ARAW NG Linggo noon, halos ilang araw na rin ang nakalipas mula nang dumating ang mga magulang ni Sia. Nagyaya ang kanyang ama na magsimba sila, pagkatapos noon dumiretso sila sa mall para kumain. Dahil nasa mall na rin naman naisipan ng kanyang ina na mag-shopping na rin, kaya hayun ngayon si Sia sa loob ng isang boutique kasama ang ina habang abala ito sa pamimili ng damit. Nakaupo lang si Sia sa silyang ipinahiram sa kanya ng saleslady habang panay ang pagdutdot sa cellphone, hindi niya maawat ang sarili sa pagsusulat dahil panay ang takbo ng ideya sa utak niya.
Ilang araw na rin silang hindi nagkikita ni Ruen at sa loob ng ilang araw na iyon wala rin siyang natatanggap na kahit isang message o tawag galing sa binata. Naiintindihan naman ni Sia ang sitwasyon nito sa ngayon, ang sa kanya lang parang nabale-wala na naman siya nito. Alam niyang wala pa silang opisyal na relasyon, pero naghihinanakit pa rin siya ng kaunti. Hindi ba at magkaibigan pa rin naman silang dalawa? She was expecting that somehow he would talk to her.
"Anak, tingnan mo nga 'to kung babagay ba sa akin ang yari."
Ang boses na iyon ng kanyang ina ang pumukaw sa kamalayan ni Sia, nag-angat siya ng tingin.
"Beautiful," nakangiting sabi niya.
Iniabot nito sa saleslady ang damit at sumama papunta sa cashier. Binalikan siya nito pagkatapos magbayad.
"Let's go," yaya nito sabay hila sa kanya.
Nagpatianod lang si Sia sa ina palabas ng boutique kung saan naghihintay sa kanila ang kanyang ama.
"Tapos na ba kayo?" tanong ng dad niya nang makalabas na sila.
"Bibili pa ako ng sapatos." Nilingon si Sia ng ina. "Itong anak mo parang hindi naman nag-e-enjoy na mag-shopping, wala pa siyang nabibili na kahit ano para sa sarili niya."
Her father exaggeratedly rolled his eyes. Ikinatawa iyon ni Sia.
"Alam mo naman 'yang anak mo, masaya siya kung libro ang bibilhin niya."
"Yeah, right." Yumakap siya sa baywang ng ama. "Kaya hayaan n'yo na akong magpunta sa bookstore, please!"
"As you wish, sweetie," anang kanyang ama at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
"Andrew, akala ko ba family bonding natin ito?" angal ng mom niya.
"Yulah, we went to church together and ate together. Isa pa at the end of the day tayo pa rin ang magkakasama sa bahay. Hayaan mo na ang anak mo, besides hindi ka rin naman mag-e-enjoy kung sasamahan mo siya sa bookstore."
Bumuntong-hininga na lang ang kanyang ina saka siya tinanguan.
Hinintay muna ni Sia na makapasok sa loob ng shoe store ang kanyang mga magulang bago siya pumihit patungo sa direksiyon ng bookstore. Naglalakad siya habang nagta-type ng draft ng nobela sa cellphone nang biglang may brasong pumulupot sa baywang niya. Sisigaw na sana si Sia kung hindi lang kiniliti ng pamilyar na amoy ang kanyang ilong. Malapad ang kanyang naging ngiti nang salubungin siya ng nakangiting mukha ni Ruen.
"At bakit ka pagala-gala dito sa mall?" Pinisil nito ang pisngi niya.
"I'm with my parents," aniya. "Humiwalay lang ako dahil papunta ako sa bookstore. Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Ah, alam ko na. Siguro may dine-date kang iba."
"Yes."
Aba at ang taksil! Naningkit ang mga mata ni Sia, parang gusto niyang tadyakan si Ruen dahil sa sinabi nito kung hindi lang nahagip ng line of vision niya ang ina at kapatid ng binata na lumabas ng isang stall at ngayon ay papalapit na sa kanilang dalawa. Humalik kaagad ang kapatid nito sa kanya nang ganap na makalapit.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 1: Yesterday's Dream
RomanceSi Ruen ay bahagi ng kahapon ni Sia na kailanman ay hindi niya nagawang kalimutan. It was so hard to forget the man who gave her so much to remember. Kaya ang status niya: FOREVER LOVING RUEN, FOREVER WAITING FOR HIM TO LOVE HER. At makalipas ang il...