Chapter Six: Break down

51 3 0
                                    

A/N: Yakaiii!!!🤪 Another update.

This chapter is secret.. XD🤭
Basta scroll down na!!! 👇🏻👇🏻


Ivy's POV

Hey! meron na din akong point of view. Hehe kala ko kasi Xtra lang
ako dito, Ako nga pala si Ivy Sierra Lancheta ang loka-lokang prenny
ni Tin pero daig ko pa si Poncio
Pilato kapag galit! Share ko
lang... Hehe!

So ayun... Dalawang araw na ang
nakalipas after what happened to
Kristin at biyernes na ngayon.
Mabilis nawala ang mga sugat at gasgas mula sa braso at binti niya
tsaka mabilis din naka-recover yung katawan niya sa lahat ng minor
injuries at ano-ano pang chuvu-
bells na sinasabi ng mga nurses at doctor.

Aaminin kong nagkaroon ako ng
sama ng loob kay Ethan kasi siya
ang sinisisi ko sa lahat ng nangyari
kay Tin. Alam kong mali pero 'di
niyo ko masisi—Basta! Long far
away story.

At ang matindi? Bilib lang din
ako sa prend niyong sing haba ng magical hair ni Rapunzel ang
pasensya at unawa ng mala anghel niyong bida.

At nandito kaming tatlo ngayon kumakain sa cafeteria ng school.
Si Hannah panay sipsip sa caramel frappe niya. Si Tin na sing seryoso
ni Miss Minchin habang nagbabasa
ng El Fili.

"Beh?" napalingon ako kay Han.
"Kailan pa nakatatagos ang mga
tingin?" makahulugang tanong
niya. Napaisip pa ako hanggang sa
na-gets ko na.

Bahagya ko pang binaba ang
mukha ko para matakpan ako ng
dalawang cup ng sundae habang palihim na  pinagmasdan ang mga
tao sa kabilang table, sa mga dumadaan, sa entrance at pati na rin
sa counter. "Beh, check your social media..." agad kong utos kay Hannah
dahil napansin kong hindi maalis sa mukha ng mga tao ang cellphone nila
at tila may tinitignan. Nangunot ang noo ni Han habang sinusunod ang
utos ko.

Maya-maya ay literal na lumaki ang mga mata niya! My heart skipped a
beat.

"B-Beh, Kristin is screwed!" usal
niya sa mahinang paraan habang nanginginig ang kamay na
inaabot ang phone sa akin. Nakita
ko pang nag-angat ng ulo si Tin.

"Kristin Guerra is dating
Professor Harold? Is it a Fact
or Bluff?" pag-basa ko sa headline
na top 1 news pa sa fb bulletin page
ng school at may picture pa talaga
sa baba!

dO_Ob

"Anong meron?" napa-angat agad kami ng tingin ni Hannah dahil sa napaka-inosenteng tanong ni Tin.
Napakurap-kurap akong natutulirong napatingin kay Hannah bago nag-
balik ulit ng tingin kay Tin. Di niya
ba narinig sinabi ko? Kababasa ko lang
ehh... Lumingon ulit ako kay Han
saka humingi ng simpatya or sign
kung sasabihin ko ba o hindi
ang nabasa ko. Tanging maliit lang
na iling ang ginawa niya.

Ahhhh! Pa'no ba this?

d>>_Ob

"A-ah w-wala!" sabi ko kaagad
at binaba ang cellphone ni
Hannah tsaka palihim niya
itong kinuha sa ilalim ng mesa.
Nangunot pa ng bahagya ang noo
ni Tin dahil sa ina-asta namin.

"Ahh–Aray! A-arayy!" nagugulat
naman akong napatingin kay Hannah.
"Ang saket! Whooh ngayon pa
talaga—" nagtataka ko siyang
pinagmasadan. Panay ang daing
niya at humahawak sa puson
habang ininesenyas ang mga taong
papalapit sa gawi namin. Nakuha
ko kaagad ang punto niya. Kunwa-
ring hindi napapansin ang tatlong
papalapit sa amin na mga babae.

Natigilan kaming lahat ng huminto
na ito sa harap ng mesa namin.
" Look who's here?" malanding
aniya ng babae na nasa gitna Nagkatinginan kaming tatlo.
"And oh?, pokpok and friends?!"
Isa-isang niya kaming tinignan
pero pinkatitigan niya si Tin habang
sinabi 'yon. Agad nag-igting ang
tenga ko dahil sa sinabi nito.

Ten Days In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon