Yang Jeongin
•Active 28 seconds ago..Shiyon
Hindi nohSeen 4:01 pm
Ang seener naman pala nitong Jeongin na 'to eh! Sabi pa naman ni kuya chan mabait siya, di naman pala.
"Kuya Chaaaan!! " tawag ko sa kuya kong malaki ang ilong.
"Ano?!" Iritang tanong niya sa akin.
" Ang sungit naman nung Jeongin eh, sabi mo mabait! Sungit sungit naman akala mong araw araw merong dalaw! " reklamo ko.
Akala ko kasi magkakaroon na ako ng love life di pa pala. Kayla Lee Jong Suk at Lee Minho nalang ako.
"Hayaan mo na yun, asikasuhin mo nalang yung gamit mo dahil malapit na tayong umalis" utos niya sa akin. Umirap ako at tamad na tumayo mula sa kama ko.
Kinuha ko ang maleta ko mula sa ilalim ng kama at kinuha ang lahat ng damit ko mula sa cabinet. Aalis na kami dito sa Canada at lilipat na ng Korea dahil may business daw doon ang magulang namin.
Pagkakuha ko ng lahat na damit ko ay sinarado ko na ang maleta ko at kinuha naman ang isang malaking box na binigay ni kuya sa akin kanina. Ilagay ko raw dun ang iba kong gamit, kaya nilagay ko dun ang mga librong binabasa ko lagi at iba pang gamit ko. Hehehe.
Pagkatapos nun ay naligo na ako at nag ayos dahil malapit na kami umalis papuntang airport.
Excited nga ako eh, kasi first time kong sumakay ng eroplano, di ko nga lang sure kung nakasakay na ako noon ng eroplano, basta excited lang ako. Excited din akong pumunta ng korea para mameet yung mga kaibigan ni kuya dun. Sana mga gwapo, charot.
Nang matapos na akong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto dala dala ang maliit kong backpack dahil nasa van na raw yung mga maleta at yung iba naming dadalhin.Sumakay na kami ng van at diretso na sa airport.
Nang makarating sa airport ay nag check in na kami at hinintay lang na matawag ang flight namin. Mamaya maya ay tinawag na at sumakay na kami sa eroplano.
"Kuya, first time ko bang sumakay ng eroplano?" Tanong ko kay kuya chan pagkaupo ko sa assigned seat ko.
"ba't mo naman natanong?" Tanong ni kuya chan
"Wala lang ,curious lang" sabi ko
"2nd time mo na 'to, unang sakay mo nung bata ka papunta tayong Canada" sabi niya
Tumango nalang ako at binaling ang tingin sa bintana. Mamaya maya pa ay lumipad na ang eroplano at nakatingin lang ako sa labas.
-
pinublish at may mga binago lang ako sa ibang parts ng bawat chapter~ so expect na mag babago ang plot? Or ewan ksks
![](https://img.wattpad.com/cover/179466564-288-k911922.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐩𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 ; 𝐉𝐄𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 [ 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝟏 & 𝟐 ]
Fanfiction[ DISCONTINUED ] "𝘏𝘰𝘺,𝘑𝘪𝘺𝘦𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰!" _____ 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 ; 𝐉𝐄𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 [ 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝟏 & 𝟐 ] 𝘫𝘦𝘰𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶