"Gago, Alex! Puno na cup mo. Adik na'to!" Napalingon ang huli sa cup na nasa vendo machine bago binaling ang mata mula sa binabasang handouts patungo sa kaibigang si Sib.
"Tangina, may quiz ako mamaya sa laboratory" batid niya bago sabay nag lakad patungong lobby at umupo.
Batid niya ang pagod at sakit ng mata kasabay ng pag inom sa kapeng malamig na nasa kamay niya. Kakabukas lang ng bagong semestre isang linggo pagkatapos ng final exam at eto nanaman balik pag-aaral na ulit. Hindi siya nag rereklamo, pero tao siya kaya napapagod din.
"Sa lecture naman namin, quiz pagkatapos ng lesson. Nakakabobo. Nakatulog na nga ako kanina, kaya bumaba muna ako para uminom ng kape." Pagsagot ni Sib sa kanya. Magkaiba sila ng section pero nanatili parin ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Nagpatuloy siyang nagbabasa ng kanyang handouts at sinapuso ang bawat instructions sa manual na kasama sa quiz. Napaka komplikado ng Human Anatomy, Physiology at Pathophysiology - kaya nakakaumay man magbasa wala siyang magagawa.
"Nga pala, 'lex, kamusta kayo 'nong Peach?" Napa-angat ang kanyang mukha kay Sib at nag kibit balikat. Binaba ang kanyang handouts, hinubad ang salamin at minasahe ang sintido.
Isang linggo mula 'nong pangyayareng kahit kailan hindi nawala sa kanyang isipan. Halik at haplos mula sa babaeng dalawang taon na niyang tanaw lang sa Nursing building - ang naaalala niya palagi kapag napapadaan siya. Pero ano ba ang nangyare sa kanila?
Wala. Walang kasunod na pangyayare. Nagising siya kinabukasan nang gabing 'yon na maayos ang suot at may nakahandang pagkain sa gilid. Napatulala siya. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga nangyare o parte nanaman ng kanyang imahenasyon at dala na rin ng kalasingan?
Sa eskwelahan naman ng parehong pinapasukan, hindi niya iyon nakita pagkabukas ng bagong semestre, kaya hindi niya alam ang gagawin. Nababaliw siya sa tuwing pinipikit niya ang kanyang mata at mata ng babaeng gumiling sa kanya ang nakikita.
"Hindi ko alam, Sib. Di ko pa siya nakikita ngayong linggo. At kung totoo man ang mga nangyare at ganto lang rin ang kalabasan, hindi na ako aasa." Sabay tayo at tapik kay Sib na tumango habang higop ang kapeng magpapagising sa kanilang diwa.
Mabilis siyang nagsuot ng lab gown pati narin proper personal equipment at muling nagbasa ng kanyang manual. Hindi siya nakapg review sa laboratory class nila dahil tatlong lesson din ang inaral niya sa lecture. Gaya nga ng sabi ni Sib, nagququiz din pagkatapos ng lesson.
"Prepare now." Humugot siya ng hininga bago tinago ang manual, handouts at naglabas ng ballpen at lapis.
--
Dala ang bag at isang librong hawak, inip na naghihintay si Alex sa kaibigang si Sib sa labas ng eskwelahan. Usapan kasi nilang sabay mag-aaral sa prelims ng kanilang summer class na Anatomy. Hindi niya alam kung mababadtrip ba siya o matatawa dahil hindi na siya natuto.Humaba ang kanyang nguso ng nakangising lumapit sa kanya si Sib dala rin ang isang libro at umakbay sa kanya.
"Sorry na... Alam mo naman 'tong bespren mo, maraming side business." Tumawa pa ito at nang makitang hindi na maipinta ang mukha ng kasama, tumik-im siya at napakamot nalang ng ulo.