Chapter Nine

27 3 0
                                    


New Update!

Oki...Gets nyo ba yung sa last
part nang chapter 8? If NOT,
just comment and I'll clarify
things po. 😊😘

Tin's POV

Pinatawag lahat ng mga volunteer
nurses at doctors kahapon dahil
kailangan naming rumisponde sa
nangyaring pambobomba sa Manila
City Jail.

Ang team namin nila Doc. Rae at
team nila Doctor Savanna ang
napiling pumunta doon. Ewan ko
ba kung nagSET-UP ng appointment
si tadhana o isinulat na ni kamalasan ang  pangyayaring ito dahil ang
unang ipinadala nila ay ang medical team ng General Hospital na
pinamu-munuan ng nagiisang
Doctor Ethan Dreak Delfierro.

d-.-b

December 24 (Monday)
7:35 a. m.
Manila City Jail

"Oh my god!" usal ni Jean ng makababa kami mula sa mobile. "Beside sa nakakatakot na preso
ay isang guhong presinto?" pagtatanong niya sa sarili.

"Kawawa nga sila eh... " sabay kaming napatingin ni Jean sa
nagsalita. "Tignan niyo, ang
daming nadamay sa bombing.
Sa lahat ba naman ng lugar ay
dito pa? tapos disperas pa
ngayon ng pasko. Kawawa naman ang mga pamilya nila." si
Antoinette mula sa team ni Doc.
Sav. sa sobrang maawain ng bata
'yan ay dinaig pa ang madre.
Napatingin naman ako sa mga
busing mga responders at
volunteers. Marami ngang nadamay,
sugatan, pati mga pulis.

"Nurse Valencia is right. Meron
ding mga pulis na nadamay,
bukod don ay inosente ang ibang preso sa nangyaring bombing incident ." tatango-tango naman kaming sumangayon sa sinabi ni Doctor Savanna. "Piamonte?" tawag
ni Doc. kay Jeannie.

"Yes Doc.?" Taas noong tugon
naman ni Jean.

Tinignan siya ni Doc. kami ding
lahat ay nakatingin sa kaniya.
"Any issues regarding what you matter earlier? " taas kilay nitong tanong kay Jean na halatang
napahiya.

"Non Doctor Savanna. Pardon
me." pagpapa-umanhin nito at yumuko.

"Alright then... Let's move!, remember each of us will assume responsibilities to the patients." pagpaalala nito sa lahat at naunang
pinamunuan ang team niya.

"Yes Doc.! " sabay naman naming sagot. Naunang kumilos ang
iilan, maya-maya ay kumilos narin
ako. Hindi na bago sa amin ang
ugali ni Dra. Savanna Yoon,
bukod sa may edad na ay kailangan
niyang maging strict. Dahil narin siguro sa posisyon na plano atang higitan ang Head ng department,
si Dra. Lafayette Lim.

Pagkatapos kong mag-ayos ay
nilapitan ko si Jean at tinapik siya
sa balikat. "Come on!... Move!,
move! " pang-gagaya ko sa boses
ni Dra. at natawa ako ng bahagya
dahil sa salubong na kilay nitong nilingon ako.

"Psh!, eto na, ang harsh naman nitong si Dok. Savy.... Porket dalagang pilipina?" Jean muttered
habang nag-aayos ng mga gamit
niya.

"Hoy, Baka marinig ka..." sita ko naman. "Paki dala naman n'yan
oh." sabi ko tsaka inginuso ang
safety hat. Nakanguso naman niya itong kinuha at padabog na
naglakad.

Pagdating namin sa garden area
kung saan dinadala ang nai-rescue
at nasugatan para lagyan ng
paunang lunas bago dinadala sa
Gen. Hospital ay sinalubong agad
kami ng Search and Rescue official
at may tatlong rescuer sa likuran
nito na nakasunod.

"Good morning Sir., Doctor
Yoon from SPMH..." pagpakilala
agad ni Dra. at sumunod naman
si Doc. Han. "Volunteer Doctor
from South Korea, Han Rae
Hoon." nag-bow si Doc saka
nakipag kamay.

Ten Days In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon