Lian's POV
"In serving a dish, you need to be satisfied! You need to be contented for what you've done, you need to accept what you've finish because yourself and only yourself can judge first what is the taste of your dish"
Nakatulala parin ako at nakatingin sa kawalan. Ganito na ako simula palang. Tuwing magfofocus ako, lagi kong naalala yung.. Yung.. Urgh! Basta lagi nalang pumapasok sa isip ko yun! Grr! Kung hindi dahil sa kamanyakan ng alien na yun edi sana.. Edi sana virgin pa yung lips ko!
>_____________<
Para tuloy akong nagtaksil kay Matteo! T^T
Waaaah! Kung saang bituin ka man naroroon alam kong alam mo na inosente ako! Biktima lang ako! Biktima ako ng kamanyakan ng alien na yun kaya kung pwede, Matteo Do my loves sana kunin mo na siya at ipatapon sa planetang yekok! Ibalik mo na siya kila kokey alam kong hinahanap na siya ng mga yun!
"Do you understand?"
Hayy! Oh kaya ako nalang isama mo sa planeta mo! Hindi naman siguro magagalit si Stephy kung ako ang pipiliin mo diba? Mas maganda naman ako sa kanya!
"Miss Martinez do you understand?"
Tsaka mas sexy ako! Hindi rin ako maarte sa pagkain basta ilayo mo lang ako sa manyak na alien na nasa tabi ko!
"MISS MARTINEZ!"
"yes manyak na alien–este ma'am pala"
Napatayo ako nang wala sa oras ng marinig kong tinawag ang napaka ganda kong apiliyido!
Geez! Kanina pa yata ako lutang! Err, si Matteo my loves kasi eh!
"Why are you not listening?"
Hindi ba ako nakikinig!? Ang alam ko nakikinig ako ah! Aba! Bintangera din to si ma'am eh
"Ma'am, nakikinig po ako!"sabi ko
Aba totoo naman ah! Nakikinig ako di lang halata pero nakikinig ako!
Siguro? Hayyst!
(_ _)
"Really? So can you repeat what I've said a while ago?"sabi ni ma'am na mukang irita na!
PSH! Oo na hindi na ako nakikinig! Kasalanan ko bang madisract ako sa katabi ko?
"Ah eh ma'am hindi ko po narinig eh"sabi ko nalang
Parang gusto ko ng ihagis sa bintana tong katabi ko ng makita ko siyang ngingiti ngiti sa gilid ko! Eh kung banatin ko kaya yang bunganga niya! Kaasar! Nagawa niya pang ngumiti ah!
Tumingin ako kay Kim and she mouted 'anong nangyayari sayo girl!? Distracted?' Umiling lang ako bilang sagot. Bakit? Hindi naman talaga ako distracted ah! Naiinis lang ako at parang gusto kong mangalbo ng katabi! Isama mo na rin ang panot kong proffesor! Feeling major kaasar! Bawasan ko lalo yang sampung piraso niyang buhok kapag ako nainis eh!
"I'll repeat it! And please Lend me your ears specially you Miss Martinez!"
At minention pa talaga ang napakaganda kong surname! Kapag talaga hindi ko na prof yan nakooo! Bubunutin ko lahat ng buhok na natitira sa bumbunan niya! Tsk! Palibhasa matandang dalaga! Well, sino naman kasing papatol sa panot? Err! Kahit lolo ng lolo ko hindi sya papatulan eh!
"I know distracted ka because of my yummy kiss. Do you want more?"
Lumaki ang tenga ko sa binulong ng alien na nasa tabi ko at siyempre anong response ko?
"WHAT?"
Alangan namang umoo ako? Ano yun, uto-uto? Kung si Matteo Do siya baka nirape ko na sya kanina pa! Pero kung isang alien lang na kalahi ni kokey at kasing lakas ni Yolanda ang kahanginan, I swear magmamadre nalang ako!
![](https://img.wattpad.com/cover/23604068-288-k211572.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr.Famous meets his Hater
Novela JuvenilThey always hate each other but time comes and they fall to each other unexpectedly