Chapter 12 – Cold War
(Paige’s POV)
“By the way Paige, I just want you to know that I am so happy that my son finally brought a girl home…and you have a very beautiful name, I love it!”
YOU HAVE A VERY BEAUTIFUL NAME, I LOVE IT.
Hindi ko maintindihan yung mga unang sinabi nya pero yung “you have a very beautiful name”…WAPAK!!! *\(^O^)/*
Nakuuu…I like Tita Grace na talaga, napaka-honest nya! Haha!
At talagang nakiki-tita ako anoh? FC ka Paige!
“Hoy, wag kang ngumiti ng mag-isa, nagmumukha kang baliw.”
Whatever…say what you want pero hindi kita pagsasayangan ng laway. I don’t talk to monsters kasi eh, hahaha!
Sunod lang ako ng sunod sa kung saan sya patungo hanggang sa pumasok kami sa isang bedroom.
Bakit ko nasabing bedroom? Kasi may bed, hehe! Nonsense (-____-)
Umupo si Bart sa study table at nagsimulang magtrabaho sa laptop nya.
“Kunin mo yung box,” utos nya.
“Saan?” tanong ko.
“Hanapin mo.”
“Ok.”
Hinanap ko yung box na pinagsasabi nya at nang may makita akong box, kinuha ko at ihiharap sa kanya.
“Ito ba?”
Sabihin mong ito dahil kung hindi ihahampas ko ‘to sayo! Sa mukha mo mismo!
“Yes, and sort all the folders in there from 1980 to 2012.”
“Okay.”
Okay? Sinabi ko bang Okay? Ang dami kaya! Aish!
Pero hindi na ako makikipagtalo sa kanya…bawal nga akong magreklamo diba?
And as commanded, ginawa ko yung utos nya na tumagal rin ng ilang oras bago ko natapos.
“Tapos na,” sabi ko.
“Just leave it there. And get me a glass of water, inuuhaw ako.”
Glass of water lang? Kung gusto mo drum of water at ibabanwas ko sa pagmumukha mo, kurimaw ka! Ano ako maid?
Pero hindi ko yun sinabi, mas mabuti ng ganito para walang gulo at ng tumagal ako ng FIVE DAYS. One day down at may 3 days and a half na lang kaya magtitimpi ako…
Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusinang hindi ko alam kung saan matatagpuan. Buti na lang may nakasalubong akong maid at dinala ako doon.
Pagkatapos kong kumuha ng tubig sa kusina, dinala ko ito sa kwarto ni Bart at inilagay sa study table nya.
Andun na yung tubig na hinihingi nya pero ang walangya! Hindi pinansin ang kawawang tubig…akala ko ba inuuhaw sya? Ano to? Gung-gungan lang?
Aish! Ansarap sakalin eh…pinaglalaruan na naman ba ako nito?
Nang biglang may kumatok.
At pumasok ang mommy nya na may dalang snacks.
“Hi Paige, kain ka muna. I bet you’re hungry na. Masarap ‘tong cookies, ako ang nag-bake,” sabi ni Tita Grace saka umupo sa couch at tumabi sa akin.
“Naku salamat po, nag-abala pa po kayo,” sabi ko, overwhelmed na marunong palang magtagalog si Tita Grace, kanina kasi puro English lang.
Walang patumpik-tumpik akong kumain kasi nga gutom ako. At gaya nga ng sabi nya, totoong masarap ang cookies.

BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (ON-GOING)
RomanceBeing CLUMSY was out of Paige Samaneigo’s vocabulary, pero mukhang lahat ng kanyang nagagawa, ginagawa at magagawa ay sadyang kasalungat sa kanyang paniniwala. She’s always been CLUMSY with capital C at mukhang nakakabit na ‘yun sa kanya. Ang pinags...