Chapter Twelve

13 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa naririnig kong
mahinang atungal ng kung sino.
Ilang beses kumurap ang mga mata
ko bago nakapag-adjust sa mga nakikita ko. Masyadong malabo ang paligid na dala siguro ng mga
alikabok na galing sa mga sementong nagkabitak-bitak  at nasira. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tanging kirot at hapdi ang naramdaman ko sa bandang noo ko. Dahan-dahan akong bumangon
habang ang mga maliliit na tipak ng
semento na nasa katawan ko ay nahuhulog. Napaubo pa ako dahil
sa alikabok na nalalangahap ko. Napahawak narin ako sa noo ko at biglang napapikit dahil sa
naramdamang sakit at pagtingin ko
sa mga daliri ko ay may dugo. Pinilit kong manatiling kalmado para hindi mataranta ang puso ko. Hindi parin kasi normal ang nararamadaman ko.

Tuluyan na akong tumayo at nagpag-
pag ng damit. Pagtingin ko ng maayos
sa paligid ay masyadong makalat at
masyado paring makalat. May nagabundok na mga durog na
semento na may halong malalaking
tipak rin. Muli na naman akong
nakarinig ng atungal sa may bandang
kanan ko kaya napatingin ako dito.

Nagsimula akong maglakad patungo
sa ingay. Maingat ako bawat hakbang
dahil sa mga matutulis na bagay
sa dinadaanan ko. Habang papalapit
ay maslalong lumalakas ang atungal.
Naalala ko ang boses na 'yon at
pamilyar sa akin. Bumalik sa isip
ko ang nangyari kanina bago sa
sitwasyong ito.

Nagwala ang preso na si Mang Ben
dahil sa pagpalo sa kaniya ng patpat
ni Guision at dahil do'n nawala sa
katinuan ang preso at ginawa akong hostage. Maya-maya ay biglang nagyanig ang buong building
hanggang sa nagcollapse ang
harapan nito, at nadamay si Guision. Nahulog siya mula sa ikalawang palapag hanggang sa hinay-hinay na nasira ang poste na nasa likuran ko pero hindi ako nabagsakan dahil tinulak ako ni Mang Ben papalayo. Niligtas niya ako. Niligtas ako ng
isang mamamatay tao.

Mahirap paniwalaan pero napatunyan
ko mismo na ang mga masasamang
tao ay may nakatagong kabutihan
sa loob at kailaliman ng puso nila.
Sadyang nilamon lang sila ng
nararamadaman nila at hindi na
alam ang mga ginagawa nila.

Tumigil na ako sa harapan ng isang
napakalaking semento. Pagsuri ko
ay parang ito yung poste kanina
dapat pabagsak sa amin ng preso
pero dahil niligtas ako ni Mang Ben
hindi ako nadamay. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko
ang atungal na ngayon ay malakas
na. Parang nagmumula ito sa likuran
ng poste. Pagtingin ko naman sa
magkabilang gilid ay parehas may
harang na mga estante at mga bakal
tsaka wirings.

Wala akong ibang magawa para
matignan kung kanino galing ang
atungal. Inakyat ko ang ang poste
na 6feet ata ang taas sa akin.
Maingat ako sa bawat naaapakan
ng paa ko para lang maka-akyat.
Napa tingin naman ako sa itaas at
saktong may isang metal rod na
nayupi. Sa huling apak ko ay hinawakan ko 'yon at marahang
ina-angat ang sarili pataas. Hindi
naman ako nabigo pero kalahati
lang ng katawan ko ang naka-angat
kaya dali-dali ko na lang sinilip
ang nasa unahan ko at laking gulat
ko na lang dahil sa nakita ko!
Nakita ko ang preso! Pero naipit
ang kalahati ng katawan niya posteng
inakyatan ko! Buti na lang at
hanggang lower torso lang ang
naipit pero hindi 'yon mabuti.
Kapag hindi maalis ang poste ay
may matinding pressure ang mangyayari sa loob ng katawan niya
at kapag tatagal 'yon maaring hindi kayanin ng katawan ni Mang Ben
at maaari siyang mamatay. Pero
hindi ko'yon hahayaang mangyari.

Pagtugon at pag-ako ko palang sa
trabahong pinapagawa sa akin ay
malaking responsibilidad na ang
nakaharap sa akin at bilang
boluntaryo ay hindi dapat ako
unahan ng  takot at pangamba
dahil sa pagpili ko palang sa
trabahong 'to ay naka-baon na ang isang paa ko sa hukay.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin.
Maingat akong nakababa mula sa
taas ng poste at agad naghanap ng
pwedeng telecommunication na
magagamit para magbigay ng
balita sa labas at para matulungan
kami at hindi naman ko nabigo.
Sumilay sa labi ko ang ngiti dahil
may nakita akong handset-radio
na natabunan ng alikabok.

Ten Days In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon