Chapter 2 - Blessing in Disguise?

253 8 2
                                    

Chapter 2 – Blessing in Disguise?

(Paige’s POV)

Bumuka ang lupa at kinain ako. At mula ‘nun, hindi na ako muling nakita pa.

Haay…How I wish na mawala na lang ako na parang bula at tuluyan na lang akong kainin ng lupa.

“Hey miss, wake up! Are you okay?” , boses ng isang lalaki habang sinisipa ako.

Aba! Anong tingin niya sa’kin? Aso? Walangya ‘tong lalaking ‘to!

Pasalamat siya, nagpapanggap akong walang malay kung hindi sasakalin ko sya. Grrrr…!

“Miss…miss…are you okay?”

Ano ba? Hindi ba obvious sa kanya? Syempre, hindi ako okay! Ikaw kaya mahulog sa jeep at dumiretso ang mukha sa lupa? Haler?

(T_T)

Naramdam ko na lang na tinutusok-tusok nya ang likuran ko. Hanggang sa tagiliran ko.

At…at…at…nakikiliti akooo~! (>o<)

Sobra!

Gustong-gusto ko ng tumawa at iiwas ang katawan ko sa mga tusok-tusok niya pero hindi pwde.

Wala nga akong malay diba??

Walangya ‘tong lalaking ‘to!

“Miss…buhay ka pa ba?” Tusok.

Please…wag dyan, may kiliti ako dyan!  (At may gana pa talaga akong kumanta noh? Hahaha! Ansabeh?)

Pero, swear! Kahinaan ko talaga ang tagiliran ko dahil pag dyan mo ako hinawakan, guguho ang pader.

“Hoy miss…gising naaa~!” Tusok. Tusok .

Bakit pa kasi ayaw niya pang humihinto?? MY GAD!!!Pag ako nagkataon, papatayin ko tong taong ‘to!!!

“Binibini, marumi ang kalsada kaya tumayo ka na.” Tusok. Tusok. Tusok.

Please..please…please…kung sino ka man, tumigil ka na! Di ko na kaya ‘to! Pinagpapawisan na ako. At konti na lang maiihi na talaga ako!

Be strong Paige! Steady ka lang! Hindi ka pwedeng basta-basta na lang tumayo dahil pagtatawanan ka lang nila. FOR SURE!!!

“Naku, kawawa naman yung girl..”

“OMG! Is she dead?”

“No, I think she just fainted.”

“Ang sakit siguro kaya di niya nakayanan.”

“Dapat dalhin siya sa clinic.”

Boses ng mga echosero sa paligid.

“Hay! Sige na nga!” narinig kong nagbuntong hininga yung guy at naramdaman ko na lang ang mga kamay nya on my waist and on my knees.

(O.O)

O.M.G.

Binuhat nya ako!

At take note! Lover’s Carry lang naman!!! Yung pang newlyweds style!

(>//<)

Paige, relax lang. Just go on with your acting. At least hindi ka na nya tinutusok-tusok diba?

*sniff*

Wow ang bango!

*sniff* *sniff*

Ang bango talaga! Ang manly ng amoy! Lalaking-lalaki ! Yung tipong amoy pa lang, ulam na!

*sniff* *sniff* *sniff*

Nakaka-adik siya, este yung amoy nya pala. Hehehe! Pervert na ata ako.

*sniiiiiiiifffffff*

My Favorite Mistake (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon