Pake niyo ba?

66 6 2
                                    

E anong magagawa niyo? Ganto na 'ko e. I am what I want to become. Don't freaking tell me to change for someone to like me. I don't exist to delight others. Ano ako, clown? Trabaho ko bang magpasaya/magpaimpres ng tao? I don't even care about them, so why bother?

Masyado akong seryoso? So? E hindi naman kayo ang kinaiinisan sa pagiging seryoso ko e. Hindi ko naman sinabing pansinin niyo. Ako pa may kasalanan kung bakit ayaw niyo sa seryoso? Mas gugustuhin ko pa maging seryoso kaysa namang magkunwari akong natutuwa. Why would I smile if I'm not happy? Niloloko ko lang kayo at ang sarili ko kung ganon ako. I don't fake my feelings. If I'm not happy, then I'm not. If I'm angry, then I am. If I'm not satisfied, then I'm not. If I don't like you, then I don't.

Madali akong mainis kapag "love" na ang pinag-uusapan? Well, hindi naman kayo ang naiinis diba? Live your own life! Edi magpakasaya ka sa "love" na yan. E sa ayaw ko eh. Katulad nga sa nakasulat sa description nitong "story/journal" ko, "Hindi lahat ng bitter, may pinagdadaanan." Kasama ako sa "may pinagdadaanan", well, not in 'that' way, more like for the family. Pano ka hindi maiinis kung sarili mong parents e may problema sa "love" na yan? Hindi ka pa maaapektuhan kung ganon? Napaka-walang pakialam mo naman sa pamilya mo kung hindi ka man lang mag-alala diba? Like what I said, wag kang mangengealam kung wala ka namang alam. 

“I no longer believe in love," she said bitterly. "When people claim to have lost their heart, it's usually only their wits that have vanished.” ― Peter Prange, The Philosopher's Kiss: A Novel

Papansin? E kasalanan ko pa bang napapansin niyo ako? Sinabi ko bang, "HOY IKAW. OO IKAW NGA. PANSININ MO AKO! LECHE"? I don't even know what is noticeable to me. Hindi naman ako papansin katulad ng sinasabi nila. Hindi ko nga man lang naisipang magpapansin, ayaw ko nga sa papansin, tapos tatawagin pa akong papansin? YOU DON'T DO THAT TO ME!!?!

Bossy? Ah, sorry naman kung nautusan akong maging LEADER, ano po? Kasalanan ko pa bang pinili akong maging leader? Sorry kung gusto ko ng mataas na grade ha? Sorry din kung gusto kong magkaroon din kayo ng grade. Sorry na, baka kasi nakakasama sa inyo ang pagiging concern ng tao. Hindi niyo naman ako in-inform na ayaw niyo pala non. Edi sana sinabi kong mag-iindividual na lang ako. Sorry na talaga.

Reklamador. Kasalanan ko pang ang panget ng ideas niyo? Kasalanan ko pa bang napaka-shunga niyo? Aba?! Opinyon ko na yun no! Sinabi ko bang pakinggan mo? Sinabi ko bang palitan mo yang idea mo? Sinasabi ko lang naman ang sa tingin kong mas nakakabuti ha? Kasalanan ko bang madami akong naiisip na mas kaaya-aya? I just say there's a lot better than your ideas and you should consider it, but didn't say you should follow it. Don't need to take what I'm saying, do your thing if you want. I don't care if you don't want me to care. Madali naman akong kausap, pero wag kang mag-eexpect na susundin ko ang gusto mo.

Masyadong mabilis ang utak. Sorry na kung talagang mabagal ka. E sa nakakaisip agad ako ng mas maayos na idea e. Gusto ko lang namang matapos na para hindi na tayong parehas na nahihirapan kapag magkasama tayo. Ayaw mo sa'kin, ayaw ko din sa'yo. Hindi ko na kasalanang mas mataas ang standard ng utak ko kaysa sa'yo. Hindi sa nagmamayabang pero hindi ko na talaga kasalanan yon. Ikaw ba namang nagagaya kay Vice Ganda e hindi ka ba namang masasanay sa kalokohan non?

Kung masyado kayong madaming reklamo sa'kin, hindi ko na kasalanan yon. Hindi ko naman sinabing magstay kayo na kasama ako eh. Hindi ko naman din ginusto yon. Hindi mo din naman mababago AKO dahil sa ayaw mo sa AKO e. Wag mo na lang pakialaman ang gusto ko kasi nga gusto KO, hindi ko naman sinabing gusto MO. Tsaka may pake niyo ba? Kayo ba ako at mukhang mas naiirita pa kayo sa'kin? Pakitingnan nga po muna ang sarili niyo bago magsalita, baka kasi mas malala pa kayo sa'kin. Kahit anong sabihin niyo, walang epekto yan kasi hindi naman totoo.

I didn't even expect anybody to understand me, the only thing I expect is the word 'respect'. But if anyone did not even give that to me because I know I deserve it, I don't know what to expect from anyone anymore.

And please, never ever don't include my family into this, you won't like the things I'm capable of doing.


Pero sige, ako na ang magso-sorry. Sorry na kung hindi niyo ako gusto as tao. Sorry kung wala ako sa standard niyo. Sorry na hindi ako perpekto. Sorry talaga. Sorry kasi wala akong pake sa sinasabi niyo. Sorry talaga kasi...

PUNYETA. WALA. WALA AKONG PAKE SA INYO. GANTO NA AKO EH. WALANG SORRY-SORRY. DI KO NA KASALANAN YON!

Bitter, Nega, Random? Whatever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon