A/N: Again, thank you wattie friends for the unwavering support for this story. I thought after BFFLL eh hindi ko na uli mararanasan ang ganitong klaseng support coming from my readers. It feels great to receive such wonderful comments and messages. Nakakataba po ng puso.
At dahil po diyan kaya hindi ko po maiwasang magsulat kahit madami pa talaga akong dapat gaiwn.
Btw, may mga ilang readers po kasi na nagsasabi lalo na sa intro at chapter 1 na nabasa na daw po nila ang book or novel nito, gusto ko pong sabihin na hindi po ako aware na me libro o novel na kapareho ng title ng story na ito but I assure you na maaari pong pareho sila ng title pero I'm sure hindi po pareho ang istorya. This story is purely fictional at gawa-gawa lamang po ng aking imahinasyon. Wala po akong pinagbsehan na libro o true-to-life story nito.
This chapter dedicated to krisitine Paola flormata -paolie_092900. Request granted, girl:)
Enjoy reading po!
________________________________________________________
“Ikaw ang Papa Alexander ko?” tanong ni Alex ke Xander.
Parehong pigil ang hininga nina Kim at Xander habang naghihintay sa magiging reaction ni Alex sa nalamang katotohanan.
Biglang ngumiti ito sabay yakap ng mahigpit ke Xander.
Nakahinga ng maluwag si Kim ng makita ang reaction ni Alex. Tuwang-tuwa naman si Xander sa pagyakap at pagpupog ng halik sa kanyang mukha ni Alex. God, ganito pala kasarap ang feeling ng isang tatay! Sabi nito sa sarili.
“I miss you, Papa! I always pray na sana makita na kita,” masayang sabi ni Alex.
Bigla namang inawat ni Kim si Alex. “Baby, tama na yan! Baka hindi na makahinga ang Papa mo sa sobrang higpit ng yakap mo at kakahalik mo!” saway nito sa anak.
“Don’t worry, Mama! Later it will be your turn!” kaswal na sabi ni Alex habang patuloy pa rin na nakayakap sa ama.
Tuwang-tuwa naman si Xander sa tinatakbo ng usapan nilang tatlo at hindi napigilan nito ang tumawa ng malakas sabay kindat ke Kim. Napikon naman siKim kaya nag-pout na lang ito.
BINABASA MO ANG
I Do Take Two
FanfictionAnother chance.... another shot.... with the same person...possible ba yun? WIl it work?