"TUTOY" tawag ng isang batang lalakeng mukhang 18years old na ang tindig pero 16 years old palamang kasing edad lang ni "tutoy kanina pa kita hinahanap eh..bat wala ka kagabi?" dagdag pa nito
"pasensya na lester pinaglinis kasi ko ni Lolo ng kwarto ko eh ngayon lang ako nakalabas. kagabi naman di ako pinayagan ni ate cris kaya di ako nakasama sa plaza." nakasimangot na sabi ni tutoy at umupo sa daan sa gilid ng sari sari store.
"kaya pala. sayang ang saya pa naman kagabi. fiestang fiesta tapos wala ka." naupo narin sa tabi ni tutoy si Lester
"kaya nga fiestang fiesta natutulog ako, teka nga kasi wag mo na ikwento pinapaalala mo pa eh.." hawi ni tutoy ng kamay ni Lester sa pagkakaakbay sakanya
"ang inet ng ulo mo. tara na nga lang sa bahay may mga bagong bala ko ng betamax." tumayo na si Lester sabay hawi ng buhok nya punas pawis dahil sa sobrang init dulot ng tanghaling tapat..
"ayoko. ikaw nalang. tinatamad ako." sumandal pa si Tutoy sa pader at humikab pa tila inaantok at walang kagana gana sa buhay
"tara naaaaaa" hila ni lester sa kamay ni tutoy para patayuin ito, nagtagumpay naman si Lester at inakbayan ulit si tutoy "may papanood ako sayo, masaya yun.." napakunot naman ang noo ni tutoy sa sinabi ni lester at binibigyan ng tingin na 'anong papanoorin natin?'
"hahahaha basta masaya to." ginulo gulo pa ni lester ang buhok ni tutoy habang tawang tawa sa itsura ni tutoy
'alam na thisssss.' singit ni Karylle sa kinikwento ni Vice
pagdating ni Lester at Tutoy sa kwarto ni Les. dahil madalas namana si tutoy dito para narin syang nasa sarili nyang kwarto. matalik silang magkaibigan, magkalaro, at magkaklase kasalukuyan na silang nasa 4th yr highschool.
"toy aalis na pala kami next week." mahinang sabi ni Lester habang inaayos ang betamax.
napalingon naman si tutoy kay lester nasa kama kasi nakahiga si tutoy habang nagbabasa basa ng nakakalat na comics ni Lester. "san kayo pupunta?"
"probinsya bakasyon muna tutal graduate na tayo sa highschool. matagal tagal narin kaming di nakakauwi sa bicol eh." kwento ni Lester habang namimili ng papanoorin nila