Prologue Part 2 - Mr. Perfect

255 8 6
                                    

Prologue Part 2 - - Mr. Perfect

Magaling.

Matalino.

Gwapo.

Tinitilian.

Mayaman.

Makapangyarihan.

Just simply…

PERFECT!

Nakakahiya mang aminin pero hindi kailanman  maitatanggi na AKO yun.

Eh, sa isinilang akong ganito…PINAGPALA! (^_^)

But don’t get me wrong. Sino ba naman ang ayaw maging perfect? Diba wala? Dahil lahat nagpapakahirap maging katulad ko. Kaya nga nauso ang “Nobody’s perfect ”. Palusot ng mga taong kahit anong gawing pagpapakahirap para maging perfect eh wala paring napapala. They’re not even close to who I am, what I am and what I have.

“Somebody got a perfect score in your Prelim Exam and not just in one but in all your major subjects,” our professor announced at napatingin sa akin ang buong klase.

Bakit??

“Congratulations Mr.  Bart Villazanta for a job well done! You are now in your 4th year in Mechanical Engineering and still you never fail to amuse me,” papuri ni prof na hindi ko na mabilang kung ilang beses nya ng inulit-ulit.

Tumayo ako.

Nagpalakpakan ang lahat at…spotlight!!! Di joke lang…wala naman talagang spotlight, my classmates are just in awe at hindi makapaniwala na for the nth time around, ang exam na nagpa-nosebleed sa kanila ay pinerfect ko lang.

When will they get used to it? Hindi pa ba sila nasanay na perfect  ako?...tsss! (=_=)

 After nung announcement, prof dismissed us.

at

“As usual bro!!! Ang galing mo! At saka THANK YOU! Lalo mo lang pinamukha sakin na ang bobo ko! Wooh!!”   *\ (^0^) /*

“And your point is…?” tanong ko kay Flip,ang  kabarkada kong di ko ma-gets kung pano ko naging kaibigan. May sayad kasi.

(¬_¬  )   -------------> (^__^) v      (ako  at si Flip)

“Akala  ni Flip na tatalino siya kung magiging kaibigan ka niya pero salungat ang naging resulta. Mas lalo lang siyang naging retarded,” biglang singit ng isa ko pang kabarkada na hindi ko namalayang nandito pala. Gising na pala to? Akala ko ba habambuhay na siyang matutulog…tsk3!

“Ayun! Sapul! Ang galing mo Hiro!!! Salamat sa pagpapaliwanag, pwedeng pa-hug?!” dagdag ni Flip na tuwang-tuwa pa rin sa nangyayari.

“Ba’t parang ang saya-saya mo?” tanong ko. “May girlfriend ka na ba sa wakas? Naku kawawa naman yung babae…”

“Anong kawawa? Wala akong girlfriend oy…True Love waits ‘to mga pre!! Masaya lang ako kasi mas lalo na kasi akong na-eexcite.”

“Na-eexcite sa saan?”

“Sa mga mangyayari.”

“Na ano?”

“Sa’yo…he’s  waiting for someone who’s gonna break your record of being perfect at ever---, “ paliwanag ni Hiro na bigla kong kinainis.

“Aish! Let’s stop this nonsense. Para kayong mga babae mag-isip.“

“Hindi mo kasi naiintindihan na---”

“Nakakaintindi ako dahil matalino ako. Well in fact, I have a very high IQ but if it is nothing but nonsense…as expected, my brain would not process it,” sabi ko sabay tayo.

“Sabi ko nga. Basta Mr. Perfect, wag na wag kang magsasawa,” sabi ni Flip.

Nagpapatawa ba tong mga ‘to?

“Tsss…Don’t worry guys. Everything is fine and PERFECT,” I assured them.

Yes. Everything is fine and PERFECT because it is how my life normally runs.

Everything happens according to my plans.

But not until…

I met HER…

__ end of prologue part 2__

My Favorite Mistake (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon