Lian'sPOV
Katatapos lang ng laro nila habagat at nandito parin kami sa bleachers dahil panonoorin din namin si Superman maglaro at siyempre ichi-cheer ko sya! \m/
Wala na rin naman sigurong angal si yabang dahil pinagcheer ko naman sya kanina kahit labag sa loob ko!
"Both team for the next game, be ready it will start after a few minutes"MC
Napaayos kami ng upo ng marinig ko yung MC. Nasa baba narin naman si Geoff kanina pa. Nakaready narin yung poster na inihanda ko para sa kanya ^______^
"Tsk! Tara na, tapos na yung game ng team natin! Wala na tayong gagawin dito"aya ni habagat!
Grabe lang ahh! Purkit hindi na sila yung maglalaro hindi na pwede manood? Sugapa talaga to minsan eh tsk!
"Kung gusto mo lumabas at ayaw mong manood, lumarga ka walang pipigil sayo! Basta ako pati narin sila Kim hindi aalis at manonod dito!"sabi ko
"Hep! Hep! Siyempre ako rin hindi aalis, nandito yung cookies ko eh"sabat ni Glenn saka pumagitna saming dalawa ni habagat!
"Kami rin manonood nalang hehe! Peace leader"Kurt/Brent
Umasim naman yung mukha ni yabang ng malaman niyang hindi sasama sa kanya ang mga alagad niya! Huh! Buti nga
"Aah! How sweet! I love you cookies ko"sabi naman ni Kim
Tsk! Kailangan sa harap ko maglandian?
"Kung maghaharutan kayo wag sa harap ko pwede!? Naaalibadbaran sa inyo ehh!"sabi ko ng medyo inis ang boses!
Una sa lahat ayaw na ayaw ko na may nakikita akong mag-on na sobrang sweet sa harap ko. Feeling ko kasi pinamumukha nila sakin na WALA AKONG LOVELIFE!
"Hmp! Halika na nga cookies ko inggit lang yan satin dali!! Tabi tayo dito oh"sabi ni Kim na mukang excited na excited. Tsk! If I know, may gagawin yang kababalaghan habang nanunuod ng laro, pero ang tanong manonood nga ba? Tsk! Tsk!
Hindi ko nalang pinansin yung mag-on na yun na kulang nalang tunawin at gawing arnibal sa sobrang PDA!
Binuhos ko nalang yung inis ko sa lalaking nakatayo malapit sakin! Binigyan ko siya ng 'manonoodkakungayawmongmabalianngbutolook'
Good thing tumalab sa kanya! Hah! Bakla talaga!
"Tss! Fine!" Padabog siyang naupo sa may tabi ko kung saan may bakante dahil si superman na nakaupo kanina sa may tabi ko ay nasa baba na at nagreready para sa laro nila.
"Oh bakit diyan ka naupo aber?"pagtataray ko sa may kanya. Tsk! Baka mahawa ako ng sakit niyang tornaido virus at maging mahangin din ako katulad niya!
"Bakit? Upuan to eh! Alangan namang humiga ako dito!"asar! Namilosopo pa! >_____<
Hindi nalang ako umimik dahil baka maitapon ko siya ng wala sa oras. Maya-maya pa ay nag-umpisa na yung game.
Nagumpisa naring magtilian yung mga babae sa likod ko. Psh! Mga malalandi! Sila rin yung tumitili kanina nung naglalaro sila habagat.
'GoKylemyloves'
'GalinganmosweetyGeoff'
'Kyaaah! Kaya niyo yan'
Kung di nyo naitatanong, sikat din sa school namin si Geoff dahil mabait, gwapo, mayaman, matalino at higit sa lahat HINDI MAYABANG!
"TSS! Kung maka-tili tong mga to! Mas gwapo ako diyan uy!"bulong nino pa ba? Edi ang numero unong mahangin sa Mellencamp university!
BINABASA MO ANG
Mr.Famous meets his Hater
Novela JuvenilThey always hate each other but time comes and they fall to each other unexpectedly