Chapter 17:Harana

38 2 0
                                    

Lian's POV

Ilang araw narin ang lumipas simula ng bumalik dito ang FGLG.

Yung inaakala kong hindi na babalik ay gawa-gawa lang pala ng may sapak kong mga kabigan so hindi ko na kailangan makonsensya.

At hell, balik na naman sa magulo slash maingay slash nakakasar ang buhay ko.

Katulad ng dati, halos tangayin na naman ako ng kahanginan ng alien na akala mo sya si Edward Cullen! Sobra sa confidence eh!

Napaka-moody pa! Minsan mabait, kasi kakausapin nya ko, aalukin ng pagkain, magkukwento tapos maya-maya magsusungit na naman at magyayabang. Tsk! Kawawa talaga ang magiging asawa nito kapag dumating ang araw.

But I wonder kung makapag-asawa to! Bukod sa mahangin akala mo naman ginto! Tsk!

Nandito ako sa loob ng classroom.

Wala kaming klase kasi may eklabush meeting yung mga prof namin.

Finals na namin pero andami paring kaek-ekan ng mga prof dito hayyst!

"Miss maarts, tulo na laway mo, wag mo kong pakatitigan"

Nilingon ko at binigyan ng matalim na tingin yung lalaking mahangin na magsalita kani-kanina lang!

Kung pwede lang ihambalos ko to sa pader matagal ko ng ginawa!

"Wag kang magulo! Kung may iniisip man ako, pwes hindi ikaw yun asa kapa"sabi ko saka tumalikod ulit

Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng maiiwan dito sa room kami pang dalawa ng kulogong to. Grr! Kasing ikli na ng buhok ni Dora yung pasensya ko kaya di ko maipapangako na matino parin ang mukha nito paglabas ng classroom. Kung bakit naman kasi di ko nga sya iniimik, tuloy parin sa pagbuka yung bunganga nya!

"Hah! Talaga lang ah. Kung sabagay yung baklang superman mo yung iniisip mo right?"

Tignan mo to! Maka-bakla wagas! Ang sarap nyang sabunutan grr! Hindi naman pala kasi bakla si Geoff eh. Pinaliwanag nya sakin pero di ko parin alam kung ano yung gusto nya aminin sakin. Hmm! Nakakabobo naman eh

Pero di sya bakla!

"Anong bakla? Hah! Wag mong sasabihin yan dahil wala ka sa kalingkingan ni Geoff. Gwapo, matalino, matino at higit sa lahat, TAO!"Naningkit ang mga mata nya.

Tapos sya ngayon ang pikon? Bopols talaga nitong lalaking to eh! Tsk!

"What do you mean?"

Binigyan ko sya ng 'Tinatanong-pa-ba-yan' look. Hah! Akala nya ah. Kung magaling sya sa kahanginan, syempre da best naman ako sa barahan oh kitams? Ang ganda ko diba? I know! I know!

"Wag mo ng sayangin yang mahanging utak mo sa pagiisip dahil tama ka pffft"sabi ko

Lalo pang nanoingkit yung malalaki nyang mata! Sana magstay nalang sa ganyang kalaki yung mga mata nya.

"I'm not an alien!"sabi nya

Well umpisa na naman yata to ng world War III

"You are"

"No I'm not"

"Yes you are"

"Gusto mong halikan kita para malaman mong hindi ako alien?"Lance

"Anong konek? Kamanyakan mo talaga ano? Para-paraan chong eh noh?"sabi ko

Talaga naman diba? Manghahalik para lang mapatunayang hindi alien? Eww! Eh kung mahawaan pa ako edi patay na? Pati beauty ko magiging alien na rin? Tsk!

Mr.Famous meets his HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon