindi naglalambingan. Siguro kung lambingin man niya ko ibig sabihin nun gagamitin lang niya ko.

Napansin kong nakatingin samin si Andee asawa ni jugs. Binigyan ko na lang siya look-na okay lang ako-look. Tinignan ko na lamang silang lahat habang naglalambingan sila.

Kailan kaya magiging sweet sakin si Ion? Kailan kaya niya ko lalambingin? Yung maalalahanin at mahal ako.

"Hindi ko na kaya 'to!!!" nagulat ako ng sumigaw si Andee.

"Myghad Ion paano mo nagagawang hindi kibuin yang asawa mo? Asawa mo yan!!!" sabi pa niya. Agad naman siyang pinigilan ni Jugs.

"No love, Alam mo bang nasasaktan si Vice sa ginagawa mo? Parang nung nakaraan lang din ibang babae kasama mo. What kind of fucking husband is he? Be thankful na natitiis ka pa ni Vice eh." sigaw ni Andee sa galit. Tumingin naman siya sakin pero agad sin akong umiwas.

Nakitang kong namumula na ang mukha ni Ion at umigting na ang panga nito. Kaya naman inawat ko na si Andee sa mga sinasabi niya. Natatakot ako sa mga salitang sasabihin na naman sakin ni Ion paguwi. Natatakot ako sa bagay na pwede niyang gawin sakin.

Naalala ko na naman yung party ni Anne na ibang babae yung sinama niya at hindi ako. Ni hindi nga ako pinakilala ni Ion although kilala naman na ko nung iba pero yung ipakilala man lang ba na asawa niya ko.

Perhaps, ikinahihiya niya ako dahil alam siguro ng mga friends niya na maduming bakla ako.

Di ko na napigilan ang luha ko at umalis na ko palabas ng restaurant. Tumakbo ng malayo kahit hindi ko alam kung saan ako makakarating. Nakarating ako sa isang park at dun binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Iniyak ko lahat ng gusto kong iiyak, nagulat naman ako ng may biglang tumigil na kotse sa gilid ko agad ko namang nakita na si Calvin iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman ito sakin kaya lumayo ako ng bahagya.

"O, bat lumalayo ka MRS.PEREZ?" may diin niyang pagbaggit sa apelyido ko. Ano naman kayang balak nito? nasira na nga buhay ko dahil sa kanya eh.

"Don't you dare come near me!!" banta ko pa sa kanya. Nilagpasan ko na siya dumiretso ng lakad pero hinatak naman niya ang braso ko.

"Bat ka lumalayo? Sabi ko naman kasi sayo ako na lang eh. Pinili mo pa kasi yung taong di ka mahal." natatawa niyang wika sa akin.

"At bat naman ikaw ang pipiliin ko? Wala kang kwentang lalaki....." sumbat ko sa kanya. Bat ko naman pipiliin yung lalaking sex lang ang habol sakin.

Hinila siya ni Calvin at isinandig sa kotse at mariing hinalikan pero agad siyang tinulak ni Vice pero sadyang malakas siya at hinalikang muli si Vice.

"Uhmmppp, C-calvin ano ba" tinulak ulit siya ni Vice ng malakas. "Tumigil ka nga" sigaw ni Vice sa kanya. Na agad ding nagpaluha na naman kay Vice.

" Tigilan mo na ko. Mali yan!!! Mahal ko ang asawa ko kaya pwes umalis ka na. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit diring-diri siya sakin ngayon ha!!!! Kung bakit hindi niya ko magawang mahalin ng dahil sa ipinagkalat mo!!!" umiiyak kong tugon sa kanya.......

"Ako titigil? Never! Babawiin kita sa asawa mo tandaan mo yan. Lalo pa't may problema ang kumpanya niyo!!!" sabi ni Calvin at ngumiti ng malademonyo.

"A-anong problema? Maayos ang kumpanya namin."

"Talaga? bakit hindi mo tanungin ang asawa mo? Mukhang di binabanghit sayo. Sige na sa susunod na magkita tayo babawiin na kita sa asawa mo!!!"pagbabanta niya pa sa akin. At pinaharurot na ang kotse niya.

Agad na kong umalis sa park at tinungo ang main road upang makauwi na sa bahay. Pagkarating ko naman sa bahay dumiretso na lang ako paakyat sa kwarto at hindi na pinansin si Ion na nakasunod ng tingin sakin habang umiinom ng alak. Pero hinatak rin ako nito agad.

"Ion ano ba?! bitiwan mo nga ako" pagpupumiglas ko sa kanya. Pero sinamaan niya lamang ako ng tingin. For sure galit na naman to sakin dahil tinalakan siya ni Andee

"Bakit ba ang hilig mong magsumbong sa kaibigan mo? Ako 'tong napapasama dahil sa iyo eh, kung ayaw mong nasasaktan kita iwanan mo na ko!!!!" nanggigigil niyang tugon sakin. Iwanan siya? Kahit ba lagi niya kong nasasaktan yun yata ang hindi ko kayang gawin. Mahal na mahal ko siya eh. Titiisin ko na lang ito.

"Ano? di mo kayang gawin diba? Kaya magtiis ka...... hanggang sa magsawa ka ....."dagdag pa niya. At binitawan na ako at bumalik siya sa bar counter namin at pinagpatuloy ang pag-inom.

Parang wala talaga lang talaga ko para sa kanya. Nagshower muna ako, at dahil basa pa buhok ko di muna ako humiga sa kama. Dumiretso muna ako sa terrace namin at nagpahangin. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Kahit kelan hindi ko man lang naramdaman na kahit papaano importante ako sa kaniya.Na kahit papaano maayos at mabuti ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi man lang niya ko kayang itrato bilang asawa niya. Ganyan ba talaga siya katigas? Walang puso?

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa terrace, umasa pa kong lalapitan ako ni Ion at sasabihin matulog na kami, pero pagharap ko sa may kama namin ayun tulog na tulog na ang mokong. Nagpahangin pa kong muli ng ilang minuto at napagpasyahan ko nang matulog na rin at bumalik na sa kama.

Hindi nakatalikod sakin si Ion. Pinagmasdan ko ang mukha niy. Napaka gwapo, matangos ang ilong,mapulang mga labi at chinitong mata. Isa yan sa mga rason kung bakit andaming babaeng nagkakagusto sa kaniya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"I love you so much,Mister ko" Bulong ko sa kaniya. Hindi rin naman niya maririnig yun at himbing na ang kanyang tulog.


Vote and comment mga ka orens....... and kung may suggestion kayo for next chapter just message, Thank you!!!!

Happy Reading :)))





Meet Mrs.PerezWhere stories live. Discover now