Author's Note:
If you're using an android phone, please play the song through Spotify. Just search for the song, play and go back here.
Song: Hate That I Love You
Jason Chen⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰
Eilegna
"EILEGNA Natata?" tawag ng teacher namin. Roll call.
"E!" sigaw ng katabi ko na pinagtawanan naman ng mga kaklase ko. Yes, lahat sila maliban sa akin.
Diyos ko po, lamunin na lang sana ako ng lupa! Paano? Ako po kasi si Eilegna Natata.
"Class, stop it! Eilegna Nata-" hindi naituloy ni Ma'am Jacinto ang apelyido ko dahil sumigaw ulit ang hinayupak kong classmate na si Gabe.
"E!"
"Mr. Mendoza? Do you want to be in detention?" pananakot ni ma'am.
Tumahimik ang lahat pero mahahalata mong nagpipigil lang ng tawa. Paano? Puputok na mga mukha ng classmates ko sa sobrang pula.
"Buweno, present ba si Ms. Natata?" pag-uulit ni Ma'am Jacinto. Hindi niya ako makita dahil nakayuko ako sa sobrang hiya.
Narinig kong bumulong ng "E" si Gabe. Alam kong sa akin siya nakatuon dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Dahil dito napalingon ako sa kanya at nakita kong nginisian niya ako.
Tuwang-tuwa pa ang loko 'e mukha namang aso. Correction! Mas cute pa ang aso.
"Present, ma'am," sagot ko na may halong hiya.
Matagal na talaga akong nagtitiis sa pangalan ko. Bakit kasi sa dinami-dami ng magiging apelyido ko, Natata pa talaga? Pwede namang Montemayor, Montenegro, Montecarlo at kahit na anong Monte basta tunog mayaman. Pero hindi, Natata talaga?! Ayan tuloy madalas akong tuksuhin na 'natata-e' simula noong bata pa ako and take note, si Gabe lang naman ang may pasimuno nun. Ang hayop na iyon.
"Waaa I want to die right now!" sabay takip ng bag sa mukha at sumubsob sa upuan.
"Hoy Natata, anong pinagsasasabi mo diyan?"
Elementary pa lang kami madalas na akong asarin ni Gabe. He never gets tired of giving the hell out of me. He's the bane of my existence. Hobby niya talagang mam-bully, pero bakit sa akin lang? At malas nga siguro ako dahil sa dinami-rami ng makakatabi ko, siya pa talaga! Mendoza siya at ako naman Natata!
Masipag ako mag-aral, siya tamad. I'm reserved and he's loud. And yes, I'm NBSB tapos si Gabe naman ang daming flings. See? Paano kami magkakasundo?
"Hoy, nagsasalita kang mag-isa," pukaw ni Gabe
"Ha? Ah.. e- hindi.. Ma- may binabasa lang ako," sabi ko sabay hugot ng libro sa bag, ni hindi ko na tiningnan kung ano iyon. Hindi ko namalayan out loud ko palang sinabi iyong mga nasa isip ko. Sana hindi niya narinig.
"Uy teka, ano iyang binabasa mo?" Kinuha ni Gabe ang hawak-hawak kong libro. Inagaw ko ito pero agad niyang nilayo ang kamay niyang may hawak na libro. Gusto ko sanang subukang kunin ulit kaso natatakot lang ako baka mapansin kami ni Ma'am Jacinto.
Binasa ni Gabe ang cover ng libro. "How To Make Him Fall In Love With You. Ito ba binabasa mo?" bumunghalit ng tawa si Gabe at ini-scan ang libro.
OMG! Bakit iyon pa? Baka akalain niya binabasa ko iyon para sa kanya. Yuck!
"Ano naman kung binabasa ko iyan? At saka, akin na nga iyan!" Sinubukan kong hablutin ang libro pero inilayo na naman niya iyon sa akin hanggang sa nag-agawan kami, "Gabe.." bulong ko na may halong conviction. "Gabe, ano ba? Akin na nga iyan."
Parang walang narinig si Gabe. Pangisi-ngisi pa ang hinayupak nang biglang lumingon siya sa akin at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti. "A-yo-ko nga."
"Akin iyan 'e. Kung trip mo iyan, bakit hindi ka na lang bumili?"
"Alam mo Nat.." aniya at sinara ang libro sabay abot sa akin.
Ugh I hate it when he calls me Nat.
"Hindi ko na kailangan magbasa ng mga How To's dahil maraming nagkakagusto sa akin.." Ang kapal talaga. "Mas kailangan mo iyan dahil NBSB ka."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Kanina pa talaga siya. Kung sakalin ko kaya 'to ngayon nang matapos na ang kalbaryo ko? Ilang taon na rin akong nagtitiis sa lalaking 'to. Promotor sa pangsasalaula sa pangalan ko, pakialamero, bastos, walang modo, kup-
Sumigaw bigla si Gabe na akala mo naman nasaksak ng ballpen at..
Bakit parang ballpen ko ang nakatarak sa braso niya?
-------
Author's Note: Hello, sweetpeas! So, 2013 pa ang story na 'to, binalik ko lang dahil na-delete ko. Ni-revamp ko ang characters and names and binago ko format ng story, may pagka-jejemon pa ako noon kaya ang daming emoticons ang story na 'to dati. Hahaha!
Like and Comment are very much appreciated. ♥
YOU ARE READING
Nat and Gabe
RomanceEilegna and Gabe are a total opposite of each other. He's pompous, loud, bully and a chauvinist pig while Eilegna is the exact opposite. Pero sabi nga nila opposite poles attract. Eilegna hates it when Gabe calls her Nat. Gabe is enjoying it on the...