Chapter 6

10.3K 101 15
  • Dedicated kay NANAY DES
                                    

 A/N :  Hello, guys! Thank you for your prayers and sympathy.  The support we got from all of you along with our relatives and friends  made me and my family  stronger in facing the difficulties of the loss of our mother. Again, thank you very much.

I am still not  in the mood to write but before my Nanay passed away, I already finished this chapter.  With this, I would like to dedicate this one to her.

To NANAY DES, thank you for being my mother, for bringing out the best in me, for making me what I am today, and for your love. Sorry for the times that I had hurt you, disappointed you and for the times we have to fight.   I  love you and I will surely miss you....

______________________________________________________________

kIM's POV

Ano ba ang gagawin ko? eh eto na, wala na talaga akong choice kundi isama itong si Xander sa pagsundo kena Mommy sa aIrport. Si Abuelo talaga, he really has his way of having what he wants. Katulad ngayon, akalain mong sang-ayunan si Xander eh alam nya namang hindi ko pa rin alam kung anong gagawin at sasabihin ko pag nagkita na ang mag-ama ko? Hay, bahala na nga!

XANDER's POV

Ang lakas ko talaga ke Abuelo! walang nagawa si Kim kundi sundin sya. Siguro kasi ayaw naman ni Kim na "sumpungin" na naman si Abuelo. he he he.

Paglabas ni Kim sa kwarto ay sinundan ko na sya. Nakita ko sya sa labas lang ng pinto, nakasandal sa gilid, nakahalukipkip  ang mga kamay habang kandahaba ang nguso nito. Inis na inis pa din sya. 

"Babe, halika na!" aya ko sa kanya.

Tiningnan nya ako  na para bang suko na sya, na wala na syang choice kundi isama ako. Nang inakbayan ko sya, ay inalis nito ang kamay ko sa balikat nya sabay sabing " Hindi na natin kaharap si Abuelo kaya hindi na pwede yang mga da moves mo ha?!" 

Sasagot sana ako ng biglang magring ang cellphone ko. Si Shoti (younger brother sa Chinese) tumatawag. 

"Kim, sandali si Aldrin tumatawag." sabi ko.

"Ok, Pakisabi na lang Hi!' sagot ni Kim ng nakangiti.  Ka-vibes din ni Kim ang mga kapatid ko lalo na itong si Aldrin, ang aming bunso.

"O, bakit ka napatawag?' tanong ko. Medyo naiinis ako kasi wrong timing sya.

"Anya (Chinese term for Kuya), papunta kami ngayon sa hospital. Inaatake si Mama ng vertigo nya.  On duty ka ba?" nanginginig ang boses ni Aldrin.

"Andito ako ngayon. Asan na kayo? Malapit na ba kayo?" bigla akong nabalisa sa narinig ko.

"Yes, Anya. malapit na. Abangan mo na lang kami sa ER."

"OK, sige! Pupunta na ako abangan ko  ang pagdating nyo. How's Mama?" 

"Kanina, nagsusuka sya pero huminto na kaya lang  pinagpapawisan syang mabuti." 

"O sige, I'll wait for you guys here. Bye! Ingat sa pagddadrive!"

"Bye, Anya!"

Pagkatapos naming mag-usap ni Aldrin ay hinarap ko si Kim. 

"Babe, si Mama sinumpong na naman ng vertigo nya. On the way na sila dito. I need to be with her. Sorry at di kita masasamahan." malungkot kong sabi.

"Ok lang ba sya? Ok lang ako,  no need to worry about me unahin mo sya. Pagbalik ko mamaya, tatawagan kita if pwede ko na sya puntahan.' balisang sagot ni Kim.

"Thanks. Pinagpapawisan daw mabuti pero huminto na daw ang pagsusuka. I have to go. Pasensya na talaga. I'll see you later ok?" sabi ko sabay halik sa pisngi ni Kim bago ako tuluyang umalis papunta sa ER.

I Do Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon