Hi guys!!! Sorry sobrang tagal ng update ko pero promise babawi talaga ako ng sobra sa inyo. Ngayon pa lang sinasabi ko na, na lame 'tong update ko pagtyagaan na muna. I love you all salamat sa 10k reads muaaaah!!!!Vice's POV
"Babe"
Am I missing him that much?
naririnig ko na naman boses niya."Babe....Babe, I'm already here?"
Napadilat ako mula sa pagkakayuko ko dito sa lamesa dahil nakatulog na ko na sa pagod. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. I've missed him.
I heard him chuckled. "Miss mo ba ko ng sobra? I miss you more" at niyakap rin niya ko pabalik.
"Halika na Babe! Uwi na tayo mukha yatang napagod ka sa trabaho mo." Aya niya sa akin. Kinuha ko rin naman kaagad ang bag na bitbit ko at tumayo na rin.
He gently pulled and kiss me.
"Lika na babe, gutom na ko eh" Agad din namang hinawakan ni Ion ang kamay ko at hinila na papuntang elevator.
Habang nasa sasakyan kami we talked about the baby. Sabagay ilang buwan na rin naman isisilang na sila and I can't wait to be a Mom.
"3 months na lang Babe darating na sila. Sulitin na kaya natin to." wika niya.
"Sulitin ang alin?"
"Honeymoon tayo!" sabi ni Ion. Hinampas ko naman kaagad ito sa braso. Honeymoon sya dyan!
"HONEYMOON?!" Sigaw ko sa kanya.
"Babe bat ka ba naninigaw? Atsaka di pa naman tayo nag-hohoneymoon. Kapag dumating na yung anak natin di na natin magagawa yon." nang-aasar na wika neto.
"Talandi ka talaga!!! Puro ka ganyan!!! Palibhasa di nananakit katawan mo. Puro yan iniisip mo nadimunyo ka!!!" inis naman na tugon ni Vice. Sumimangot naman ito at di pinansin si Ion.
"Babe, di lang naman yun iniisp ko eh syempre quality time na rin natin yon." maloko pang sabi ni Ion.
Nanatili namang tahimik si Vice at napa-buntong hininga na lamang ito at agad na nagsalita.
"Are we ready?" aniya. Nahalata naman kaagad ni Ion ang pangamba sa mga mata ng kanyang asawa.
"For?"
" For them. Sa mga bata. I mean kakayanin ba natin? Pareho tayong busy sa trabaho plus hindi ako alam ang gagawin ko sa kanila, baka mamaya di ko maalagaan ng maayos mamaya di k-" pagputol ni Ion sa misis niya sabay halik sa labi nito.
"Babe, makinig ka sakin. Pareho tayong di ready kasi first time natin magiging magulang. Pareho tayong matataranta sa mga unang beses. Pero babe pangako kakayanin natin pareho basta magkasama tayo. Tutulungan natin ang isa't-isa. I love you" paninigurado pa ni Ion kay Vice.
Isang simpleng ngiti naman ang iginawad ni Vice kay Ion bilang sagot. Nagpatuloy lamang sila pag-uusap about sa baby stuff hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay.
"Babe, mauuna na ko sa taas para makapag-prepare na ko for dinner." agad namang umakyat si Vice upang makapagpalit na ng damit.
Naiwan naman si Ion sa sala habang abala sa pagtitipa ng kanyang cellphone.
Maya-maya pa'y biglang may nagtext sa kanya galing sa isang unknown number.
~ Masyado nang matagal Ion. Di ko na kayang mag-antay.~
Ayan ang nakalagay sa text message na nabasa niya. Nakarinig naman siya ng mga yabag ng paa papunta sa kanya.
"Babe, what do you want for dinner? I'll cook it for you." masayang wika ni Vice. Nagulat naman si Ion ng biglang sumulpot si Vice sa kanyang likuran.
"O, bat para kang nakakita ng multo? Okay ka lang?" wika ni Vice. Dumiretso na siya sa kusina upang maghanap ng pwedeng mailuto.
"Oo naman babe nagulat lang ako hehehe" tugon pa nito at sinundan na ang kanyang asawa sa kusina.
"Babe, pork steak bet mo?"
"Kahit ano babe basta luto mo." pambobola pa nito.
Kinuha na ni Vice ang mga rekados sa ref at agad na sinimulang magluto. Habang naghihiwa si Vice may nag-text na naman kay Ion.
~ "Nauubos na ang oras mo Ion."~
Tumayo naman si Ion mula sa pagkakaupo at dumiretso sa garden nila.
"Babe, sa sala muna ko ha" paalam nito kay Vice.
"Sige babe."
Agad naman tinawagan ni Ion ang unknown number na nag-text sa kanya.
"Diba sabi ko sayo tapos na tayo matagal na. Bakit ba ayaw mong tanggapin na hindi kita mahal at hindi kita mamahalin?!!" galit na sabi ni Ion.
"Hindi ako titigil hangga't di ka napapasakin Ion. Kung ayaw mong malaman ng asawa mo makipagkita ka sa akin ngayon sa dating place. Hihintayin kita." binabaan naman kaagad neto ng tawag si Ion.
Napadako naman ng tingin si Ion papunta kay Vice. Nakita niyang masaya itong nagluluto at pakanta kanta pa. Alam mong maligaya talaga siya.
Tumungo naman si Ion kay Vice at nagpaalam na aalis saglit ito.
"Babe, aalis lang ako saglit ha! Importanteng meeting lang babalik din ako kaagad promise.I love you" anya ni Ion at hinalikan ang asawa sa noo. Nagmadali naman itong umalis sa bahay at nagmaneho patungo sa meeting place nila.
Naiwan naman ng punong pagtataka si Vice dahil sa inasal ni Ion.
Vice's Pov
Saan naman pupunta yon? Akala ko ba wala na siyang schedule for tonight. Nakakainis naman. Baka mamaya nambababae yon. Hayysss!!!
Ion's Pov
Nako naman!!! Kung kelan okay na kami ng asawa ko tsaka naman sumulpot 'tong si Bela pambihira talaga. Kailangan ko nang tapusin 'tong problema ko kay Bela para matapos na baka mamaya malaman pa ni Vice at magkagulo pa kami.
6:30pm
"Hi, love" masiglang bati ni Bela kay Ion, at nagtangkang halikan ito sa labi.
Umiwas naman ng halik si Ion at hinila si Bela papunta sa private place ng restaurant.
" Sabi ko sayo wala na tayo. Maayos na kami ng asawa ko, bakit ba ayaw mong tanggapin yon?" inis na wika ni Ion. "Mahal na mahal ko ang asawa ko. Hindi ko na siya kayang saktan kagaya ng dati. Hindi na Bela. Hindi na."
"Mahal? Bakit? Babae ba siya? Ion hindi ka magkaka-anak sa baklang yon. She's a bitch!!! Bakit siya pa pinili mo? Bakit hindi na lang ako. Were perfect together. Mas bagay tayo Ion." sabi ni Bela. Nagpantig naman ang tenga ni Ion sa mga narinig niya kay Bela.
"Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang asawa ko. Malayong malayo siya sayo. Hindi siya kagaya mo. Eto na ang huling beses na guguluhin mo kami dahil sa susunod na ulitin mo malalagot ka talaga sakin." galit na sabi ni Ion.
Tatalikod na sana si Ion upang umalis na ngunit hinila siya ni Bela
"As if I care. Hindi ako natatakot. Ikaw ang matakot baka mamaya bigla ka na lang iwan ni Vice." ngising tugon ni Bela.
Hindi naman na ito pinansin ni Ion at tuluyan nang nilisan ang restaurant. Agad siyang sumakay sa sasakyan at nagmaneho na pauwi.
ring~ring~ring~ring~ring (pag-tyagaan niyo na yan wala tayong budget Hahahaha)
"Babe, asaan ka na?"
"Pauwi na babe. Sorry medyo natagalan pero malapit na rin dyan."
"Okay! Ingat ka I love you"
"I love you too"
cuuuuuut!!!!
Comment & Vote :)))
YOU ARE READING
Meet Mrs.Perez
FanficWhat is it like to have a husband like Ion Perez? Jose Marie Viceral a.k.a Vice Ganda grew up in Seattle in Washington and came back in the Philippines to continue her life as a Fashion designer in her company. And here came Ion Perez her hus...