Chapter 10

5.5K 127 3
                                    

"HINAHAPO na siya, ano na'ng gagawin natin?" nagpa-panic na sigaw ni Pau habang pinapasadahan ng haplos ang likod ni Sia. "Kanina pa kasi siyang iyak nang iyak, eh!"

Muling hinabol ni Sia ang hininga na naging dahilan para mas magkagulo pa ang mga kaibigan niya. Naroon sila ngayon sa isang island resort, sa Sanctuario. Doon sila nagpunta dahil iyon din ang resort kung saan siya umeskapo noong gabi ng senior prom nila—noong nakita niyang binigyan ni Ruen ng bulaklak si Eirah. Mahirap marating ang lugar na iyon, kailangan pang sumakay ng bangka.

"Tubig, painumin n'yo kaya ng tubig!" suhestiyon ni Genel.

Gamit ang mga kamay sumalok ng tubig si Abby sa swimming pool. "Ito, tubig!"

"Girls," awat ni Mela sa mga ito na may bitbit na plastic. "Ito ang solusyon diyan." Itinaas nito ang plastic.

"Isasaklob ba natin sa ulo ni Sia 'yan para matapos na ang lahat?" tanong ni Pau.

"No! My God, this will help her somehow." Ibinigay ni Mela ang plastic kay Sia at inutusan siyang huminga doon.

Somehow it made Sia breathe better.

"Thanks," ani Sia nang bumalik na sa ayos ang paghinga niya.

"Siguro naman maikukuwento mo na sa amin kung ano ba ang nangyari." Naupo si Mela sa tabi niya.

Pagdating nilang magkakaibigan doon wala na siyang ginawa kundi ang umiyak, pinabayaan lang naman si Sia ng mga kaibigan dahil alam ng mga ito na mas makakabuti para sa kanya kung mailalabas muna niya ang lahat ng nararamdaman. Ngayon na medyo kumakalma na siya, magagawa na niyang magkuwento sa mga ito.

"She's back in his life..." pagsisimula ni Sia. "Nakita ng dalawang kong mata magkayakap at naghahalikan sina Ruen at si Eirah kaninang umaga." She bit her lower lip to suppress her tears. Nakakapagod na rin naman ang umiyak. "Ang masakit sa lahat ni wala siyang sinabing paliwanag sa akin sa mga nakita ko!"

Magkakasabay na napasinghap ang mga ito.

"After kong makita ang tagpong 'yon natakot na ako, takot na takot ako dahil alam kong maiiwan na naman akong bangas-bangas ang puso sa oras na piliin niya si Eirah. Alam ko na kung gaano kasakit 'yon kaya ako na ang kusang tumakbo palayo..."

"You know what, ang tigas naman kasi ng ulo mo," umiiling na saad ni Genel. "Dapat tinuruan mo na lang ang sarili mong mag-move on pero ano ang ginawa mo, itinulak mo pang lalo ang sarili mo sa gilid ng malalim na bangin!"

"Hindi naman kasi 'yon gano'n kadali! How can I forget someone who gave me so much to remember?" aniya.

"Alam mo kailangan mo na talagang mag-let go, Tets," sabi Pau.

"Right, once na nakapag-let go ka na doon ka lang talaga makakapag-move on," segunda ni Mela.

"Then how can I let go?" Matigas ang ulo ni Sia at hindi marunong makinig sa payo ng mga kaibigan, pero ngayon handa na siyang sumunod sa mga ito.

"Oras na para maglibing ka," ani Abby.

"What?" Namilog ang kanyang mga mata.

"Ang ibig sabihin ni Abby kailangan mo nang ilibing ang lahat ng sakit, galit at sama ng loob mo noong nakaraan. Iyon kasi ang patuloy na kinakapitan mo, ang nakaraan." Nilingon niya si Genel.

"Hindi ibig sabihin na naglibing ka kakalimutan mo na ang lahat na para kang nagka-amnesia. Maglibing ka dahil pinapalaya mo na ang sarili mo sa nakaraan," dagdag pa ni Abby.

Ikinulong siya sa mahigpit na yakap ng mga ito. Somehow it made her feel light. Marahil hindi siya sinuwerteng mabiyayaan ng magandang love life, pero blessed na blessed naman si Sia dahil mayroon siyang mga kaibigang nakakaramay sa ganoong pagkakataon. Friends who always bring enlightenment.

Chasing Hearts 1: Yesterday's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon