JEONGIN'S
"Hindi ba tayo magkokotse?" Tanong ni Shiyon. Naglalakad kami ngayon papunta sa school namin noon, dahil malapit doon ang lugar kung saan una akong pinansin ni Jiyeon.
"Mamaya pag nakarating na tayo " sabi ni Chan hyung.
Lahat kaming siyam at si Shiyon ay magkakasama, hindi sumama ang mga jowa/asawa nung iba dahil may trabaho pa sila at may gagawin sa bahay.
"Nandito na tayo" sabi ko at tumigil.
"Ano meron dito?" Tanong ni Shiyon.
"Alalahanin mo!" Sabi ko sa kaniya.
"Ha? Ang alin?" Tanong nya.
[ see chapter 6 and 7 kung saan unang pinansin ni Jiyeon si Jeongin ]
"Nevermind, tara na" sabi ko
Naglakad na ulit kaming lahat papunta namab sa school namin noon.
"Saan naman na tayo pupunta?" Tanong ni Shiyon.
"Sa school mo noon" sabi ni Chan hyung.
"Huh? Bakit doon?" Tanong ni Shiyon sa amin.
"Shiyon, ngayong araw ay tutulungan ka namin na ibalik ang mga ala-ala mo" sabi ni Hyunjin hyung.
"Talaga?!" Di makapaniwala niyang tanong.
"Oo nga kulit mo ha" sabi ni Chan hyung
"Ano meron dun sa street na pinuntahan natin kanina?" Tanong ni Shiyon.
"Dun mo ako unang pinansin" sabi ko sa kaniya.
"Eh sa school ba di kita pinapansin?" Tanong niya, umiling ako.
"Bilisan na nating maglakad, marami pa tayong pupuntahan" sabi ni Woojin hyung.
Nagsimula na kaming maglakad at sinabayan ko Shiyon.
"Uy Jeongin, curious lang ako" sabi niya habang nakangiti.
"Ano yun?" tanong ko
"Ano ba kita noon? I mean anong relasyon natin noon?" Tanong niya
MU siguro tayo noon kasi inamin mo rin sa akin na gusto mo ako.
"Bakit mo naman natanong?" Tanong ko
"Curious nga lang diba" sabi niya.
"Wag mo nang alamin" sabi ko. Kahit na gusto ko man sabihin ay bawal muna. Ayokong mapressure ka na alalahanin ang lahat.
"Dali na, damot naman neto" sabi niya at ngumuso pa.
Wag kang ngumuso diyan Shiyon, baka mahalikan kita diyan.
"Muka kang aso, wag kang ngumuso diyan" sabi ko.
"Ang cute ko naman na aso" sabi niya at tumawa.
Oo cute ka, kaya bagay tayo.
"Hoy tama na landian, pumasok na tayo sa loob" sabi ni Chan hyung.Nandito na pala kami sa dati naming school.
"Hi kuya!" Bati ko kay kuyang guard.
"Uy Jeongin! Kasal na ba kayong dalawa ni Jiyeon?" Tanong niya.
Tumingin ako kay Shiyon na nakatingin ng diretso lang.
"Hindi pa po hehe" sabi ko
"Magpakasal na kayo!" Sabi ni Kuya. Ngumiti lang ako at tuluyan nang pumasok sa ng school.Pumunta kami sa dati naming classroom, sa canteen, sa rooftop at sa iba pa.
BINABASA MO ANG
𝐩𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 ; 𝐉𝐄𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 [ 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝟏 & 𝟐 ]
Fanfiction[ DISCONTINUED ] "𝘏𝘰𝘺,𝘑𝘪𝘺𝘦𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰!" _____ 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 ; 𝐉𝐄𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 [ 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝟏 & 𝟐 ] 𝘫𝘦𝘰𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶