"maam karylle di na po ba kayo magdidinner?" tanong ni manang rose sa alaga nyang si Karylle na naabutan nyang nagchecheck ng ref sa kusina
"di na po manang nagmamadali po ako eh.." K said right after nyang uminom ng tubig
"ay maam karylle, may dumating po palang envelope dalawa po magkaibang oras dumating kanina para sainyo daw po nandyan po sa taas ng ref.." turo ni manang
agad namang chineck ni K.. "vicerylle baby.." napangiti naman sya sa nabasa nya sa folder pero mas lumawak ang ngiti nya sa nakita nyang white envelope "Vice Pogi..."
'ano nanaman kayang pakana nito' K thought habang umiiling iling
"manang pakitawag nga si Manong Ernie sabihin mo may lakad ako.." utos ni K kay manang rose saka umupo sa kusina si K para icheck ang envelope na galing kay Vice pogi.
"To whom it may concern, charot! ayan nagtataka ka siguro kung bakit may ganitong pa effect pa ako...baka ho kasi sabihin mo di ka nanaman invited kaya eto INVITATION..
I am please to inform you ANA KARYLLE TATLONGHARI that you're invited to come and join me for dinner tonight at my House..
Will Truly Be Yours,
Jose Marie Viceral"
di maitago ni Karylle ang ngiti sa mga labi nya pulang pula nanaman si Kurba....
"maam.." napaangat naman ng tingin si K pero hindi parin nya mapigilan ang pag ngiti...
"oh?" tanong ni K ng may kasamang matamis na ngiti...
"maam diretso na ho ba tayo ng airport?" tanong ni manong ernie
"airport?" tanong ni K
"maam kasi po may flight ho si Sir yael mamaya ho di po ba?" paalala ni Mang Ernie
'oo ngapala, may gig si yael sa Palawan, 4 days mawawala...tsk pano to wala akong driver' K thought..
"di bale kuya magko commute nalang ako di pwdeng malate si yael naiwan na yan ng eroplano last time eh.." K said then left the kitchen
"pero gabi na eh delikado na, kung bukas nalang kaya?" tanong ni K sa sarili nya...