HABANG nasa biyahe in-orient na ni Sia ang binata kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nakaharap na nito ang kapatid. Pero alam niya na kahit na sinabi na niya ang mga iyon kay Ruen, hindi pa rin nito masusunod iyon kapag naunahan ito ng silakbo ng damdamin.
"Ready?" tanong niya rito nang nasa harap na sila ng pinto ng bahay at nakahanda na siya sa pagpihit ng seradura niyon.
Makailang beses itong huminga nang malalim. "Handa na ako."
Nakaupo si Rien sa sofa na nakatalikod sa direksiyon nila kaya hindi kaagad sila nakita ng dalaga. Nakatutok ang mga mata nito sa telebisyon, abala sa panonood.
"Kumain ka na ba? Nag-iwan ako ng agahan mo," pukaw ni Sia sa atensiyon ni Rien.
"Yes, Ate. Ini—" Natigilan ito nang mapalingon sa direksiyon nila at nakita ang kapatid. Nagmamadali itong pumasok sa silid niya.
"Rien!" tawag dito ni Ruen.
Tinapik niya ang braso ng binata at kinuha ang supot na naglalaman ng pregnancy test kit. "Ako na ang bahala, wait ka lang diyan."
Sinundan niya si Rien sa kuwarto. Nakatalukbong ng kumot ang dalaga nang mapasukan ni Sia.
"Rien..."
"Ate, bakit sinabi mo kay Kuya na nandito ako?" umiiyak nitong tanong.
"'Wag kang mag-alala." Naupo siya sa gilid ng kama. "Pinagsabihan ko na ang kuya mo..."
Ibinaba nito ang kumot at naupo. "Hindi na niya ako pagagalitan?"
"Mag-check ka na para malaman na natin." Iniabot ni Sia ang supot sa dalaga. "At hindi puwedeng hindi ka mapapagalitan, Rien. Meron kang ginawang mali. Hihintayin ka namin sa labas."
Nakasubsob ang mukha ni Ruen sa mga palad nito nang maabutan ni Sia sa sala, nang maramdaman nitong naroon na siya ay nag-angat ito ng tingin. Lumapit siya rito at hinilot ang malalim na kunot sa noo nito.
"Isa akong malaking failure, Sia. Pinabayaan kong magkaganito ang kapatid ko." Isinubsob nito ang mukha sa tiyan niya. "Siguro nakita ni Eirah 'yon kaya kahit kailan hindi niya ako binigyan ng chance."
"Everything will be fine, Ruen. Nandito lang ako..." May kumurot sa kanyang puso, hanggang ngayon si Eirah pa rin pala.
She ran her fingers through his hair to calm him.
Nakita niya ang labis na sakit sa mga mata ng binata nang mag-angat ito ng mukha. Kapag nakikita niyang ganoon si Ruen nasasaktan din siya.
"Tamang-tama lang ang pagbalik mo sa buhay ko, Sia, dahil kailangan kita."
Pabirong itinulak palayo ni Sia ang mukha nito. Natakot siyang bigla sa kanyang sariling nararamdaman nang sandaling iyon kaya pinili na lang niya ang umiwas.
"Ang mabuti pa ipagtitimpla kita ng kape."
Nagpunta na siya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape—para tumakas.
"Ang dami mo na palang koleksiyon ng libro." Narinig niyang sabi ni Ruen mayamaya.
Napapikit siya nang mariin. Ang bookshelf niya ay nasa sala at doon din nakalagay ang mga complimentary copies ng kanyang published books. Dali-dali siyang bumalik roon bitbit ang isang tasa ng mainit na kape. Nakaharap si Ruen sa bookshelf pagdating ni Sia.
"Reader ka pala ni Cresia?" Lumingon ito sa kanya.
Hindi siya nakasagot kaagad.
"Bakit ang dami mo naman yatang kopya ng libro niya?" Naupo na ito sa sofa at kinuha ang tinimpla niyang kape.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 1: Yesterday's Dream
RomanceSi Ruen ay bahagi ng kahapon ni Sia na kailanman ay hindi niya nagawang kalimutan. It was so hard to forget the man who gave her so much to remember. Kaya ang status niya: FOREVER LOVING RUEN, FOREVER WAITING FOR HIM TO LOVE HER. At makalipas ang il...