Chapter 13 – Si Tolome
(Paige’s POV)
Monday pero pagod ako dahil sobrang late na kami natapos kagabi. Kasi si Bart kung makapag-utos parang wala ng bukas, as if naman yung mga utos nya may katuturan… pero in fairness, may sense naman yung iilan.
Gusto ko sanang tumulong ng totohanan pero tssh…halata sa mukha nya na wala syang tiwala sa akin kasi masyado syang bilib sa sarili nya na kaya nya lahat ng mag-isa.
Which is actually in favor on my part…kesa bigyan nya ako ng trabahong nosebleed.
Pero wala eh, di pa rin sya nauubusan ng kaliwat-kanang utos kaya eto ako, umagang-umaga haggard!
“Paige!!!”
Huh?
Lumingon ako…
At alam nyo na kung sino ‘tong eksaherada kung makasigaw…kung maka-Paige, wagas!
“Girl, anyare dyan sa face moh? ‘Bat parang…hmph! Di ko ma-explain. May pinaglamayan ka ba kagabi? O baka naman…may iniyakan kang boyfriend nang di namin nalalaman? Umamin ka!” tanong ni Dyosa.
“As if naman meron,” sagot ko. Sana nga secret lover ko na lang kasama ko kagabi kesa sa walangyang si Bart.
“Alam mo Dyosa, issues about love should be left to those who are involved kasi if once na nakialam ka, its either you had helped or worse, you’ll just ruin the relationship. Kaya Dyosa, back off and let Paige solve her own problem, if…may problema nga sya. Pero itong mainit-init na balita, kelangan nating makialam. As in we should!” sabi ni Tammy.
Ano ba naman ‘tong mga kaibigan ko, ang weird!
Si Dyosa masyadong shallow at si Tammy naman kung makapagsalita parang may pinaghuhugutan, masyadong malalim. Buti na lang nasa gitna ako. Normal.
Di tulad nilang dalawa, na ayun nakikisiksik at nakikisigaw kasama ng mga estudyanteng imbes na mag-aral, eh ayun umagang-umaga tumitili at parang may pinag-aagawan pa.
Makalapit nga.
Hinanap ko sina Tammy at Dyosa, at ayun talagang nasa may harapan ng isang malaking tarpaulin. Ay, akala ko naman ko naman artista, yan lang pala. Ang babaw.
Ano bang meron dyan at kailangan pa talagang pagkaguluhan?
Because of curiosity, nakisiksik na rin ako hanggang sa makalapit na ako sa kanilang dalawa.
“Sino ba yan?” tanong ko sa kanilang dalawa pero no response.
Aba! Parang di ako narinig ah…kung sa bagay, masyado kasing maingay tapos dumagdag pa ‘tong dalawa.
Maki-basa nga…
“Congratulations! Bartholomew Nicholi…Bartolome? Ay ang pangit ng pangalan nya! Ahahaha! Ang chaka!!! Hoy Dyosa Tammy, ito ba yung ikinagaganyan nyo? Ang sagwa ng pangalan oh…” sabi ko sabay hagalpak ng tawa at turo ‘dun sa tarpaulin.
Bigla silang tumahimik at tumingin sa likuran na para bang may VIP na dumating. Nakatuon lahat ng atensyon nila sa kung sino mang artista na nasa likuran. Pero ako? Dedma! Di ko pa rin kasi maalis ang paningin ko sa pangalan nya, Bartolome Nikolay…ahahaha! Di ako maka-get over! Hanep!
“Matanong ko lang, ilang taon na ba yang si Bartolome? Kasi pangalan nya, kapanahunan pa ni, ahhh… Ah! Rizal! Hinde…Magellan, ahahaha! Lapu-Lapu?” Yung mga nasa harapan at gilid ko ay biglang napatingin sa akin kaya natigilan ako sa pagtawa.
Tiningnan ko sina Tammy at Dyosa na nakanganga at gulat na gulat…
Sa ano? Sa sinabi ko? Big deal ba yun?

BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (ON-GOING)
RomanceBeing CLUMSY was out of Paige Samaneigo’s vocabulary, pero mukhang lahat ng kanyang nagagawa, ginagawa at magagawa ay sadyang kasalungat sa kanyang paniniwala. She’s always been CLUMSY with capital C at mukhang nakakabit na ‘yun sa kanya. Ang pinags...