chapter 8: sportfest (part II)

61 3 0
                                    

Lian's POV

"Ilan na yan?"me

"Kumpleto na, lahat na nandito"Jeanne

"Na-check ko na rin yung mga names and numbers wala na namang problema"Bea

"If that so, idistribute na natin, mamayang 12:00 am start na ng game"me

"Sige! Sige!"Jeanne

"Susuotin kaya to ni Lance Lian?"Bea

"Susuotin yan! Ano yun aarte pa sya? Bagay nga sa kanya yang codename na yan eh buwahahaha!"me

Nandito kami sa Administration office. Kasalukuyan naming inaayos yung mga jersey na susuotin ng mga players ng class namin. Start na kasi ngayon ng sportfest namin.

"Sabi mo eh, ikaw naman yung magkaka-problema kapag di nya sinuot yan! Remember, isa sya sa first five ng basketball and yung captain ng team so you need to be a leader kapag nagka-problem"Bea

Kung di nyo naitatanong, ako yung team leader ng team namin. Haha! Galing ko noh? ^^

Pagkatapos namin ayusin lahat ng jersey, pumunta na kami sa room para idistribute lahat ng jersey!

*****

"Ano to?"Lance

"Jersey malamang!"inis na sabi ko

Tanga ba to? College na hindi pa alam kung ano hung yung jersey? Haiists! Gwapo nga! Shunga naman! Tapos ang lakas ng loob magyabang? Hah!

Andito na ako ngayon sa room. Naghiwa-hiwalay kami para magdistribute ng jersey at napunta ako dito sa classroom namin kung saan makikita ko ang pagka-arte arteng damuhong lalaking may lahing tornaido sa lakas ng kapreskuhan! Nakakasar!

"ALAM KONG JERSEY TO PERO BAKIT GANITO!!"Lance

Aba! At nasigaw pa sya ahh! Napakareklamador hmmp! Ang sarap nyang tuktukan to the highest level!

"Oh alam mo pala eh ano pang inaangil angil mo dyan? Bahala ka sa buhay mo! Hindi ako magaakasaya ng panahon para lang sa mayayabang na katulad mo!"pagkatapos kong sabihin yun, pumunta na ako sa sunod na room para idistribute yung mga jersey nila. Bahala sya mamatay sa kaartehan! Bagay na bagay nga sa kanya yung code name nya tapos choosy pa? Tsk! Alien talaga!

Lance POV

Hayy! Nakakaasar yung maarteng babaeng yun ahh! Pinagbibigyan ko lang sya sa pagiging mabait ko pero hayyy! Sya kaya pagsuotin ko nito! Hindi ako maarte, nakakainis lang kasi! Ang pangalan ko ay LANCE JUSTINE PARK,sa haba ng pangalan ko maraming pwedeng pagpilian para ilagay sa jersey pero ang nilagay 'Tornaido 01' sinong hindi maiinis nun? Hindi bagay sa gwapong tulad ko ang ganyang kapangit na pangalan! Tsk!

"Oi pre ang ganda ng jersey natin noh? Ang angas!"sabi ni Glenn na tuwang tuwa pa! Tss! Isip bata

"Ang panget" inis na sabi ko. Asar talaga yung maarteng babaeng yun! Ang hilig magpapansin sakin tsk! Ayaw pang umamin na gusto ako? Hah! Hindi ko naman sya babastedin.

"Bro! Haha nice name ah buwahahahaha" Glenn

"Haha! Astigin! Sisikat ka nyan bro"Russell

"Tornaido 01 pa nga buwahahaha! Nice"Brent

At pinagtawanan pa ako ng tatlo. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakakatagal sa mga to. Ako lang yata matino sa aming apat eh.

"Buti nalang yung sakin King yung nakalagay hahaha! Meaning hari ngkagwapuhan"Glenn

"Sakin yung second name ko yung nilagay, George bagay na bagay sakin buwahahaha!"Brent

"Sakin ok lang na Kurt, pero mas gusto ko sana na Russell para astig"Russell

Mr.Famous meets his HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon