Chapter 9 - Tug of War

205 7 6
                                    

Chapter 9 – Tug of War

(Paige’s  POV)

This is it!

This is the day!

After five days full of effort, brainstorming, revisions and a lot more sufferings from Mr. Perfect a.k.a Bart Villazanta, we are finally done with the presentation for the accreditation of the Mechanical Engineering Department.

Ano ba yan! Napapa-english tuloy ako, ikaw kaya makasama si Bart ng limang araw…ewan ko lang kung di ka mahawa sa mga English nya. Buti na lang yun yung nakuha ko sa kanya, di yung pagiging mahangin nya.

Pero in fairness ha…ang galing nya talaga. Eh halos wala nga akong contribution, ginawa nya lang naman akong P.A…as in PERSONAL ALALAY not ASSISTANT. Pero at least may effort. As in sooo much effort!

Ako kaya yung nagbubuhat ng mga libro, bag and other personal belongings nya at syempre pati na yung new laptop nya (diba nga pinasabog ko yung old unit kaya naman ang Bart kung makapag-parusa…WAGAS!!!)

Ako rin yung  tagabukas ng pinto, tagabili ng pagkain, taga-timpla ng kape at pati pag-luto kinareer ko na rin. Kulang na lang subuan ko pa sya. Psh! Walangya…bahay ba naman nila ang ginawa naming hide-out para lang ipamukha sa akin na MASTER sya at ALALAY ako!

“The whole presentation was good,” sabi ng accreditors na kasasalukuyang nagbibigay ng feedback. “But it is quite inadequate and not that satisfactory since there are parts of your program that was not commendable for Level 3. I am so sorry but that is our final decision.”

WHAT??!!! THIS CAN’T BE HAPPENING!!!

Pinaghirapan namin yun, lalo na si Bart.

I looked at him and and all I can see is disappointment. Siguro this is his first failure at feeling ko ang dahilan. Ako lahat may kasalanan.

Pati si Dean hindi makapaniwala sa decision ng mga accreditors. She expected a lot from Bart that this will be a success.

Naninikip ang dibdib ko, halos di ako makahinga. Parang sasabog ang puso ko habang pinagmamasdan ko sila.

Wala akong kwenta.

 Tanga talaga ako.

 You are useless Paige,

 ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng ito.

Ayoko naaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

* sa telepono may tumatawag ang telepono sagutin natin ang telepono may tumatawag may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong kung saan WONDERpets*

*sa telepono may tumatawag ang telepono sagutin natin ang telepono may tumatawag may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong kung saan WONDERpets*

Teka? Cellphone ko ‘yun ah…?

Napabalikwas ako ng bangon.

*blink-blink*

At napatingin ako sa paligid…

Kwarto ko ‘to ah…

Panaginip lang ba lahat yun?

* sa telepono may tumatawag ang telepono sagutin natin ang telepono may tumatawag may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong kung saan WONDERpets*

Oo. Panaginip nga!!!

At nagtatatalon ako sa tuwa.

* sa telepono may tumatawag ang telepono sagutin natin ang telepono may tumatawag may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong kung saan WONDERpets*

My Favorite Mistake (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon