Anong nangyayari kapag nagmahal? HEARTBREAK!
Iiyak-iyak, tapos ano, magkukulong sa kwarto, hindi na kakain, magi-emo, ayaw ng pumasok?! Hindi mo lang kawalan, parehas kayong nawalan. Syempre, nawalan kayo ng bf/gf eh. Ang pinagkaiba lang, nasaktan ba siya?
Since hindi naman parehas ang nararamdaman niyo, edi pagparehasin mo! Be happy because it happened. Mas okay na 'yon kaysa naglolokohan lang kayo. =___= 'Wag kang magmumukmok, magmumukha kang kawawa kasi ikaw lang ang NASAKTAN! In short, ikaw ang LOSER! Gugustuhin mo bang kaawaan ka dahil sa isang walang kwentang taong 'yon?
'Wag ka ding maghiganti. TANGA MO! Bakit ka maghihiganti? Inaano ka ba? Hindi madadaan sa paghihiganti ang sakit na nararamdaman mo. MAG MOVE-ON KA! Ipakita mong hindi ka naaapektuhan kung ayaw mong mas masaktan sa sinasabi ng iba.
Wag kang O.A! Hindi sa kanya umiikot ang mundo mo, SA ARAW! Bobo eh. Hindi ka naman mamamatay kung nakipaghiwalay siya eh. Mamamatay ka lang kung may malubha kang sakit, nabaril, nasaksak sa puso, nasagasaan ng bus na may kasunod na truck, nalason, nilason, na-hazzing, pinatay, pinapatay, talagang matanda ka na o nasa expiration date ka na ng buhay mo!
BINABASA MO ANG
Bitter, Nega, Random? Whatever.
RandomOo! Ako na ang bitter, nega at random! Tsk. Walang may pake. I'll do and say what I want. Hindi porket bitter, may pinagdadaanan. Hindi porket nega, walang magandang nangyayari sa buhay ko. Hindi porket random, walang magawa.