Chapter 10 - Pahina!
(Bart’s POV)
# Restaurant
I hate her…
I hate her face.
I hate her smile.
I hate the way she talks.
I hate her clumsiness.
And I hate her guts.
Ano bang meron sa babaeng ito?
Isipin mo yun…napahiya ako!
Kakampi nya pati tyan ko.
May sa demonyo ang babaeng ‘to. Lahing mangkukulam o kung ano.
May pangiti-ngiti pa syang nalalaman kanina? Psh!
Sige, pakasaya ka lang Samaniego! Babawi ako and I’ll make sure you’ll regret messing up with BART VILLAZANTA.
*evil grin* ( ̄ー ̄)
“May I take your order sir, ma’am,” sabi ng waiter.
“Samundari Khazana and I want it with caviar and quail’s eggs and….spiced-rubbed pork tenderloin.”
“Is that all, sir?”
“And fresh squeezed orange juice.”
“How about you ma’am?”
I looked at her while she’s busy checking the place.
Psh! Parang batang nakatikim ng ice cream for the first time.
“Hoy Samaniego! Order mo raw!”
“Hoy din Bart! Wag mo akong matawag-tawag na Samaniego dahil feeling ko ang tanda-tanda ko na. May pangalan ako noh. I’m Paige. Paige Samaniego,” sabi nya.
“Paige…Pahina? PaHINA sa libro? Psh..kaya pala ang HINA mo. Wala man lang creativity ang mga magulang mo sa pagpapangalan sayo.”
“Aba! Bakit ano bang pinagmamalaki mo sa pangalan mo! Bart Villazanta? Bart? Parang katunog lang ng tahol ng aso, barf!barf!barf!”
May patahol-tahol pa syang nalalaman.
“Hoy Samaniego, este Pa-HINA, wag mong binababoy ang pangalan ko!” pagdidiin ko.
“Hindi ko naman binababoy pangalan mo…inaaso ko lang. Diba nga ‘barf…’ ang layo n’yon sa oink,” sabi nya sabay tawa.
Yan! Yan yung kinaiinisan ko sa kanya!!!
“Excuse me ma’am, pwede ko na bang makuha yung order nyo?” pakiusap ng waiter.
“Hindi ako kakain,” sagot nya.
“Hoy, mag-order ka na dahil gutom na ako.”
“Di kumain ka…problema ba yun? Wag mo nang alalahanin yung taong hindi naman gutom.”
Yan…isa pa yan! Kung may listahan lang ako sa mga kaiinisan, topnotcher na sya!
Napatingin na lang sa akin ang waiter dahil wala naman syang maaasahang order sa dumbhead na yan. Tsss…
“Okay sir, Samundari Khazana with caviar and quail’s eggs, spiced-rubbed pork tenderloin and fresh squeezed orange juice will be ready in 10 minutes.”
“No. Make it five.”
“Sir? O-ok sir,” sabi nung waiter pagkatapos ay umalis.
Halatang napilitan. Eh sa gutom ako. Tsss…

BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (ON-GOING)
RomanceBeing CLUMSY was out of Paige Samaneigo’s vocabulary, pero mukhang lahat ng kanyang nagagawa, ginagawa at magagawa ay sadyang kasalungat sa kanyang paniniwala. She’s always been CLUMSY with capital C at mukhang nakakabit na ‘yun sa kanya. Ang pinags...