Chapter 1 - Ang Pagtatagpo

221 6 2
                                    

Chapter 1 – Ang Pagtatagpo

(Her POV)

Naranasan niyo na bang maghanap ng nawawalang bagay na hawak-hawak nyo lang pala?

Ako, oo.

Parati.

Kaya ngayon, late na naman ako.

Walangyang suklay na ‘yun, di man lang nagpasabi na nasa kamay ko lang pala. So incompetent!

Naglalakad ako ngayon papuntang sakayan ng jeep, medyo malayo-layo pa kasi ang tinitirhan ko sa Mc Arthur University kaya sasakay na lang ako ng jeep kasi nga malayo at kapag malayo hindi kakayanin ng mga paa ko ang maglakad at matatagalan ako kaya papunta ako ngayon sa sakayan ng jeep.

Magulo ba akong kausap? Paulit-ulit? Naku, masanay na lang kayo kung ganun. . . .hehehe!Peace! (^_^)v

Bilis lakad lang ako nang---

(O__O)

 *meowww*

May itim na pusa na dumaan sa harapan ko…

O, HINDE!!!! Mamalasin ako!!! (*^*)

Mamalasin ako.

Mamalasin ako.

Mamalasin ako.

Pero hindi ako dapat maging nega because I don’t want to have negative vibes in me. Prayer lang ang katapat nito. Tama! Prayer lang at for sure ang malas ay magiging BLESSING .

# sa jeep

Ano ba ‘yan! Ang sikip! At itong katabi ko, parang isang linggo ng hindi naliligo. Ugghhh…malas na ba ‘to? 

Hindi.  Think positive Paige!

Teka…kilala nyo na ba ako??

By the way, I am Paige Samaniego, 18 years of age.

Proudly representing…the Education Department!

O, diba…kung makapag-introduce parang beauty pageant lang ..Hahaha! wag kayong maingay pero sa kaloob-looban ko gusto ko talagang maging beauty queen pero walang nakakaalam dahil nasa loob ko nga lang ‘yun at ayaw kung ilabas kasi nga nakakahiya.

Pero, ang ultimate dream ko talaga ay maging isang teacher. Bakit? Because teaching is my passion at gaya nga ng sabi sa 3 Idiots, make your passion your profession. Kaya  ngayon ako ay isa ng 3rd year BSED student majoring in Mathematics. O, ansabe nyo sa major ko???

At may dalawang bestfriends nga pala ako, sina Dyosa at Tammy. Classmates ko sila since 1st year kaya naging close kaming tatlo. Si Dyosa, super mayaman, maganda, sexy…Dyosa! Si Tammy naman, maganda din, pero pa-demure effect at syempre matalino.

At ako naman, wala.

In my point of view.

Hindi ako maganda.

Hindi sexy.

Hindi mayaman.

Hindi matalino.

Isa lang ak----

*bogsh*

Aray!!!

Ouch!!! Ansakettt!!!

(T^T)

Ngayon ko lang nasubukan, it hurts palang maka-face to face ang kalsada.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Bart’s POV)

Nagmamadali ako ngayon kasi I have a prelim exam in one of my major subjects. Tsk! Pero chicken! Alam ko na ang magiging resulta, either perfect or highest lang naman. Eh sa apat na taon kung pag-aaral dito sa Mc Arthur University I’m always on the top! Take note, Mechanical Engineering, di basta-basta pero sa akin, no sweat. Ako kaya ang nag-iisang Bartholomew Nicholi Villazanta, but I hate my full name kaya just call me ‘Bart’.

*boom*

(o.O)

Ano yun?

Bigla akong bumaba ng kotse.

Shit! Not now! Na-flat yung gulong.  Aish! BAdtrip!!!

Buti na lang dito ako itinirik ng sasakyan ko malapit sa gate ng school. Naku, mahirap ‘to…baka pagkaguluhan ako lalo na ng mga babaeng baliw na baliw sa kagwapuhan ko. I have to check if the coast is clear.

\\(<.<|>.>)//  lingon sa left, lingon sa right nang may mahagip ang mga mata ko.

A girl who is about to get off the jeep.

Based on my quick calculation, may 99% percent probability na mahuhulog siya. And in just a snap—

*bogsh*

Nahulog nga. As usual, my calculations never fail me.

 Basta na lang kasi siyang bumaba ng hindi man lang tinitingnan ang hahakbangan niya.

Ang tanga-tanga! Tsk! Just as what I hate on a person, being clumsy.

Pero bakit nakahandusay pa rin sya sa kalsada? Ok lang kaya sya?

\\(<.<|>.>)//  lingon ulit sa left, lingon ulit sa right.

Shit! Hindi lang pala ako ang nakapansin sa katangahan niya. Lahat napahinto at napatingin pero hindi sa babae kundi sa akin.  Ako ba naman kasi ang pinakamalapit sa kanya. Asar!

Are they expecting me to help and rescue the girl?

I looked at them and from the way they look? The answer is yes.

Yeah, right. May image nga pala akong inaalagaan.

Tsk! Pag minamalas ka nga naman….

__end of chapter 1__

My Favorite Mistake (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon