Ika-anim

310 23 8
                                    

"Father Blanco's distribution in the Philippines history of drugs were Narra and Banaba, what are their scientific names? Anyone?" Dapit hapon na iyon ng kanilang asignaturang Pharmacognosy, inaantok ang lahat, kanya-kanyang pangpa gising ang ginagawa ng kanyang ibang kaklase habang siya naman ay tulala habang hawak hawak ang module ng kanilang lesson.

"...Pterocarpus indica for Narra and Lagerstroemia speciosa for Banaba, Ma'am.." sagot ng isa sa kanyang mga kaklase.

Nasa harap lamang siya at maya-maya parin ang pagkakatulala. Dala ng pagod sa linggong iyon at sa mga extrang nangyayare sa buhay niya.

Nananalantay parin sa kanyang sistema ang mga salitang "Mahal kita" at tila tumatak iyon sa bawat galaw na gagawin niya. Isang linggo ang nakaraan matapos ang huli nilang pagsama ni Peach. Isang linggong hindi rin pagsama, pagsagot sa mga mensahe at tinginan kapag nagkakasalubong sa eskwela. Nagtataka ang sistema pero hindi rin niya matiyak ang mga eksaktong rason na nangyayari sa kanya.

Mahal siya ne'to. Mahal siya ng babaeng halos dalawang taon niya lang na tinitignan, pinagmamasdan sa malayo, umaasa na kahit isang tingin lang ay dumapo sa kanya pero bakit ngayong mahal na siya ne'to, eh parang ayaw naman rumehestro sa puso?

Natapos ang klaseng iyon at may 30 minute-break bago ang kanilang laboratoryo. Lakad lakad patungong locker, kumakalabog ang dibdib na tila ba nakipag habulan kanino.

Kinuha niya ang kanyang mga gamit at saktong pagsarado sa pinto ay bumungad sa kanya ang anghel na nagdadala sa kanya sa empyerno.

"P-peach." Nasabi niya. Nakatayo lamang ito sa harap niya. Kita mo ang inis at pagka-miss ne'to sa presensya niya. Bakit ngayon pa sila nagtagpo kung saan ngayon palang nagrerehistro sa utak niya ang mga pangyayare.

Hindi niya maiwasang mailang sa paraan ng pagtitig ng babae sa kanya. Umiwas siya, napayuko at napa-buntong hininga. Hindi biro ang mga mangyayare at sa loob ng trenta minutos, pakiramdam niya nauubusan siya ng enerhiya.

"May problema ba?" Napatingin siya sa dalaga na nasa harap niya. Malat ang boses ne'to at tila pagod na pagod ang pagkakatanong. Hindi niya maiwasang ma-inis sa sarili. Ang gago lang. Isang linggo niya itong iniwasan.

"Hindi ko alam ang sasabihin. Naguluhan lang ako. Patawad." Deretso niyang bitaw sa mga mata ne'to. Mapalunok siya ng mapagtanto kung gaano ka espesyal ang mawawala sa kanya kung mananatili siyang gago.

Napabuntong hininga ang nasa harap niya. Nag-relax ang balikat ne'to at gayon din siya. Inakay niya ang kanyang mga gamit at hinila ang dalaga malayo sa mga pinto ng mga classroom.

Tinitigan niya ito. Hinawi ang mga buhok na tumatagas sa naka-ipit na buhok. Pinatong ang dalawang kamay sa balikat at ngumiti.

"Maaari bang pag-usapan natin ulit 'to?" Pagyuko niya upang magpantay ang kanilang tingin. Nakita niya ang pamamasa ng mata ne'to kaya mariin niya etong niyakap ng mahigpit.

Naramdaman niya ang bigat ng kapit ni Peach. Nabaliw siya sa paraan ng pagdikit muli ng kanilang mga katawan. Hindi niya naisip na mayayakap niya ito sa harap ng maraming tao.

Hinarap niya ang dalaga at kanyang pinunasan ang mukha ne'to.

"I'm sorry if I caused you pain, Love." Hinalikan niya ito sa noo.

Iyon na ata ang pinaka-emosyonal, sensero at tapat na halik na naigawad niya sa babae. Maliban sa maiinit na samahan, pinangarap din niyang mahalikan ang dalaga sa noo ng puno ng pagmamahal.

Pagmamahal. Marahil mahal niya ito sa kung saan man na aspeto. Mahirap magbitaw ng pagmamahal kapag alam mong hindi ka naman masusuklian nito. Pero eto na, ang babaeng pinakahihintay niya, mahal siya at 'tila ba responsibilidad niyang alagaan at mahalin ang babaeng 'yon.

--
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa, tatlong oras ang nakalipas mula nang mag usap sila sa lobby kanina. Nakatingin lang sila sa isa't-isa na tila nagbabagayan kung sino ang unang magsasalita.

"Alex"

"Peach"

Nagkasabay pa at nag-hiyaan sa paraan ng pagtawag nila. Hinawakan ni Alex ang kamay ni Peach at maingat itong pinagsalikop.

"I'm sorry dahil naging malingap ako sa mga nakaraang araw. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin at sasabihin sa binitiwan mong salita. Mabigat. Sobrang bigat na tila nalunod ang sarili kong salita." Nakatingin lamang si Peach sa kanya, nangungusap ang mga mata ne'to, hindi niya mabasa ang emosyong pinapakita, ang alam lang niya, hindi magkamayaw ang kanyang puso sa pagkakataong ito.

"I just realize that we haven't the proper talk after what we are doing with each other. We kissed, we are doing sex, pero doon lang iyon." Nanlamig siya sa paraan ng pagkakasabi noon ng babae. Hindi niya alam ang sasabihin. Napipi siya ng dahil doon.

"..alam ko, ako ang unang lumapit sayo, tatlong buwan ang nakaraan, pero dahil iyon sa matagal na din kitang tinitignan sa malayo.." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.  Nahuhugutan siya ng hininga sa mga salita ne'to. Hindi niya gusto ang takbo ng kanilang usapan.

"..hindi lang ikaw ang nakatingin sa akin ng matagal, Alex." Ngumiti si Peach sa kanya. Hinawakan niya ang mga mukha ne'to at hinaplos. Hindi niya alam ang gagawin. Masyadong mabulaklak ang nasa paligid niya at pakiramdam niya nasa isang malaking bula silang dalawa.

"..I love you. And I just want a secure assurance that once I gave you again my body, I have peace that we are mutual. Ayokong mag-girlfriend dahil nangangailangan lang ako, Alex. Gusto kita maging girflriend dahil mahal kita." Ngumiti ang dalaga sa kanya at niyakap siya. Mahigpit na mahigpit.

Niyakap niya din ito ng mahigpit. Matagal ang yakapang iyon. Siya ang unang bumitaw ngunit nakayakap parin ang kanyang mga kamay sa katawan ng dalaga.

Hinalikan niya ito sa noo. Matapos ay sa pisngi. Napapikit ito. Hinaplos niya ang mukha ne'to.

Hindi niya inakalang makakarinig siya ng ganoon mula sa isang babae.

Noon, nagtatagal lamang ang mga babaeng karelasyon niya dahil lang din sa pangangailangan sa katawan na eksperto niyang alam. Alam na niya ang pasikot sikot na kiliti ng mga babae. Alipin niya ito sa kama pero ngayon sa harap ni Peachy, para kay Peachy, magiging alipin siya ne'to.

Magpapaka-alipin siya sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon niya lang unang naramdaman at napadama sa kanya. Sobrang saya ng kanyang puso at tila sasabog ito sa saya.

"Salamat." Iyan ang unang salita na lumabas sa labi niya. Nagtaas ng tingin ang dalaga sa kanya at bumagsak ang mga luhang kanina pa ne'to pinipigilan.

Umiyak ang dalaga sa harapan niya sa unang salitang binitawan niya.

"..salamat kasi minahal mo ako. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa tiwala." Patuloy niya. Matigas ang kanyang loob sa mga ganitong eksena, hindi siya umiiyak sa mga maliliit na bagay, kaya kahit na gusto na niyang umiyak, pinipigilan niya dahil ayaw niyang masira ang oras na ito.

"..hindi ko mapapangakong lagi tayong okay. Pero sisikapin kong maging mabuting girlfriend para sa'yo." Ngumiti siya sa huli bago pinunasan ang luha neto. 

Hinalikan niya ang magkabilaang mata ne'to at niyakap ng mahigpit.

"Iiyak ka lang sa saya, mahal ko. Araw-araw kitang pipiliin, magtiwala ka lang."

PeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon