ika-siyam

239 16 5
                                    

"Bat ang tagal mong umuwi ha?!" Pinipigilan kong tumawa habang pasigaw na sinalubong iyon kay Peach. Gulat naman ang kanyang mukha na 'tila hindi alam ang gagawin at sasabihin.

"Love? Galing akong duty, b-bakit?" Parang naluluha na niyang sagot sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Yumakap naman siya at naramdaman ko kaagad ang kanyang pagod.

"Sa adorable homes yun, mahal. Hehehe" bulong ko sa kanya bago ako mahinang tumatawa sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang kanyang malalim na paghinga bago natawa nalang din.

"Akala ko kung ano na! Kinakain ka na niyang adorable homes mo na'yan! Nag aaral ka pa ba?" Humiwalay ako sa pagkayap namin bago siya hinarap.

"Oo naman! Nakapag review na din ako kanina. Kumain ka na ba?" Nahiga siya sa aking kama bago nag tanggal nang kanyang pang itaas na damit.

"Hindi pa. May nabili ka ba, Love?" Tumabi ako sa kanya bago pinakita ang bento box na-na prepare ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" natawa nalang siya sa mga ginagawa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" natawa nalang siya sa mga ginagawa ko. Ako nga din eh. Noong una talaga, sabi ko hinding hindi ako maglalaro neto dahil sabi ko wala akong time, pero kita mo naman ngayon.

"Ang cute nga nila oh, nasa winter garden sila naka tambay" sabi ko sa kanya. Nilingon ko naman siya pero ayon, nakatulog na nga siya. Natawa nalang ako.

Sige na nga, 'yong totoong girlfriend ko na muna aasikasuhin ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sige na nga, 'yong totoong girlfriend ko na muna aasikasuhin ko.
--

Katatapos lang namin mag laboratory kaya naman naka tambay lang muna kami ni Sib sa roof deck ng aming paaralan. Katatapos lang ng Midterm exam kaya naman hindi pa masyado nagbibigayan ng requirements pero ramdam mo na sa amin ang pressure dahil Finals season na nga.

Hindi rin ako confident sa mga exam results ko dahil hindi talaga namin alam kung saan nanggaling ang nasa test papers. Nakapag aral naman kami, pero ewan ko ba. Parang ayaw yata nilang maging Registered Pharmacist kami.

"Hay"

"Hay"

Sabay naming buntong hininga. Hindi din alam ni Sib ang gagawin dahil kahit na siya eh nahirapan din sa exam. Balak na nga niyang lumipat ng ibang university pero sabi ko naman sa kanya na hangga't hindi tayo pinapaalis sa school na'to, hindi tayo aalis.

PeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon