Chapter 3

11.5K 120 48
                                    

A/N: wala po sa sched ko ang mag UD today, but sa dami ng comments na puro BITIN ang nabasa ko eh bigla akong sinipag gawin ang chapter 3.

Hope you will like this chapter.

This chapter is dedicated to kimxi143 -  the first to comment on chapter 2 .  Thanks girl for the support.

_____________________________________________________________________________

XANDER's POV

Lalapitan ko na sana Kim nun bigla akong pi-nage   for an emergency. Wala akong choice kaya dali-dali akong pumunta sa ER. Pagdating ko doon, inasikaso ko ang isang pasyente. Tumagal din ito ng halos kalahating oras bago ito naging stable. Pagkatapos kong mai-endorsed sa nurse ang pasyente upang maipa-admit na for further tests,  nagmamadali akong tumungo sa kwarto ni Abuelo. Kailangan ko na talagang makita si Kim.

KIM's POV

Lumabas ako sa kwarto ni Abuelo upang tawagan si Mommy. Hindi ko kasi maintindihan yun sinasabi nya. Mukhang mahina ang signal ng cellphone ko  sa loob ng kwarto. Paglabas ko ay narinig kong pi-nage si Xander papunta sa ER. OMG, nakaduty sya ngayon!Hindi pa ako handa makita sya. Tuloy-tuloy akong lumabas papunta sa parking lot, hiniram ko ke Mang Dado ang susi  at pinatakbo yun kotse papunta sa park na lagi naming pinupuntahan ni Xander nun magkasintahan pa kami. Hindi ko alam kung bakit ganun yun naging  reaction ko.  Basta feeling ko dapat hindi muna kami magkita! Hindi ko alam kung bakit ganito ako kinakabahan. Ang alam ko nakamove-on na ako. God, it's been seven years! Why do I act like this? Nang mahimasmasan ako. Tinawagan ko si Tita Anne at sinabi kong may pinuntahan lang ako saglit. Pagkatapos tinawagan ko naman si Mommy.

"Hello, Mom!" sabi ko.

"Oh anak bakit ang tagal mo naman mag return call?" tanong nya.

"Eh ang hirap po kasi ng signal sa may hospital kaya lumabas muna ako." alibi ko.

"Ok. As I was saying tomorrow  we will be there already. Mamayang gabi na yun flight namin.  Nakakuha  ng mas maagang flight ang Tito Greg mo."  

"O sige po. ako na po ang susundo sa inyo. Anong oras ba ang dating nyo?" tanong ko.

I'll text you after ko ma-confirm sa Tito Greg mo, ok?! See you tomorrow hija. Btw, how's your Abuelo?"

"Nagkamalay na po sya. Kausap ko nga po sya nun tumawag kayo" sagot ko.

"Well that's good. Pero bakit parang may problema ka hija?" tanong nya.

"Eh, Mom kasi po..." nag-aalangan kong sabi.

"Why? What's wrong Kimmy?" 

"Si Xander po, sa hospital na yun nagpapractice. Nakita ko sya yesterday at kanina narinig ko yun name nya na pi-nage."

"So?  You told me ok ka na, naka move on ka na, di ba? What's bothering you?" tanong ni Mommy.

"I don't know. I just think it's not yet the right time to see him, to talk to him."

"If not now, when hija? I think dapat nya na ring malaman ang tungkol ke Alex. It is his right as a father." 

"Ewan ko, Mom!  Nalilito ako."  sagot ko.

"Kimberly,  hindi mo maitatago forever ang katotohanang siya ang ama ni Alex. You are being unfair sa mag-ama. Face him, hija. I think  now is  the right time. Unless you're still in love with him kaya ganyan ang reaction mo"  

Hindi ako  nakasagot ke Mommy. Ngayon alam ko na hindi ako ok, na totally ay  hindi pa ako naka move on.  I still get affected by Xander. Nang wala akong maisagot,   nagpaalam na si Mommy para makapagready na sila.

I Do Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon