♦ Worth It

30 4 0
                                    

May mga bagay na mahirap makuha pero tumatagal. May mga bagay na madaling makuha pero nawawala agad.

Life is very unfair. Hindi lahat ng gusto natin, nakukuha. May mga bagay na hindi nakalaan sa'tin perplo gusto natin.

Nothing worth having comes easy.

Dapat pinaghihirapan.

Hindi ba masayang isipin na, "Grabe, nakaya ko 'to kaya ang saya ko ngayon." Imbis na maisip ang, "Ang saya ko ngayon, pero kakayanin kaya ng konsensya ko yung nagawa ko?"

May mga bagay na kahit kailangan mong ibigay ang lahat bago makuha mapapaisip ka na lang, "Sobrang worth it nito."

May mga bagay din na kahit kailangan mong ibigay lahat-lahat maiisip mong, "Kakailanganin ko ba 'to? Sobrang mahalaga ba 'to at ibibigay ko ang lahat?"

Some things are worth-risking.

Some risks are worth-taking.

Hindi nga lang sa lahat ng bagay, kaya nga may "Some" sa unahan eh.

Minsan hindi na natin na iisip kung ano ba ang mahalaga. Minsan, kung anong gusto, kukunin na lang nang kukunin.

Paano pala kung hindi naman pala para sa'tin 'yon? Paano kung yung bagay na yon ay sobrang halaga pala para sa iba pero kinuha natin kasi wala lang, natripan lang? Sa tingin niyo ba, worth it yon kung mas kailangan pala ng iba? Na mas ikasasaya pala ng iba kung hinayaan mo na lang?

Ang selfish.

Paano ang ikasasaya ng iba? Paano ang ikasasaya ko? Paano ang ikasasaya ng lahat?

Worth it ba?

Worth it bang isipin ng iba kapag sa'yo na punta, "Ay, dapat akin yon. Bakit nasa kaniya?"

Kailangan palang paghirapan at pag-isipan muna. Sa lahat pala ng bagay na pagdedesisyonan, dapat iniisip muna. Nang hindi tayo nagsisisi sa huli.

Mahirap nga, worth it naman. :)))

Bitter, Nega, Random? Whatever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon