Lian'sPOV
Nakasalampak lang ako dito sa field malapit sa gym. Katatapos lang namin maglunch at hindi ko alam kung lunch ba talaga yung ginawa ko. Eh kasi naman yung unggoy na nasa harap ko kanina kung makangiti wagas! Kaya eto ako ngayon, bitin! As in bitin na bitin!
Gutom na gutom na ko pero di ko magawang kumain ng ayos hayy!
Nagiisa lang ako dito dahil si Bea, Kim, and Jeanne nasa admin at kasalukuyang inuutusan ng prof namin. Mga kawawang nilalang.
Yung mga feeling gwapo looking gag* naman nasa planetang yekok na yata. Kaya heto ako, loner. Baka makalbo na nga tong damo dahil kanina pa ko bunot ng bunot."Baka makalbo naman yung damo kawawa naman"
May lalaking lumapit sakin at naupo sa tabi ko.
Geoff.
"Oh andyan ka pala, anong ginagawa mo dito? Wala kang klase?"tanong ko sa kanya
Ngumiti lang sya at sumagot
"Para namang ayaw mo na nandito ako. Tulad nyo wala rin kaming klase"Geoff
Tumango-tango nalang ako bilang sagot. Dahil sa panghaharana nya medyo nailang tuloy ako na kausapin sya. Ikaw ba naman haranahin ng best friend mo diba? Tsk! Iba na talaga kapag magaganda.
"Ahh Li-lian may aaminin sana ako. Gusto kong ituloy yung sasabihin ko sayo na naudlot kanina"
"Ah–"
"Patapusin mo muna ako"
Tumango tango nalang ako. Alangan namang magsalita pa ako! Mas lalo lang mapuputol yung sasabihin ko. Mukhang magdadrama kasi tong best friend ko na to eh.
"Alam mo nung unang kita ko palang sayo tingin ko kakaiba kana. Hindi sa kakaiba as in mukha kang mangkukulam ah, kakaiba the way you act. That's why you look attractive to me. Natatawa nga ako nung una nating pagkikita, di mo pa kabisado tong school noon kaya nawala ka nilapitan kita para tulungan ka kaya lang sinabihan mo na agad ako ng superman. Simula noon lagi na kitang sinasamahan. Tuwang tuwa ako noon dahil naging best friend tayo dahil sa pamamagitan noon mapapalapit ako sayo. Kapag may naririnig akong usapan na gusto kang pormahan kinakausap ko sila ng sa gayon di sila makapanligaw sayo. Ako rin naman eh, wala akong love life hanggang ngayon dahil iisa lang ang babaeng gusto ko. Ang babaeng alam kong magiging masaya ako. Lian ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin to sayo dahil lagi kong iniisip na baka kapag umamin ako masira ang pagkakaibigan natin. Oo alam kong best friends tayo pero di ko na kayang itago ang nararamdaman ko para sayo lalo na ngayon mukhang nahuhulog kana. Pero kahit ganon pa man hindi ako magsasawang mahalin ka. Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. Lian please give me a chance to prove my love for you, na hindi lang best friend ang pwede ko maging role sa buhay mo kundi kaya ko ring maging mabuting lalaking magmamahal sayo ng totoo"
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang best friend lang ang turing ko sa kanya despite of being a superman to me. Pero yung feeling na may iba kang gustong magsabi ng mga yun? Hindi ko alam kung sino pero nakatitiyak ako na hindi si Geoff yun."Geoff, ah kasi ah eh best friend tayo diba? So kasi kapag humigit pa doon di natin alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon natin maaaring mag end up yon at mahirap na ibalik yung friendship na binuo natin sana maintindihan mo"paliwanag ko sa kanya
Ayoko rin naman na masira yung pagkakaibigan namin eh. Kapag nangyari yun, wala na kong superman!"Ahh ganun ba but can you let me court you? I know it's damn stupid but I want to show how much I love you in a way na sasaya ka pati narin ako. Isipin mo na ginagawa ko to as a bestfriend as a superman not a man who love you so much"
Napatingin ako sa kanya."Sure la–superman"
Geeez! Sana di nya napansin! Kung bakit naman kasi bigla kong nababanggit yung pangalan ng alien na yun eh! Epal much?"Kahit kailan di ka parin nagbabago! Magic Hug?"Geoff
BINABASA MO ANG
Mr.Famous meets his Hater
أدب المراهقينThey always hate each other but time comes and they fall to each other unexpectedly