TINUTULUNGAN niya ang ina na magbungkal ng mga halaman sa garden dahil naisipan nitong magtanim ng mga bagong flowering plants doon. Walang kainte-interes si Sia sa paghahalaman, nakisali lang siya dahil natuwa siyang pagdiskitahan ang mga ulalo at bulateng nahuhukay ng ina.
"Sia!" tawag ng kanyang ama na nakapukaw sa atensiyon niya.
"Yes, Dad?" Nilingon niya ito. Naglalakad na ang ama palapit sa kanya hawak ang cellphone niyang tumutunog.
"Kanina pa nagri-ring ito."
Binitiwan niya ang bulate at shovel, naghubad ng gloves at mabilis na kinuha ang cellphone mula rito. Excitement flooded her heart when she saw it was Ruen who was calling her.
"Hey, napatawag ka..." aniya sa malambing na boses. Tumalikod siya para hindi makita ng ama ang hitsura niya kapag naglulumandi siya. "Kanina ka pa ba tumatawag? Pasensiya na, ha, nasa labas kasi ako at nasa loob naman ng bahay ang cellphone ko."
"Are you busy today?"
Busy? Well madali namang gawan iyon ng paraan.
"Ah, hindi naman ako busy. Bakit?"
"Great! Susunduin kita diyan sa inyo. I'll be there in a jiffy."
"Sure. Ah, saan tayo pupunta?"
Pero hindi na sumagot pa si Ruen sa tanong ni Sia. Nakarinig na lang siya ng hugong ng sasakyan sa tapat ng bakuran nila at magkakasunod na busina, nang lingunin niya iyon nakita niya ang sasakyan ni Ruen. Bumababa mula roon ang binata. Nakasuot ito ng kulay green na polo shirt, cargo shorts at may shades pa ang bruho. Wala sa sariling pinunasan niya ng likod ng palad ang bibig dahil baka nagkakayat na ang laway niya. Malapad ang ngiti nito habang naglalakad palapit sa kanya.
"Hi, beautiful..." nakangiting bati nito, itinaas ang shades sa ulo.
Jusme! Agang-aga at ngingiti ito ng kagaya noon na animo ay isang modelo sa toothpaste commercial, nakakaloka! Kung wala lang doon ang kanyang mga magulang dadambahin na ni Sia ang binata. Such a tease!
"H-hello..." Tumikhim siya.
"Tita, puwede ko po bang mahiram ang anak n'yo sandali?" tanong ni Ruen sa kanyang ina na biglang napatayo at napatunganga na rin sa binata.
"Aba'y bakit naman hindi pupuwede? Sige, basta ibabalik mo lang ng buo sa amin at matino." Nginitian ito ng mom niya.
Muling binalingan ni Ruen si Sia. "Get dress, may pupuntahan tayo."
"Saan nga tayo pupunta?" tanong niya.
"Surprise..." He winked at her.
Parang pumaltik yata ang garter ng bra niya sa dahil sa kindat na iyon.
Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kanyang silid para magbihis. Hinalikwat ni Sia ang mga damit sa loob ng kanyang closet pero lumipas ang ilang minuto hindi pa rin siya makapag-decide kung ano ang dapat niyang isuot. Dumungaw siya sa bintana para tingnan ang binata, simple lang naman ang get-up nito kaya sa tingin niya ay ganoon lang din dapat ang maging get-up niya para pareho sila. Sa wakas nakapagdesisyon na si Sia kung ano ang isusuot.
Biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang guwapong-guwapong si Ruen na kay tamis ng ngiti habang nakatingin sa kanya. Tapos na siyang magbihis noon at hindi na lang magkandatuto sa pagpupugong ng buhok.
Pinasadahan siya ng tingin ng binata. Hanging tee, maikling shorts ang kanyang suot.
"Are you ready?" tanong nito. Ikinipit ng binata ang ilang hibla ng buhok ni Sia sa likod ng tainga niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 1: Yesterday's Dream
RomanceSi Ruen ay bahagi ng kahapon ni Sia na kailanman ay hindi niya nagawang kalimutan. It was so hard to forget the man who gave her so much to remember. Kaya ang status niya: FOREVER LOVING RUEN, FOREVER WAITING FOR HIM TO LOVE HER. At makalipas ang il...