"AY PEPE mo!" Nabitiwan ni Sia ang hawak na pakete ng marshmallow nang may kung sinong sumundot sa tagiliran niya, malakas ang kiliti niya sa parteng iyon. Nang lingunin niya kung sino ang may sala nakita niya si Ruen na ngingiti-ngiti. "Ruen Dale DelaCourte!"
May tampo siya sa binata. Halos isang linggo rin itong hindi nagparamdam sa kanya pagkatapos siya nitong dalhan ng agahan at halikan. Pa-miss epek ang lolo! Pasabi-sabi pa ito na liligawan siya wala namang ginagawang moves! Wala, nakakapagtampo talaga.
"Lucresia Alcantara!" ganti nito. "Ang bantot talaga sa pandinig ng pangalan mo. Ano ba 'yang mga magulang mo pinagkaisahan ka ng mga 'yon. Hindi ka talaga nila mahal. Mabuti na lang ako mahal kita..."
Mahina ang pagkakasabi nito sa mga huling salita ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Sia, kinilig siya pero hindi niya ipinahalata. Tumingin ito sa cart niyang ang laman lang ay puro sanitary napkin, whitening soap, deodorant, lotion at shampoo.
"Bakit?" tanong niya sa binata.
"Naka-cart ka pa 'yan lang naman ang laman. At kung mamili ka akala mo wala na niyang mga 'yan sa darating pang mga bukas."
"Hindi naman sa gano'n. Madalang nga kasi akong lumabas ng bahay kaya kapag namimili ako ng supplies pangmatagalan na." Dinampot niya ang nabitiwang pakete ng marshmallow at inilagay iyon sa cart. "Saka alam mo naman na malayo ang bahay ko rito sa pamilihan, hindi kagaya mo na halos kapitbahay lang."
"Bakit kasi hindi ka na lang lumipat dito sa city? Tutal can afford mo namang bumili ng lupa at bahay sa mga subdivision dito."
Itutulak na niyang muli ang cart nang agawin iyon ni Ruen sa kanya, hinayaan lang niya ito. Nagtungo siya sa section ng mga delata.
"Wala akong balak na umalis sa lupang kinalakihan ko, naroon na ang buhay ko at doon na ako forever." Kumuha siya ng paborito niyang canned tuna.
"Sa palagay ko parang imposibleng hindi ka na aalis sa lugar na 'yon."
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Bumaling siya sa binata.
"Well..." Nagkibit-balikat ito. "Siyempre mag-aasawa ka pagdating ng panahon. Paano kung gusto ng asawa mo na sa ibang lugar kayo tumira?"
Sia crossed her arms over her chest. "Hindi ako papayag."
"Kapag nag-aasawa ang babae sumasama siya sa asawa niya. Sabi nga, ang babae dapat magpasakop sa asawa."
"Moderno na ang panahon ngayon, hindi dahil lalaki siya na ang dominant sa pamilya o sa relasyon. You see, nowadays maraming mga babae na ang nagtatrabaho para buhayin ang pamilya nila at ang mga lalaki na ang nasa bahay."
"I think depende na 'yon sa mapag-uusapan ng mag-asawa."
"Then pag-uusapan namin ng asawa-to-be ko ang hindi pag-alis doon sa lugar ko." Tinaasan niya ito ng kilay. Kung ito ang magiging asawa niya tiyak na pagtatalunan nila kung saan sila titira.
Lumipat naman sila sa section ng mga gulay at prutas.
"Bakit ba gustong-gusto mo doon?" mayamaya ay tanong nito.
"There is no place like home," aniya.
"Paano kung sabihin din sa 'yo ng asawa mo 'yan?"
Hinarap niya ito, naniningkit ang mga mata. Hindi pa pala sila tapos sa munting argumentong iyon.
"Bago pa man niya siguro ako yayaing magpakasal alam na niyang nag-iisang anak lang ako. Hindi ko iiwan ang mga magulang ko, Ruen. Walang ibang mag-aalaga sa kanila pagdating ng araw ng katandaan nila kundi ako lang. Dapat maintindihan ng asawa ko 'yon na noong pinakasalan niya ako kasama sa pinakasalan niya ang mom at dad ko. Kung gusto niya, doon siya sa kanila at sa amin naman ako kasama ang parents ko."
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 1: Yesterday's Dream
RomanceSi Ruen ay bahagi ng kahapon ni Sia na kailanman ay hindi niya nagawang kalimutan. It was so hard to forget the man who gave her so much to remember. Kaya ang status niya: FOREVER LOVING RUEN, FOREVER WAITING FOR HIM TO LOVE HER. At makalipas ang il...