AYAW sanang lumingon ni Pau pero kinabig siya ni Mela paharap sa tumawag. Parang slow motion sa isang pelikula iyon habang bumabaling siya kay Wilmer. He looked wasted. Wasted pero hindi nakabawas iyon sa kaguwapuhan at kakisigan nito, nagmukha lang itong panda dahil sa pangingitim ng ilalim ng mga mata. She wanted to run towards him. Napigilan lang siya ng sakit na nararamdaman. Iniwan siya nito, bakit siya pa ang magkakandarapang tumakbo palapit dito? Manigas ito!
"Pau..." muling pagtawag ni Wilmer sa kanya.
"Tets, ayan na siya!" kinikilig na bulong ni Mela sa kanya.
"Lapitan mo na, Pau!" susog naman ni Abby.
Binalingan niya si Abby. "Bakit 'di ikaw ang lumapit, tutal ikaw naman ang nakaisip?"
Tinarakan siya ni Abby ng mga mata. "Kung wala lang ako dito sa loob ng selda sunggaban ko 'yang lalaki mo. Pagkatapos kitang kupkupin, pakain at damitan! Walang utang na loob!"
Iimik pa sana siya kaya lang ang walanghiyang si Mela itinulak siya. Muntik na siyang magsungaba, mabuti na lang mabilis na nakalapit sa kanya si Wilmer at nasambot siya nito. Sa dibdib ng binata sumapol ang mukha niya. His scent seemed to calm her... Oh, she miss him so much!
"Pau."
"Pau, Pau, Pau! Diyos ko, Wilmer, puro na lang ba ganyan ang sasabihin mo?!" Naiinis na siya rito. Nagpunta ba ito doon para lang gumawa ng eksena? "Heto ang sa 'yo. Uhm!"
Sinuntok niya nang malakas ang dibdib nito pero hindi man lang ito natinag sa ginawa niya.
"Ang tinde mo ring tarantado ka, eh, 'no?" nanunuyang wika ni Pau. "Pagkatapos na pagkatapos kong aminin sa 'yo ang nararamdaman ko pinaligaya mo lang ako sandali at iniwan mo na ako! Ang galing mo rin, eh, 'no? Ang galing! Wooo-hooo!"
"I'm sorry, Pau..." Hinaplos ni Wilmer ang pisngi niya. "I have reasons why I left."
"Sorry? Huh! Reasons mo mukha mo! I had endured so much pain at dinagdagan mo pa, sa tingin mo mapapawi pa ng punyetang sorry na 'yan ang lahat ng sakit na binigay mo. Asensado ka naman, pakyu ka!"
Nagpapalag siya para makawala sa pagkakakulong sa mga bisig nito pero hindi siya nagtagumpay.
"Sige, murahin mo pa ako kung 'yan ang makakapagpaluwag ng kalooban mo, saktan mo ako physically at iparamdam mo sa 'kin ang sakit na sinasabi mo."
"Wala, walang makakapantay sa sakit na nararamdaman ko dahil iba ito. Masakit ang maiwan nang paulit-ulit, lokohin, saktan... iba ang emotional pain sa physical pain. Sa bawat lalaking minahal ko na sinaktan ako malaking bahagi ng buhay at pagkatao ko ang kasama nilang nawawala. At ngayon pakiramdam ko walang natira para sa 'kin!" She started sobbing.
"Hindi mo pa kasi nararamdaman 'yong ganito, eh. Nag-invest ako nang nag-invest ng pagmamahal pero ni hindi man lang tumubo kahit kakarampot, palagi na lang lugi. Akala ko iba ka sa kanila, Wilmer. Pero pinatunayan mo lang sa 'kin na magkakapareho kayo nang iwan mo ako."
"Plano ko na talagang umalis sa bahay mo—"
"See? Tama ako—"
"Mali ka pa rin ng iniisip," putol ni Wilmer sa sinasabi niya. "Umalis ako hindi para iwan ka kagaya ng inaakala mo. Naglipat ako ng bahay dahil iniisip ko na masamang hitsura kung makikita ng mga tao na sa iisang bahay tayo nakatira at meron tayong relasyon. I was supposed to surprise you sa pagbalik ko pagkagaling ko kay Kuya sa ospital, pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari at nasira na ang lahat ng plano ko. My brother died that day at hindi ko maiwan sina Mama dahil kailangan nila ako. Ako ang nag-asikaso ng lahat at ngayon nalang kita nabalikan pagkatapos ng libing ni Kuya."
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 2: Double Rainbow
RomanceLife is ironic, isn't it? Kung kailan feeling mo hindi ka na magmamahal uli, saka naman darating ang taong totoong nagmamahal sa 'yo. Kapag natutunan mo nang mahalin ang taong iyon, saka naman gagawa ng paraan ang tadhana para guluhin kayo. Will Pau...