∶ Thirty Eight ∶

265 16 4
                                    

JEONGIN'S POV

Pagkatapos ng ilang oras ay nag landing na ang eroplano. Maya maya pa ay bumaba na ako ng eroplano at sinalubong ako ng malamig na hangin.

Dali-dali akong pumasok sa loob para kunin ang gamit ko at para sa immigration.

Pagkatpos ng immigration at pagkakuha ko ng mga gamit ko ay lumabas na ako ng airport. Paglabas ko ay di ko inaasahan si Chan hyung na naka abang.

"Jeongin!" Lumapit ako kay hyung.

"Chan hyung"

"Tara na?" Tumango ako at inilagay ang gamit ko sa loob. Sumakay na kami ng kotse at nag sinula na siyang mag maneho.

"Daan muna tayo sa bahay para ilagay ang mga gamit mo" sabi niya

"Sige hyung" sabi ko. Kinuha ko ang phone ko at nag back read sa gc.

"Alam pala nila na di pa patay si Jiyeon?" Tanong ko

"Nung isang araw ko lang sinabi, pasensya talaga Jeongin ha"

"..ayos lang hyung, naiintindihan ko naman" sabi ko at pumilit na ngumiti.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila at sinamahan ako ni hyung na ilagay ang gamit ko sa guess room.

Pagkatapos nun ay umalis na agad kami at pumunta ng ospital.

"Hyung ano palang nangyari kay Jiyeon nung pinatawag ng mommy nyo yung doctor?" Tanong ko, baka kasi may nangyaring masama kay Jiyeon dahil bakas sa boses ng mommy nila ang kaba.

"Naging straight ang line nung nasa machine" (a/n di ko alam tawag dun basta HHAHA) sabi ni hyung

"..a-ano ng nangyari?" Tanong ko

" pagkatapos icheck ng doctor bumalik na sa dati yung mga linya, alam ata ni Jiyeon na darating ka kaya lumaban sya" kahit papaano ay napangiti naman ako.

"Kung noon 20% nalang ang chance na mabuhay sya, ngayon 25% na" sabi ni hyung.

" marami bang nag bago sa kaniya?" Tanong koMatagal bago siya makasagot.

"Andito na tayo" sabi ni hyung at bumaba na kami. Habang papunta kami sa kwarto ni Jiyeon ay kinakabahan ako. Baka kasi may mangyari sa kaniya.

Tumigil kami sa isang pintuan at naunang pumasok si hyung kasabay ako. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita ko.Nakahiga si Jiyeon sa kama at maraming nakatusok sa katawan niya.

"Maiwan muna kita" sabi ni hyung at lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Jiyeon na walang malay.

Hindi ko napigilan na maiyak dahil sa kalagayan ngayon ng babaeng mahal ko. Lumapit ako sa kanoya at hinawakan ang kamay nya.

"Jiyeon.." mahina kong sabi ng pangalan niya. Hinaplos haplos ko ang kamay nya.

"I miss you" sabi ko,hinalikan ko ang kamay nya at inilagay ito sa may pisngi ko.

"Limang taon na Jiyeon, heto ako naghihintay pa rin na magising ka, kahit na umabot man ng ilang dekada hihintayin pa rin kita, kasi mahal na mahal kita Jiyeon, lumaban ka please, para sa atin "

Hawak ko pa rin ang kamay nya habang hinihimas ito at nakatitig sa kaniya. Kahit na sobra siyang pumayat maganda pa rin siya. Siya pa rin ang babaeng minahal ko nung una palang.

"...jeongin"


𝐩𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 ; 𝐉𝐄𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 [ 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝟏 & 𝟐 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon